CHAPTER 27

23 3 0
                                    

CHAPTER 27

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

CHAPTER 27

LEI

If it weren't for the adrenaline, I would've passed out a long time ago. Mag-iisang oras na akong lakad-takbo kakahanap kay Shine. Until now, none of us have been successful.

Sa kagustuhan kong mahanap agad siya, hindi ko na naisip pang dalhin ang sasakyan ko na naiwan sa bahay nina Shine. Bumuntonghininga ako at napatingin sa araw na nagsisimula nang lumubog.

If I were Shine, where would I go?

It's a long shot, but it's worth a shot than standing here, doing nothing. Hindi man naaalala ni Shine ang nakaraan, mabuti nang tingnan ko ang mga lugar na maaari niyang puntahan.

Sinimulan kong puntahan ang mga lugar na pinuntahan namin nitong nakakaraan—the mall, café, arcade, national library, even the flower shop I haven't even brought her to.

Pansamantala akong tumigil nang makaramdam ng hilo at pagod. I felt my heart pounding faster and my vision beginning to double. I decided to rest my body for a bit. Ayoko namang hindi ko pa nahahanap si Shine ay mawalan na ako ng malay.

"Kuya, pabili nga pong isang buko." Hinihingal pa ako nang iabot ang bayad sa manong na naglalako ng buko juice.

"Lima o sampu?" tanong nito.

"Sampu po. Inyo na po 'yung sukli."

"Ay, salamat, hijo."

I was in the middle of drinking the juice when I saw some people dressed in school uniforms in the food stalls near me.

Naalala kong may isang lugar pa nga pala kaming napuntahan noon na hindi ko pa napupuntahan ngayon.

Agad kong inubos ang laman ng plastic cup na hawak ko at pumara sa unang jeep na dumaan. Kahit puno na ito ay wala akong pakialam, sumabit na lang ako. I closed my eyes and prayed silently while my hand gripped tightly on the jeepney's door handle.

***

"Shine!"

"Uy," bati ni Shine nang makalapit ako sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakaupo malapit sa dulo ng bubong ng school building namin. Kung gaya lang sa Japan ang schools sa Pinas na may rooftop, malamang ay mas safe sana ang tambayan namin. Pero syempre, hindi naman ang mundo ang laging mag-aadjust sa 'min kaya kahit walang rooftop ang school na pwedeng tambayan, nagtiis na kami sa bubong.

Although unlike in Japanese schools, whenever we hang out here, there are three conditions we must meet: (1) it's midnight, (2) we're not using any light, and (3) we're cautious and silent as a mouse. Why are these needed? Because going up here and staying like this signs us up for a ticket to expulsion.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Shine. Malayang sumasayaw ang buhok niya dahil sa malakas na hangin. Pumikit ako at gaya niya ay dinama ang sarap ng hangin.

Crossing Love Lines (2022)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