CHAPTER 10

23 5 5
                                    

CHAPTER 10

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

CHAPTER 10

LEI

Naka-focus ako sa crane machine na nilalaro ko. I really want this tiny and fluffy goat stuff toy because it's so cute and it reminds me of Shine's favorite scent, but...

"Kuya, kanina ka pa dyan, e! Kami naman!" reklamo ng batang kanina pa ako pinapanood. Agad naman na sumang-ayon sa kanya ang mga batang kasama niya.

Napakamot ako sa ulo ko at wala sa loob na umalis do'n dahil pati mga magulang nila ay masama na ang tingin sa 'kin.

Bumuntonghininga ako. For Axel's last destination for his so-called date with Shine, dinala niya kami sa isang arcade. At habang papasok kami, nakita ko ang crane machine na 'to kaya pinauna ko na sila sa loob.

Hindi naman ako masamang tao, hindi ko intensyunal na sisirain ang "date" nila, lalo na kung okay naman si Shine sa ginagawa nila. I only intervened at the art museum earlier because I saw how uncomfortable Shine was. Unlike what they both know, I'm not really into going with the friends I saw there. Sumama lang ako at nakipag-usap sa kanila saglit para mabigyan ng pagkakataon na magkausap ang dalawa nang sila lang.

I facepalmed. Ano bang ginagawa mo, Lei? Ayaw mo sa lalaking 'yun para kay Shine pero tinutulungan mo...

Minsan kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Si Shine lang naman ang nag-iisip noon na I had myself all figured out.

"Bilib ako sa 'yo." Napatingin ako kay Shine na bigla na lang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa 'kin at patuloy lang siyang nagsusulat sa papel na ipapasa namin mamaya.

Magka-partner kami sa isang activity na pinapagawa sa ESP class namin kaya magkatapat kami ngayon at sabay itong ginagawa. The activity's about writing a letter to your partner. I'm writing hers and she's writing mine.

"Bakit? Anong meron?" kuryosong tanong ko. Hininaan ko ang boses ko dahil baka marinig kami ng teacher namin na nag-oobserve sa'min.

Without looking at me, she whispered, "Look at you. It's like you already figured yourself out. Samantalang ako, hanggang ngayon, gulong-gulo pa rin sa mga gusto ko sa buhay."

I teasingly mimicked her. "Already figured yourself out... Sinasabi mo dyan?" I inwardly laughed. Kung alam niya lang... I'm just as lost as her.

Sa wakas ay tumingin na siya sa 'kin. One of her eyebrows was raised as she said, "Bakit, hindi ba't ikaw dyan ang desidido na mag-doktor kahit na grade 8 pa lang naman tayo? You even bought another one of those med books yesterday!"

Hindi ko na napigilang tumawa. "E, alangan namang papayag ako na ikaw lang ang bibili ng babasahin? Tsaka ikaw dyan 'yung kumaladkad sa 'kin papasok sa national bookstore kahapon, ah?"

She rolled her eyes and groaned. "I hate you, lagi ka na lang may sagot sa sasabihin ko. I could never win an argument against you."

Shine pouted and continued to write on her paper aggressively.

Crossing Love Lines (2022)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum