Teaser, Warning, and Author's Note

10.5K 381 45
                                    


Isang pangako sa kanyang namayapang ina ang nais tuparin ni Lucky: ang magpunta sa Taj Mahal sa India. Para mangyari iyon ay kakailanganin niya ng malaking pera. Eksakto namang dumating ang isang alok mula sa best friend niyang gay. Babayaran siya nito ng malaking halaga para magpanggap na girlfriend nito. Babalik kasi ito sa hometown nito at hindi alam ng pamilya at mga kababayan nito ang tungkol sa totoong kasarian nito.


Ang kaso, hindi niya akalaing may napakaguwapo pala itong kapatid sa katauhan ni Nick. Not only that the dashing hottie was totally gorgeous, napakabait at napaka-sweet din nito. He was like a mouthwatering dessert, so sinfully good and oh-so-tempting.


Dahil hindi bato ang puso niya ay natagpuan na lang niya ang sariling umiibig dito. Pero may binitiwan siyang salita sa best friend niya. Word of honor o puso ba ang mas pananaigin niya?



******


Warning, what to expect, etc...

Light conflicts (walang barilan, o nagwa-walling dito)

Rom-com (wholesome po ito. Hehe!)

Fast-pace (walang pasikot-sikot, walang habulan, walang tikisan) Pag ayaw po ninyo ng mabilis na ma-develop at marupok na characters, huwag n'yo po ito basahin.

No cheating 

Happy ending 

2011 pa po ang original version ng story na ito. Hindi pa uso noon ang ending na puro kasalan o anakan ang scenes. So pag ayaw ninyo ng happy ending na hindi ganoon ang scenes, skip this story. Thank you. 



******

Author's Note:

Akin Ka Na Lang Sana was my fifth book in PHR, it was released on 2011 and it was my first novel to receive the Readers' Choice seal. This is one of my favorite stories of mine. Eto ang pinakaunang story ko na ang setting ay ang fictional town ng Tierra Roja, na ngayon ay may probinsiya na ngayon— ang Sinagtala. Kung nabasa ninyo 'yung The Governor's Wife sa Red Room, iyon ang probinsiya kung saan gobernador si Jaidon Silvanus. ;)

Hindi ako mahilig sa romance stories talaga, pero kapag may gusto akong basahin o panoorin na romance, iyon ay ang romantic-comedy. Sa rom-com din ako pinaka-komportableng nagsusulat; at lahat ng stories ko, kahit masalimuot ang plot ay hindi nawawala ang comedy content. I guess because life is like that, no matter how sad and dark it could be sometimes, we're still capable to laugh over something.

I am posting this on Wattpad because the main characters of this story are the parents of the hero of my next book. So yeah, start na akong magsulat ng second generation ng OG characters ko. It's about time.  Haha! Abangan po ang Gayuma, coming very soon! ~ ML

Akin Ka Na Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon