CHAPTER 5

36 6 11
                                    

CHAPTER 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 5

LEI

Nagkalat ang pictures at letters na bigay ni Shine sa 'kin nitong mga nakaraang taon sa hospital bed. Shine's the only person in my life who gave me handwritten letters just to show me how much she appreciates me. At hindi niya lang ito ginagawa tuwing may okasyon gaya ng birthday, kundi kada pagkakataon na maisipan niya. Minsan, makakita lang siya ng papel na naka-ipit sa mga librong pinapahiram ko sa kanya, susulatan niya 'yun ng thank-you letter o kaya appreciation letter para mabasa ko kapag naibalik na niya sa 'kin ang libro na pinahiram ko—and just like that, we developed the habit of writing each other letters, may it be long or short.

Isa-isang binabasa at tinitingnan ni Shine ang mga ito. Her eyes sparked with awe and she kept smiling as she went through each one of them. Pinapanood ko lang siya habang iniisip kung anong nararamdaman niya habang binabasa ang bawat sulat na sinulat niya noon pero hindi niya na naaalala ngayon.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang una kong ipakita ang ilan sa mga sulat at bigay niya at naging routine na namin ang basahin ito at balikan, umaasang baka bumalik kaagad ang memorya niya kapag ganito ang ginawa namin. So far, it still hasn't come back, but I'm already content with how we are right now. Kumpara nitong mga nakaraan, mas naging close na kami ni Shine to the point na nasabi ko na rin sa kanya ang katotohanan sa naging usapan nila ni Fallon.

Hindi niya man aminin, pero alam kong nabawasan ang alalahanin niya nang sabihin ko sa kanya ang totoo—na mag-best friends lang kami at wala nang iba.

"Weird ba 'ko kung sasabihin kong kinikilig ako sa mga sinulat ko para sa 'yo?" natatawang tanong ni Shine.

Napangiti ako. "Hindi. Gets naman kita. Kahit ako, kinilig noong nabasa ko ang mga 'yan."

"What?" I asked when Shine looked at me in amusement.

Umiling siya, kita ang ngiti sa mga labi. "Ganyan tayo ka-close noon?"

Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"

"I mean, are we that close para maging sobrang open sa naidudulot nating pakiramdam sa isa't isa?" she asked. "Gaya niyan, ang dali mong sabihin na kinilig ka sa mga sinulat ko. Kung ibang tao, they would probably still feel awkward saying that."

Ah, naiintindihan ko na kung ano ang gusto niyang ipunto. I cleared my throat.

"Well, that's because we're already past that stage," sagot ko. "We know our boundaries and limits. Walang sikreto sa 'ting dalawa. We also rarely have misunderstandings because we talk it out."

I sheepishly smiled as I scratched the back of my head. "Sa totoo lang, napaka-refreshing ng friendship nating dalawa. Napaka-open mo sa 'kin and you always try to speak your mind kaya ginagawa ko rin 'yun sa'yo. End result is... tada! A friendship na hindi mapapalitan, a friendship I hope to last forever."

Crossing Love Lines (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon