CHAPTER 16

25 4 2
                                    

CHAPTER 16

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 16

LEI

Malakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad sa loob ng call center. Inayos ko ang face mask at cap na suot ko. Nagpapanggap na umuubo ako kapag may mga napapatingin sa 'kin nang matagal. The people here shouldn't know that I'm not really Joey Gallego, which is the name written in the company ID that I'm wearing. Kasi ang totoong Joey ay pinatulog ko sa janitor's room gamit ang sedative na kinupit ko pa mula sa mga gamit ng magulang ko ilang taon na ang nakakaraan. Who knew something I took when I was 15 could get in handy today?

"Good evening," bati ko sa mga taong nakakasalubong ko habang tinutulak ang cart na naglalaman ng cleaning supplies. Tinanguan lang ako ng mga ito. Sa buong 24 taon ng buhay ko, ngayon ko lang ginawa ang ganitong stunt. If I get caught, my parents would be so mad and I might be expelled from med school, but... what's the use of turning back now? Let's just get this done before that guy wakes up.

Inisa-isa ko ang floors hanggang sa makita ko sina Axel at Fallon. Magkatabi sila ng mesa at kasalukuyang busy sa pagsagot ng mga tawag. It's past 11 p.m and their shift had already started. Pasimple akong lumapit dala ang mga panlinis, pero napaatras ako nang biglang tumayo si Axel. Galit ang ekspresyon nito nang tanggalin ang nakasuot na headphones. Pati ang ilan sa mga malapit sa kanila ay napatingin sa kanya. But they were quick to move on like this isn't something to be worried about. Except for Fallon who kept staring at him with concern.

Axel marched towards the quiet room. Nakita ko namang may kinuha si Fallon mula sa bag niya at agad na nagpaalam sa kausap niyang customer. She immediately went inside the quiet room, too.

Pasimple naman akong sumunod at nagkunwari na pinupunasan ang salamin na pinto ng quiet room.

"Axel, are you okay?" dinig kong tanong ni Fallon. Nakatalikod lang si Axel sa kanya at hindi humaharap.

"Okay lang ako, salamat." His voice was flat and it did not even offer a bit of interest.

Fallon shifted on her feet. "Uh, ito, oh..." Nilahad niya ang kamay niyang may hawak na parang lip balm gaya ng nakikita ko noon na ginagamit ni Shine. I tilted my head to the side. Why is she giving him a lip balm?

Dahil dito ay napatingin si Axel. Kita ang pamumula ng mukha ni Fallon. Meanwhile, I felt uncomfortable watching the exchange. Pinagpatuloy ko ang kunwaring paglilinis.

"Uh, it's not what you think..." panimula ni Fallon. "Actually, inhaler 'yan na aamuyin mo para magkaroon ka ng quality sleep... I noticed these days kasi na lagi kang puyat and it's affecting your work, so..."

"Okay lang, Fallon. Hindi ko kailangan 'yan."

Ang lamig naman.

"Um, okay, pero kunin mo na lang din—"

Axel grabbed her hand tightly to stop her when she tried to touch his hand and put the inhaler in it. Seryoso itong tumingin kay Fallon. Matigas ang pananalita nito.

"Hindi ko alam kung sinabihan ka ni Shine na gawin ang mga bagay na 'to, pero—" Bago pa siya matapos ay pinutol siya ni Fallon.

"I'm not doing this for Shine!" Fallon burst out in anger. "Best friend niya ako pero hindi niya ako alalay, Axel... I'm doing this because I care for you."

Nilagay ni Fallon ang inhaler sa ibabaw ng mesa. Hindi niya nilingon si Axel na nakatingin lang sa kanya nang sabihin niya ang mga katagang, "Ikaw bahala kung gagamitin mo. I'll go back."

Agad akong nagmadali sa paglilinis para hindi magmukhang kasuspe-suspetsa nang lumabas si Fallon, pero mukhang dahil sa sobrang inis niya kay Axel ay hindi na niya ako napansin. Bumuntonghininga ako at tumingin sa gawi ni Axel. Nakatingin lang siya sa nilapag na inhaler ni Fallon sa mesa. He looked even more devastated than before.

Umiling-iling ako. Bakit kasi galit lagi ang pinapaandar mo, Axel?

 Bakit kasi galit lagi ang pinapaandar mo, Axel?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crossing Love Lines (2022)Where stories live. Discover now