chapter14

53 3 0
                                    

ako lang ba ang maaga nagigising kapag walang pasok,kapag may pasok naman gahul ako sa oras.

wala naman akong plano ngayun pero bakit ang aga ko magising. 6:00am palang self wag kang papansin para kang ads sa youtube!. gusto ko pa matulog pero ayaw na talaga ng mata ko pumikit. gusto ko pa humilata pero bahala nanga.

bumaba na ako at dumiretsyo sa kusina para uminum,nakita ko si papa na nagluluto ng almusal. hindi nya pa ako nakikita dahil nakatalikod sya sakin.kumuha ako ng tubig at plano ko sanang umalis agad pero narinig ko na nag salita si papa.

"anak,nandyan ka pala.hindi man lang ako tinapik. syaka bakit ang aga mo ata? may lakad ka ba? magalmusal ka muna nagluto ako." masayang sabi ni papa.

aga aga bwes-

"ah wala po akong lakad."

aalis na sana ako para maiwasan ang awkward moment na'to.

"kape anak, ito o ititimpla kita. dyan ka mona."lumapit sya sakin at pinaupo ako. wala na akung nagawa kaya hinayaan kona sya. pinagtimpla nya ako at hinandaan ng almusal.
kinain ko naman ang binigay nya.habang nakain ako dumating narin ang mga kuya ko at si bunso.pati si mama na galing atang garden. sabay sabay silang umupo at nagsandok ng pagkain.

"wow!ano meron ate ang aga mo!,may lakad ka? saan? sama naman ako!" si denver.

"manahimik ka,magaral ka para naman tumalino ka" seryoso kung sabi.

"sungit"

"wag mong kulitin ang ate mo ngayun baka may dalaw" si mama

tsk.

"yun nga magandang gawin ma eh,asarin si ate habang may dalaw HHAHAHAHA"

'HAHAHAHAHAHAHA!" mga kuya ko.

si papa naman ngiti-ngiti lang.

"tumigil nga kayo,mama wala akung dalaw!" reklamo ko.

"binibiro ka lang naman anak.huy denver.bilisan mo dyan may laro ata kayo ng tropa mo. tigilan mona ang ate mo" si mama.

"Opo"

natapos ang ang almusal namin at hindi na nagsalita si papa. sila kuya naman ay may mga lakad, kaya ako si papa at mama lang ang natira dito sa bahay.

pumasok na ako sa kwarto,kinuha ko ang phone dahil may tumawag bigla sakin. si nikki pala.

from :nikki
["vaklaa!! tara gala! fiesta daw sa kabilang bayan,may perya daw at may dadating daw na banda yung BEN N BEN! "]

[wala-"]

[wala kang pera!?sagot kita ngayun! kaya magbihis kana!!]

[ang ingay mo nikki! magpapaalam pa ako sa parents ko]

[puntahan kita dyan ako magpapaalam sayo! see youu muahh mag bihis kana OTW na ako!"-]

bigla nya pinatay ang tawag.tignan mo'to bastos. wala na akong palag sakanya. kaya naligo na ako at nagbihis ng jean at white top-shirt and white shoes. hindi na ako nag make up hello hindi ako sanay. nagpulbo nalang ako at naglagay Vaseline lipboam.

maya maya pa naririnig ko na ang ingay sa baba mukhang andito na agad si nikki. yung totoo si flash ba sya ang bilis e.

sinuot kona ang tote bag ko at lumabas ng kwarto at bumaba na sa salas.

"anak,may lakad pala kayo ni nikki.nagpaalam sya sa'amin ni mama mo" si papa.

"thank you po tito! una na po kami ni kaori. uuwi din po kami before 6" Si nikki.

hinila nya ang kamay ko at inaya sa labas, wala na akong nagawa dahil agad syang pumara ng Taxi paglabas ng village namin.

mukhang hindi naman nagsisinungaling si nikki dahil may preya talaga at ang daming tao sa paligid ng park! wow kahit umaga palang madami nang mga tao at mga bata na naghahabulan.

The Cupid's Match[ONGOING]Where stories live. Discover now