chapter13

40 3 0
                                    

weeked ngayun at nagyaya si Papa na mag picnic daw kami sa park. nung una ayoko sumama,pero sinamaan ako ng tingin ni kuya Jiro,kaya ito ko ngayun kumakain lang sa tent namin at ang mga kuya ko ay nageenjoy sa park. si papa naman ay nag iihaw ng BBQ,si mama naman ay inaayos ang kakainan namin. para talaga kaming masayang pamilya,.. kung wala lang sanang ibang pamilya si papa.

minsan iniisip ko,paano kaya kung buo talaga kami,paano kung bumalik kami sa dati,na papa's girl ako,paano kung isang araw totoong masaya kami. actually ako lang ata ang hindi masaya,sa nakikita ko sa mukha ng mga kuya ko ay masaya naman sila na nandito si papa,bukod kay kuya aux na ilap parin pero hindi naman sya cold. si mama naman naman kung umakto akala mo hindi sakanya nag cheat si papa. at si denver wala naman syang alam kung bakit kami iniwan ni papa,ayaw namin ipaalam basta alam nya lang na galit kami.

kinuha ko nalang ang phone ko at nag brows sa Fb. nakita kung online ang mga kaibigan ko,pero hindi ko sila chinat, weeked ngayun at alam kung tulad ko kasama din nila ang pamilya nila ngayun.habang nag cecellphone ako ay tinawag ako ni mama.

"Anak,kaori,tulungan mo nga ang papa mo sa pagiiihaw kanina pa kasi sya dyan." utos ni mama na hindi nagabalang tignan ako dahil inaayos nya ang maliit na mesa na kakainan namin.

labag man sa kalooban ko pero pumunta ako sa pwesto ni papa at kinuha ang tong sakanya at ako na ang nagpapatuloy dito sa pagiihaw.

"salamat anak" sweet na banggit ni papa.tumango lang ako sakanya.

"AH!" napaso ako,dahil medyo nagkaroon ng apoy ang baga lang sana. agad naalerto si papa at kinuha ang kamay ko kung saan ako napaso.

"ejusmaryusep anak," alalang sabi ni papa.

agad kung hinila ang kamay ko sakanya,hindi naman sya nagulat sa ginawa ko.

"ayos lang po ako"

"anak,gusto mo ba lagyan ko yan ng band aid na may drawing ko?" si papa.

ah ganun nga pala ang ginagawa nya tuwing magkakaron kami ng band Aid o mayroon kaming gasa,giniguhitan nya iyun ng mga kung ano ano,like flowers,bunny,star. at kung ano ano pang makakapag-gaan ng kalooban namin.

pero bata pa ako noon... hindi na ako yung dating bata na nagpapababy sakanya..

"hindi na po pa,ayos na talaga ako,hmm tulungan ko lang po si mama dun,saka pa,luto na po pala yan,wala kanang gagawin." hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil namadali ako sa pagpunta sa kinaroroonan ni mama,at sakto dahil kararating lang ng mga kuya ko at ni denver.

nagtulong tulong kami sa pag hahanda ng pagkain namin,pasado aluna nung matapos kami kumain,at ngayun ay nagpapahinga kami, buti nalang at nagdala kami ng sunglasses para hindi kami masilaw kung sakaling hihiga kami sa damo ng park.

nakita ko si kuya Hades at kuya Aux na pinagtutulungan si denver na buhatin na parang bride at papagulungin nila sa damuhan,si Denver naman ay nagsisigaw sa ginagawa sakanya ng mga kuya namin. si Kuya Jiro naman ay ngiti ngit lang at mukhang natutuwa sya sa pangtitrip nila kuya sa bunso namin.

napatingin ako sa pwesto nila mama,di kalayuan sa pwesto ko.nakaupo sila sa monoblack at parehong pinapanood ang mga kuya ko. kung titignan mo sila,para silang perfect couple, ano kaya ang naramdaman ni mama nyung nalaman nyang niloko sya ni papa, bakit hindi man lang nababakas sa mukha ni mama na niloko at iniwan sya ng magaling nyang asawa,which is papa ko.

"kaori,anak,bakit nagiisa ka dyan ayaw mo bang sumali sa mga kuya mo?" tanong bigla ni mama,ni hindi ko man lang napansin na lumingon sila sakin. nakatalikod kasi sila nung tumingin ako sakanila.

