chapter17

39 3 0
                                    


nikko ang bagal mo naman mamili!bilisan mo kaya nagugutom na ako!" reklamo ko.

nandito kami ngayon sa mall para bumili ng susuotin nya,naka ilang palit na sya at pabalik balik sa fitting room dahil hindi nya ata nagugustuhan ang napipili nya.

nag text ako sa mga kuya ko at kay denver na malalate ako ng uwi, dahil itong si nikko bigla akong hinila dito sa mall, mabuti nalang gumaan gaan ang pakiramdam ko dahil sa gamot na pinainum saakin ng nurse.

"tulungan mo kaya ako,hindi puro reklamo ka dyan"

"wow gusto koba sumama sayo!?una sa lahat ikaw ang humila saakin dito"

napatingin pasya saakin.

"bakit mo ba ginagawa ito? ah gusto mo nga pala ako maging partner."

"no choice kasi,feeling ka naman." bara saakin ni nikko.

abat!

"hoy! sa tingin mo gusto kita ka-partner?hello mas gugustuhin kopang walang partner kesa sayo" mayabang kong saad

"talaga? ano ganap mo doon sa prom forever alone baduy mo naman,buti natitiis ka ng kambal ko?"

abat namumuro na to.

"staka wala naman naman tayong jowa pareho,—"

"ano connect?"

"kaya tayo nalang mag partner" deretsyo nya sa sinasabi nya kanina.

"ah akala ko gusto moko maging jowa" mayabang kong sabi.

"Oo gusto kita maging Aso marunong kabang tumahol kaori?" bara nya ulit saakin.

gago to!.

tumahimik na ako dahil baka ano pa magawa ko dito.

"kaori bagay ba?" tanong nya saakin nung nakita kong iba nanaman ang suot nya.

aaminin ko mukha syang lolo,gwapo nga wala namang state sa damit.

"mukha kang ililibing bulak nalang sa ilong kulang,"

"talaga? sana pina Billboard mo"

tangina bakit hindi ako nanalo dito.

maya maya pa naka hanap na sya ng damit na bagay, paglabas namin sa mall nilibre nya ako sa turo turo,

grabi naman ang isang to kuripot.

"sa turo turo talaga tayo kakain nikko."

"oo wala ka namang ambag,nakaupo kalang doon sa mall" sabi ni nikko habang nasubo ng kwek kwek,napaso pa sya. desurv

pagtapos naming bumili ng makakain namin naghanap kami ng pwedeng upuan. napadaan kami sa parj kong saan may mga maliliwanag na ilaw at mga christmas light. mukhang spot ito ng mga magjojowa. akward to para saakin.

"ano ba kaori maupo kananga natitig kapa sa mga tao"

reklamador naman kingina.

"bilisan mo kumain dya hahatid pa kita sainyo,nag text saakin si nikki akala naman nya may gagawin ako sayo, kong wala kalang dibdib mukha kanang lalaki. tapos pagiisipan pa kita ng kahalayan.kadiri"

"pwede itikom mo yang bibig mo baka masampal kita." mataray kong sabi.

"ayoko,magsasalita ako kong kaylan ko gusto"

tigas mo men.

well masarap naman ang kwek kwek at palamig, staka yung view kanina.

nasa bayahe na kami ni nikko taxi lang ang sinakyan namin pero hinatid nya parin ako sa bahay, nakaka gulat nga kasi ang ginagawa nya.
last time lang magkaaway kami ngayon naman parang may nag iba sakanya.

The Cupid's Match[ONGOING]Where stories live. Discover now