CHAPTER 3

50 6 4
                                    

CHAPTER 3

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

CHAPTER 3

LEI

Isang taon na ang lumipas pero wala pa ring progress sa imbestigasyon ng mga pulis. Kahit lead ay wala silang nahanap. I already told them about Axel a year ago, but they said that he had a solid alibi and we have no other proof to show that he attempted to murder Shine. If I only knew that this would happen, I would've taken law or criminology instead of medicine.

"Rise and shine, Sunshine!"

Naging routine ko na ang bumisita sa ospital na pinananatilihan ni Shine to the point na kilala na ako ng mga nurse, doktor at kahit ng mga pasyente rito. They all thought I'm her boyfriend kahit na bumibisita rin naman si Axel dito. He gets mad about it, but it's not like he could do anything about it. Kahit ako nga walang magawa dahil kahit anong sabi ko na best friend ko lang si Shine, walang naniniwala. People believe what they want to, so I won't be wasting my energy proving they're wrong, especially when everyone that matters to me already knows the truth.

And I've long accepted that this is the fate of being a guy best friend—hindi maiiwasang laging mapagkamalang boyfriend at laging mapagselosan ng totoong boyfriend. Well, buti na lang wala nang boyfriend si Shine ngayon.

"Naku, Lei! Dapat nagpahinga ka muna. Hindi ba kakatapos lang ng sem ninyo?" tanong ni tita nang makita niya ako. Kasalukuyan niyang pinupunasan ng basang bimpo ang braso ni Shine.

Ngumiti ako. "Kakatapos nga lang po, e, kaya mas ganado akong tumulong dito kay Shine ngayong araw!"

Tumawa si tita. "Ikaw na bata ka talaga. Oh, sige, patapos na ako dito, e, kaya baka ang ipagawa ko na lang sa 'yo ay ang bantayan siya habang kumukuha ako ng makakain natin." Tumayo ito at naglakad papunta sa pintuan. Lumingon siya sa 'kin. "Nag-almusal ka na ba?"

Napahawak ako sa tiyan kong sakto na nag-ingay. "Sabi po ng tiyan ko, hindi pa raw."

Tumawa ulit si tita. "Oh, sige, pasabi na lang sa tiyan mo na maghintay lang siya saglit at makakapag-almusal na siya."

"Thank you po, tita!" Kumaway ako kay tita na natatawang naglakad paalis.

Umupo ako sa inupuan kanina ni tita at pumangalumbaba habang pinagmamasdan ang matalik kong kaibigan. Shine's eyelashes seemed to have grown a bit longer. Her lips didn't look dry, so I'm guessing tita already put something on it to keep it moist. Nangayayat din siya. Guess these IV fluids still couldn't replace the wonders of real and natural food.

Bumuntonghininga ako. "Shine, kailan ka ba gigising? Naiinip na ako, ha." I joked. "Ang dami-dami kong gustong ikwento... na gusto ko marinig ang magiging reaksyon mo at ang magiging sagot mo."

Ito na lang ang magagawa ko sa ngayon: ang magbiro para matakpan 'yung sakit. This whole year has been a tough one. It was only now that I realized how much she really meant to me. And how much I felt comforted by her constant blabbing and her loud fits of laughter.

Crossing Love Lines (2022)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora