chapter5

45 3 0
                                    

safe!.

I am very lucky with my older brothers. even though I'm different from them because I'm a single woman, they didn't leave me and appreciated me too much. how lucky I am?!!!

ang kaso mahihirapan ako mag boyfriend. tapos tomboy pa tingin nila sakin? mag bakla nalang kaya ako?

nagkaroon na ako ng boyfie dati, last year lang yun tapos nag break din kami,kasi trip nya lang pala ako, hindi sya seryoso. kaya nung malaman ni kuya jiro yun. binugbog nya, muntik pang makulong si kuya dahil manior yung ex bf ko. pero buti nalang hindi nakulong si kuya dahil napakiusapan ang tatay nung ex ko.

partida mga mars hindi ko iniyakan yung ex ko!! malakas ata to! totoo hindi ko sya iniyakan, nagwala lang ako Hahahaha" kasi naman kahit ba three months lang yun,para sakin matagal nayun!. kaya siguro nabibiter na ako dahil sa issue ko e.

ang hirap magtiwala ulit,

kanina pa ako naka tulala sa kwarto ko,tinanggal ko narin yung gasa,hindi naman na masakit.
lately lagi naman ganto ang nararamdaman ko,parang may tao akong iniisip pero hindi ko naman alam kung sino.

bakit mabigat ang puso ko ngayun?bakit parang nasasaktan ako?,naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

bumangon ako mula sa pagkakahiga a kama at tumingin sa Orasan sa tabi ni study table ko.12:20AM na pero hindi parin ako makatulog,may pasok pa ako mamaya! lumabas ako ng kwarto para uminum,pagbukas ko ng pinto medyo madilim na sa labas, mukhang pinatay nila kuya ang ilaw at tanging lampshade nalang sa salas ang nagbibigay liwanag sa buong sala.
pumunta na ako sa kusina,at binuksan ang ref, kumuha ako ng malamig na tubig, tinungga ko ang isang basong tubig,lumabas na ako sa kusina at may narinig akong kaluskos, pinatay ko ang ilaw sa kusina,at nagdahan dahan ako maglakad. naririnig ko yung kaluskos sa may garahe, pumunta ako sa may bintahan at sumilip dun. hindi gaano makita dahil madilim sa labas,
lumipat ako ng pwesto,sa may bintana ulit pero mas tanaw mula dito ang garahe namin. at ayon! may tao sa labas, tatakbo na sana ako para gisingin ang mga kuya ko pero biglang nagsalita yung tao sa labas.

"wala dapat makaalam nito"

"pero-"

"mangako ka sakin.please"

"hayst sige basta magiging maayos din ito."

"teka si mama at papa bayon?" bulong ko sa sarili, medyo nakita kona sila at tama nga ako! si mama at papa, "pero teka anong oras na tapos kakauwi lang nila at sabay pa sila a!?"

nakita ko silang papasok na sa bahay kaya agad akong tumakbo sa kwarto ko. baka makita pa nila ako, "ano kaya pinagusapan nila?" tsk anong bawal malaman?" bakit ko ba kinakausap sarili ko!!"
nakatingin ako sa orasan ko at 1:00am na! gaano ba ako katagal dun sa baba?

pinilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. kanina iniisip ko kung may tao ba akong iniisip,ngayun naman iniisip ko kung ano ang pinaguusapan nila ni mama at papa. Jusko!

'sleep na kaori!!!

pinilit kong matulog pero mukhang naka idlip lang ako,biglang tumunog ang alarm clock ko. napa bangon agad ako. bumababa at naligo. nagbihis din ako ng uniform. nag pulbo lang ako para naman hindi ako mukhang zombie dahil wala akong tulog at ang laki ata ng eyebags ko.

Tuesday sleepy head!

feeling ko aantukin ako mamaya sa room.pero sana wag.
bumaba na ako at nag almusal. andito nga pala si papa. kaya pala tahimik ang mga kuya ko. tanging si denver lang ang kumakausap at sumasagot sa tanong ni papa.

naupo lang ako sa tabi ni kuya hades,nag noud lang sakin si kuya at nagsimula na kaming kumain.
naguusap sila pero hindi ako nakikisali,wala ako sa mood. tapos inaantok pa ako. tinignan ko si mama at papa. pero wala namang something sakanila. wew act normal?tsk

The Cupid's Match[ONGOING]Where stories live. Discover now