Part 9

2.6K 273 15
                                    


NANG natanaw ni Lucky ang imahe ni Nick sa veranda ng bahay. Nakasuot ito ng itim na basketball jersey shorts at gray shirt, mukhang bagong shower ito. Kumaway ito nang maaninag siya sa gitna ng lawn at nakangiti namang kumaway siya pabalik.

Pabulong na napamura si Lucky sa sarili nang maglakad si Nick palapit sa kanya. Shit talaga! Paano siya iiwas sa kaguwapuhan nito? Hayun na naman ang manok na lumalapit sa palay!

She watched him as he walked towards her. He moved like the night wind— smooth and gentle. Grabe, nagiging OA talaga siyang mag-isip pagdating sa hombreng ito.

"Naiinitan ka ba sa loob?" usisa ni Nick sa kanya nang tuluyan itong makalapit sa kanya.

"N-naku, hindi naman. May aircon naman kayo. Mas gusto ko lang langhapin ang sariwang hangin dito sa labas." Muli siyang tumingala sa langit upang iligaw ang nararamdaman niyang pagkakilig. "Parang mas maraming stars dito sa probinsiya," sabi niya.

Tumingala rin ito. "Kasi sa siyudad ay maraming ilaw kaya nalulunod tuloy ang ningning ng mga bituin."

"Ganoon ba 'yun?"

"Oo." Humalukipkip ito. "You know, I used to think that stars were spirits of the dead. Noong namatay ang mama

ko ay gabi-gabi ay tumitingala ako sa langit mula sa bintana ng kuwarto ko. I would look for the brightest star, and I would think na iyon ang spirit niya; that she was just up there, always looking down at me."

Malamlam na napangiti si Lucky. Naisip niya ang kanyang namayapang ina.

Napansin yata ni Nick ang pagdapo ng lungkot sa kanya. "'Sabi nga pala ni Kuya na ulila ka na rin sa ina."

Marahan siyang tumango. "Noong kamamatay ng nanay ko ay lungkot na lungkot ako. P-para akong nawalan ng mahalagang bahagi ng katawan ko. Noon ko na-realize na totoo pala 'yong sinasabi nilang ilaw ng tahanan ang mga ina. After my mother passed away, our house was never the same. Parang dumilim ba. Parang nawalan ng importanteng laman."

Napaigtad siya nang hawakan siya nito sa braso. "C'mon, lie down in the grass with me," yakag nito sa kanya. "You'll get a better look of the sky 'pag nakahiga ka."

Bago pa siya nakahuma ay marahan siya nitong hinila pababa sa bermuda grass, pinahiga siya nito saka humiga sa tabi niya. May one foot ang layo niya sa isa't isa.

"Better?" tanong nito.

Ngumiti siya. "Yeah."

"Sigurado akong masaya ngayon ang nanay mo para sa 'yo, Lucky. I mean, look, 'andito ka sa hometown ng lalaking mahal mo."

Doon na nginatngat ng guilt si Lucky. Bali-baliktarin man kasi ang lahat ay pagsisinungaling pa rin ang ginagawa niya. Kakutsaba siya ni Arn sa pagpapanggap sa pamilya nito at sa lahat ng taong kakilala nito. Well, sa mabuting paraan naman niya gagamitin ang perang makukuha niya mula sa pagpapanggap niya, hindi ba?

Huminga siya nang malalim. She smelled the fresh grass beneath her, that and the intoxicating cologne of the gorgeous man lying beside her.

Kung hindi kaya girlfriend ni Arn ang pagkakakilala ni Nick sa kanya, ganoon pa rin kaya ang trato nito sa kanya? Magiging mabait at sweet pa rin kaya ito? Would they become close? Like friends, perhaps? Would they be more than friends?

Gaga!

Nakatingala lang siya sa mga bituin ay nagwi-wishful thinking na siya! Kailangan niyang bumaba sa lupa. Mabait at sweet sa kanya si Nick dahil ang alam nito ay nobya siya ng kuya nito. Baka kung hindi ganoon ang pagkakakilala nito sa kanya ay nunca na pansinin siya nito. Baka nga ni hindi siya sulyapan man lamang nito.

Akin Ka Na Lang SanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang