Part 5

2.6K 284 28
                                    


DAHIL late natulog ay tinanghali ng gising kinabukasan si Lucky. Nahihiya tuloy siyang lumabas sa salas pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ng pambahay.

Napatingala siya sa isang malaking portrait na nakasabit malapit sa front door. Hindi niya iyon napansin noong bagong dating siya sa bahay. Siguro dahil sa matinding pagod sa biyahe at isa pa ay niyaya agad siyang kumain ng merienda ng mag-amang Cabron at pagkatapos niyon ay nagpahinga siya sa guest room hanggang tawagin siya sa dinnertime. O siguro, busy lang siya sa pagnanakaw ng tingin kay Nick?

Isang magandang babae ang nasa larawan. Nasa early twenties marahil ang edad nito. Tipid ang ngiti nito ngunit makislap ang mga mata.

'Must be Mrs. Luningning Cabron, she thought.

Mayamaya ay lumapit sa kanya si Carlito. Base sa bihis nito ay mukhang lalabas ito.

"Did you sleep well?" tanong nito sa kanya.

"Napahaba po," nahihiyang sagot niya.

Tumabi ito ng tayo sa kanya. "That's good. Kailangan mo ng pahinga. Malayo ang ibiniyahe mo papunta rito." Tumingin rin ito sa larawan.

"Napakaganda po pala ng late wife n'yo. No wonder hindi na kayo nag-asawa uli," hindi napigilang sabihin ni Lucky rito.

Tumawa si Carlito. "Gusto kita, hija. You're very straightforward."

Nadidiyaheng ngumiti naman siya rito. Wala talagang filter ang bibig niya madalas.

"Yes, she was very beautiful, inside and out. At wala nang ibang babaeng hihigit pa sa kanya."

Nang tumingin si Lucky sa matanda ay nakita niyang naging dreamy ang mga mata nito. Right there, naisip niya kung makakatagpo rin kaya siya ng lalaking gaya nito, na mamahalin siya hanggang sa kabilang buhay. Katulad ni Emperor Shah Jahan ng India na ipinagpatayo pa ng engrandeng mausoleo ang namayapang asawa nito.

Ay, asa ka pa!

"Siyanga pala, mabuti't gising ka na. Sa bahay ng kumpadre ko tayo manananghalian ngayon. Mayroon siyang tilapia farm. Tuwing anihan ay nakaugalian na niyang imbitahan kaming buong mag-anak upang mag-lunch doon."

"Sige po!" excited na pagpayag niya.



PAGBABA nila ni Carlito mula sa itim na Wrangler jeep ay namataan ni Lucky na nakaparada rin sa tabi ng palaisdaan ang Trailblazer ni Nick. Nakita niya ang lalaking naglalakad sa walkway sa gitna ng tubig na maghahatid sa isang malaking gazebo. Kumaway ito sa kanila ng ama nito nang mamataan sila.

Susme, kahit sa malayuan ay poging-pogi pa rin ang loko!

"Nauna na pala si Nicholas dito," ani Carlito na kumaway rin sa anak.

"Akala ko po nasa manukan n'yo siya 'pag ganitong oras. 'Sabi kasi ni Arn, hands-on si Nick masyado sa management doon," sabi ni Lucky upang kitlin ang kilig na unti-unti na namang kumakain sa kanyang huwisyo.

"Ah, oo, pero hindi niya mapapalampas ang imbitasyon ni Pareng Ambrosio. Parang family tradition na rin kasi namin ito. Dangan lamang at dadalawa na lamang kami ni Nicholas na pumaparito."

Sinalubong sila ni Nick sa gitna ng walkway. "Hey," bati nito sa kanya, maluwag ang ngiti.

"H-hi," bati rin ni Lucky, sinikap ikubli ang kanyang excitement.

Sumabay ito sa kanya sa paglalakad. Nagpatiuna naman si Carlito na papasalubong sa isang lalaking kaedad nito na mabilis na lumalapit sa kanila.

"Siya ang Ninong Ambrosio ko. Mag-BFF sila ni Papa mula pa pagkabata nila," natatawang sabi sa kanya ni Nick bago makalapit sa kanila ang matandang lalaki.

Akin Ka Na Lang SanaWhere stories live. Discover now