"A-ah hindi na po, baka mangitim po ako" dahilan ko,

"anak alam mo naman kahit anong pagpagpapaaraw mo hindi ka mangingitim dahil pinanganak kang tisay," si Papa.

"P-pero po mamumula naman ako,e may pasok pa po ako sa monday e." hindi ko siguradong sagot.

nagkatingin naman si mama at papa at mukhang sang-ayun naman sila sa sinabi ko.

hindi na muli nila ako pinilit makisali sa mga kuya ko,kaya naman nag stay lang ako sa kinauupuan ko.

natapos ang oras namin at pasado alasingko na ng hapon. napagpasyahan na naming magligpit at umuwi.
nasa sasakyan kami,si papa ang driver at tabi nya si papa sa passenger sit.kami naman ay nasa back set.

"mama si kuya Aux at kuya Hades hinagis ako sa damuhan! look mama,puro pula na ang balat ko dahil sobrang kati ng damo!" sumbong ng bunso namin.

15 na sya pero pababy talaga.

"hades,Aux,wag nyo na uulitin yun a" si mama

ngingisingisi naman si bunso dahil kinampihan ni mama.

"mama si kuya Jiro din po,hindi nya ako tinulungan laban sa dalawa kung kuya!" sumbong ulit ni bunso.napatingin naman si Kuya jiro kay denver at sinamaan nya ito ng tingin. "mama look oh! tinitigan nya ako ng masama!"

napahilamos nalang si kuya Jiro dahil hindi nya magantihan ang bunso namin dahil mabilis itong magtampo.

"hayaan mona denver,bunso.laro lang sakanila yun,pabigyan mona ang mga kuya mo" sabat ni papa.

"okay papa" agad na sagot ni denver at nakangiti pa.

kinurot ko sya ng sobrang lakas at nasisiguro yung tuklap ang balat nya. masyado syang close kay
papa,papansin.

"Ate!bakit kaba nangungurot! ang sakit kaya!" maluwa luwang sigaw sakin ni denver. tawa naman ng tawa si kuya Aux dahil siguro nakaganti sila sa paraan ko.

"hala sorry bunso akala ko kasi braso ko na may nakagat na lamok kaya kinurot ko,hindi naman alam ni ate na braso mo pala nakurot ko e,sorry.." paliwanag ko.

"sinadya nya yun," bulong ni kuya hades kay kuya aux.

inirapan ko sila,bubulong bulong pa e rinig ko naman.

nakarating kami sa bahay na ligtas. pagpasok ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko upang maligo at magbihis ng pangtulog.
nagmatapos ko ang routine ko ay nahiga na ako sa kama habang hawak ko ang phone ko. pumunta ako sa messenger pero wala man lang nagchat.

nakita kung online si Ranz kaya agad akong nag messsge sakanya.

To:Kaori.
[pre,goodnyt:)]

pagsend ko ay naseen nya agad.

from:Ranz.
[goodnight kao,sleep well!]

To:Kaori.
[pre ano pala ginawa nyu ngayun weeked nang family mo?"]

typings.

From:Ranz.
[wala,may work sila ngayun,babawi daw sila next weeked,kaya niyaya ko si ella na mag mall kanina:)]

ahh...

To:Kaori.
[ah,close agad kayo a,kasama nyu ba yung iba nating kaibigan? sila Nikki"]

typings

From:Ranz.
[hindi,sabi ni ella baka daw busy ang mga yun,kaya kaming dalawa lang kanina."]

hukagi ka ella!

to:kaori.
[edi nag date pala kayo?yieee kayo a!"]

sige iship mo pa self!

typings..

from:Ranz.
[hahhaha sira,hindi yun date.ay parang ganun narin pala friend date parang ganun hahaha]

(N/n payag ka kanun kaori kawawa ka naman HAHAH)

manahimik ka Author.

nabwesit na ako sa hindi ko alam ang dahilan.hindi ko na nireplayan si Ranz. bahala sya dyan. bukas nalang,baka pagod lang ako, paano naman ako napagod e wala naman akung ginawa kanina!,baka pagod lang sa byahe,wow ikaw nag drive? tsk, tanginang kunsensyang to,puro kontra,bakit hindi sila mag sama ni Author nakakaiyamot.

pinatay ko na si Author-este ang ilaw dahil matutulog na ako,hindi ko alam kung ano plano ko tommorow,hayst bahala na. nag pray ako at natulog na.









like ang comment







The Cupid's Match[ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon