3

133 6 0
                                    


Chapter 3:

First time

**✿❀ ❀✿**

"Good morning, boo!"

"Ikaw na naman!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw ng pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ay s'ya agad ang bumungad. Ano bang kamalasan na meron ako? Bakit ba lagi ko na lang s'ya nakikita? Naiinis ako sa pagmumukha n'ya.

"Yes, boo. Bakit? Nagsasawa ka na ba sa pagmumukha kong gwapo?" tanong n'ya.

"Bakit ba boo ka ng boo? Hindi 'yan ang pangalan ko!" iritang saad ko at inirapan s'ya. "At isa pa. Hindi ka gwapo! Ang pangit mo! Ang pangit-pangit mo! Panira ka pa ng araw!"

Kinuha ko ang bag ko sa kama. Binuksan ko lang naman ang pinto dahil akala ko sina Kuya ang kumakatok. 'Yun pala aya hindi. Kung alam ko lang si Asungot 'yun ay hindi ko s'ya pagbubuksan ng pinto.

"Wow! Gan'to pala 'yung loob ng kwarto mo. Ang ganda," saad n'ya.

"Sinabi ko bang pumasok ka sa kwarto ko?" inis na tanong ko sa kaniya at tinulak-tulak s'ya palabas ng kwarto ko.

Kahit nga sina Kuya ay hindi ko sila pinapasok pero dahil kapatid ko silang matitigas ang ulo ay wala akong nagawa kundi ang pigilan at hayaan sila sa gusto nila. Pero 'wag lang talaga nilang pakialaman ang gamit ko dahil ayaw na ayaw ko 'yun.

Pwede silang pumasok sa kwarto ko pero bawal silang makialam ng mga gamit ko.

"Lah, pinupuri na nga 'yung kwarto mo, eh. Girly na girly. Ayos! Akala ko hindi," saad n'ya.

"Bakit? Mukha ba akong lalaki sa paningin mo?" Pinanlakihan ko s'ya ng mata. Subukan mo lang umoo at makikita mo ang hinahanap mo.

"Oo," natatawang anas n'ya kaya sinuntok ko s'ya dahilan para mapadaing s'ya sa sakit. "Aray ko!"

"G*go ka ba!"

"Hoy, umagang-umaga nagmumura ka. Gusto mo bang linisin ko bibig mo?!" saad n'ya sabay sinusubukang kunin ang bag kong nakasabit sa'king likuran.

Wala akong practice kaya isang bag lang ngayon ang dala ko at ang librong bitbit ko. Hindi kasi s'ya kasya sa bag ko kaya dadalhin ko na lang. Pati ang librong dala ko ay kinukuha n'ya. Bakit n'ya ba laging kinukuha ang mga gamit ko? Nagfe-feeling na gentleman? Gano'n ba? Hindi bagay sa kanya lalo na't mukha s'yang playboy.

"Pakialam mo ba kung nagmumura ako kahit umaga?" mataray kong tanong at hinayaan s'yang s'ya ang magbitbit ng mga gamit ko. Mukhang gusto naman n'yang pahirapan sarili n'ya, eh.

"'Tsaka mo na ako murahin. Dapat bumati ka muna sa'kin ng 'good morning' with endearment dapat," saad n'ya na para bang nagde-demand.

"Walang good sa morning. So...bakit kailangan kitang batiin ng GM kung ngayon pa lang ay sinisira mo na ang umaga ko?"

Kumunot ang noo n'ya. "Ano'ng GM?"

"G*go mo, ang ibig sabihin no'n," saad ko at napangiti ng mukha s'yang napikon sa sinabi ko.

Gusto n'yang asaran? At siraan ng mood sa umaga? Pwes, hindi ko s'ya aatrasan. Alam ko naman ginagawa n'ya lang 'to dahil gusto n'ya akong pag-trip-an. 'Wag lang sana s'yang mapikon kapag ako naman ang nang-trip sa kaniya.

"G*go mo? Eh, binati mo na ako n'yan, eh. Wala bang good morning d'yan?" Pangkukulit n'ya. "Namura mo na ako kaya dapat bumati ka na sa'kin ng good morning."

I ignored his pangkukulit and went to the kitchen because my head was hurting from his kadaldalan. At isa pa nagugutom na ako may hangover ako sa ininom namin ng mga kaibigan ko. We only drank a little, but since I was a bit tired yesterday ay tinamaan ako ng alak na iniinom namin.

Don't play with me, Coach || ONGOING (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon