030 - Beautiful Scars

Start from the beginning
                                    

        Well, damn him—she wasn't perfect. But at least she was a kind person! Too kind that she was willing to forgive her goddamn ex-fiance and give him a second chance!

        Isang malalim na paghinga ang kumawala mula sa kaniya. Kung saan-saan na napunta ang isip niya. Nawala na rin ang buo niyang pansin sa mga mata ni Cerlance na titig na titig pa rin sa kaniya.

        Damn it. Just spit it out; my skin looks ugly! she wanted to say. Pero gusto ba talaga niyang marinig mula rito ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Knight noon?

        Oh, she could still remember.

        When Knight noticed her scars, he went straight ahead and asked her about them. Bakit raw ang dami niyang peklat? Ano raw ang mga pinaggagawa niya sa sarili niya noon? Gusto raw ba niyang ipa-laser ang mga iyon? May kakilala raw itong cosmetic surgeon na mura maningil.

        Gago lang.

        Pero kahit gago 'yon, nabuang siya sa lalaking iyon.

        Dahil gaga rin siya.

        Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya nagbawi ng tingin at akma sanang aatras nang bigla siyang pinigilan ni Cerlance. Tumaas ang isang kamay nito sa kaniyang likod—at nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kaniyang balat ay banayad siyang napasinghap.

        Shit. That electrifying, tingly sensation is back again.

        Napakurap siya at ibinalik ang tingin sa mukha ni Cerlance. And for a split second there, she thought she'd seen panic in his eyes.

        "Don't move," he demanded.

        She opened her mouth to say something... pero ano ba ang sagot sa utos nitong h'wag siyang gumalaw?

        Pucha... Magic spell ba 'yong sinabi niya? Bakit biglang hindi ko na magalaw ang katawan ko?

        "Just... stay still," Cerlance added. This time, his voice laced with... hesitation.

        Muling nagkarambola ang utak niya nang maramdaman ang kamay nito sa hubad niyang likod na iginigiya siyang lumapit pa. She did, until his face was so close to her breast she almost forgot to breathe.

        "Don't shake," sabi pa nito. Pero ang loko, ang boses nito'y bahagya ring nanginig. Or was that just her imagination?

        "I—I'm not shaking..." she answered, stuttering and quivering at the same time.

        "You did. I felt it."

        "M-Malamig kasi..." Kunwari ay sinulyapan niya ang AC system na nasa likuran nito, pero ang totoo'y hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Cerlance na tila nanghihigop patungo sa ibang dimensyon.

        Si Cerlance naman ang sunod na nagpakawala ng malalim na paghinga. Then, his hand at her back retreated, sa panghihinayang niya. "Okay, let's get this done pronto. Nilalamig ka na."

        Gaga, ba't ba kasi ako nagreklamo?

        Binuksan ni Cerlance ang takit ng tube saka naglagay ng maraming cream sa kaliwang index at middle fingers nito. And as she looked at his huge fingers carrying that transparent cream, something naughty crossed her mind.

        She wondered how those fingers would feel in her...

        Nahinto siya sa pag-iisip nang maramdaman ang muling panginginig ng kaniyang kalamnan. Panginginig na nakita ni Cerlance. Muling umangat ang tingin nito sa kaniya; ang anyo ay nanatiling seryoso.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Where stories live. Discover now