Part 3

2.6K 292 18
                                    


BUONG-PUWERSANG nag-inat si Lucky nang sa wakas ay makarating siya ng Tierra Roja. May limang oras din yata ang itinagal ng biyahe. Isinukbit niya ang malaking backpack at binitbit ang mabigat na duffel bag, saka lumabas ng bus terminal. Luminga-linga siya sa paligid. Hmm, not bad.

Hindi pala masyadong rural ang bayan. Malinis ang maluwag na kalsada; minibus, pampasaherong jeepney, at tricycle ang laman. Walang mga nagkalat na basura sa tabi, walang street vendors, may mga mabababang punong nakatanim sa magkabilang shoulder ng kalsada na may mga bulaklak na kulay-fire orange. Marami ring business establishment. May natatanaw siyang five-storey building, bangko, computer arcade, appliance store, at fastfood. May natatanaw rin siyang isang malaking mall.

Hanggang sa isang tricycle ang huminto sa tabi ni Lucky.

"Sa'n kayo, Madam?" tanong ng driver na mas bata siguro nang tatlong taon sa kanya.

"Barangay Asan Norte," sagot ni Lucky.

"Ay, malayo po 'yon dito. Sakay muna kayo ng jeepney, 'tapos—"

"Magkano 'pag aarkilahin kita?"

"Saan po ba sa Asan Norte?"

"Sa bahay ni ex-Town Councilor Carlito Cabron."

"Ah, 'yung may-ari ng Cabron Poultry." Saglit na nag-isip ito. "Dalawang daan po."

Nanlaki mga mata niya. Daig pa ang taxi sa Manila, huh! "'Oy, aarkilahin lang kita, hindi ko binibili ang tricycle mo!"

Tumawa ito at nagkamot ng ulo. "Malayo po talaga iyon, Madam. Saka, hindi sementado ang daan papunta sa Cabron Poultry."

Susme!

Saang lupalop ba ang tirahan ng pamilya ng Arnulfo na iyon? Parang gusto na niyang magsisi na hindi siya nagpasundo sa terminal.

"One hundred, take it or leave it."

"One fifty."

Napamulagat uli si Lucky. Humihirit pa! "One twenty," tawad pa niya.

Binigyan siya nito ng ang-ganda-mo-sana-pero-kuripot-ka look. "One thirty na lang, Madam. Nagtaas na naman kasi ang presyo ng gasolina."

"Sige na nga!"

Hindi nagbibiro ang tricycle driver. Malayo nga sa downtown ang linsiyak na Asan Norte! Halos thirty minutes na siya sa tricycle ay hindi pa rin niya nararating ang destinasyon niya. Isa pa ay umariba na naman ang kakambal niyang kamalasan. Na-flat ang gulong ng tricycle!

"Sorry, Madam," paghingi ng paumanhin ng driver. "Mukhang 'di kinaya ng gulong ko ang daan papunta rito."

"Dito? That means nasa Asan Norte na tayo?" tanong niya, sabay tingin sa paligid.

Huminga siya nang malalim. Napakasariwa at napakapresko ng hangin. Malayo ang nag-iisang bahay na natatanaw niya. Pulos bukirin ang nasa magkabilang panig ng pulang lupang kalsada. Sa di-kalayuan ay tanaw niya ang isang burol at sa likuran niyon ay isang mahabang mountain range.

"Opo." Nag-angat ito ng tingin mula sa pagtse-check ng goma. "Pero medyo malayo pa rito ang bahay ng mga Cabron. Nasa dulo na kasi iyon ng barangay, malapit sa burol."

"Gaano kalayo?"

"Mga onse minutos po siguro 'pag sakay kayo ng tricyle."

Napangiwi si Lucky. "Maaayos mo ba 'yan?"

"Mukhang kailangan po ng vulcanizing. Ite-text ko po iyong isang pinsan kong pumapasada upang kunin ako rito. Pero matatagalan din iyon."

Muli siyang tumingin sa mahabang kalsada. "Wala bang pumapasadang tricyle dito?"

Akin Ka Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon