Chapter 17

57 3 0
                                    

"Hoy ano, hanggang ngayon hindi mo ko kakausapin? Aba para saan pa at hinila hila mo ko dito papunta sa bahay mo, uuwi na ako" sabi ko sa kaniya, pano ba naman kasi, hindi niya na ako kinausap simula nung tinanong ko siya about dun sa kiss, iniiwasan ata yung topic, eh siya naman nag initiate nun ano bang malay ko, nung una may excuse pa siya eh, ngayon ewan ko dito

"Wag ka umuwi" mahinang sabi niya at inirapan ko na lang siya at umupo sa tabi niya, at tumingin lang sa kaniya, ang mokong naman ay umiwas ng tingin at nanunood lang ng tv... habang nakatingin ako sa kaniya, ay agad ko naman napansin ang mga mata niya, obvious naman na hindi siya mapakali dahil nakatingin ako sa kaniya, pero ang gwapo niya talaga, walang halong biro, ang tangkad pa niya, nasa kaniya talaga lahat ng type ko sa lalake, lalo na at close kami at kilala niya na ako, hindi niya man ako kayang i-control at least kabisado niya na kung pano tumakbo ang isipan ko

"Yung kiss, yun lang ang pumapasok sa isip ko na pang comfort sayo... i feel like hindi na gagana yung simpleng yakap, at ngayon iniisip ko na pwede din kitang halikan pag naiingayan ako sayo" sabi niya at tumingin siya sa akin, tangina feeling ko namumula ako, yung tibok ng puso ko biglang bumilis, pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya dahil nahaluan ng inis yung nararamdaman ko

"Excuse me? Is that how you cheat your way into shutting me up? So naiingayan ka na sa akin? Hindi mo na ako kayang ihandle? Excuse me? Kung hindi mo ko kaya edi go, aalis na ako dito, tutal mas kaya mo nang ihandle yung fact na kasama mo sa inuman yung mga taong tinalikuran ako, doon ka na sa kanila, at tutal mas pinili mo yung---" iritang pag rarant ko sa kaniya ng bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya at hinalikan ako, nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat sa ginawa niya at agad siyang tinulak

"Sige mag salita ka pa, mas malalang halik gagawin ko sayo" sabi niya ng makita niyang ready na ako mag rant, so ayun tumahimik na lang ako, bukod sa puro yung kiss lang yung pumapasok sa isip ko, a part of my brain is telling me to open a discussion about sa mga nangyare, need ko ng malinaw at totoong explanations....

"Can we go home, i really really need to know more details about the things that happened" seryosong sabi ko sa kaniya at tumango tango na lang siya sa akin, aakbay sana siya kaso akala ko kung ano na namang gagawin niya sakin kaya medyo napa atras ako sa kaniya at ngumisi naman siya sa akin

"Wag kang ngumiti trauma response na nakukuha mo mula sakin, sa. susunod di mo na ako makikita" sabi ko sa kaniya at inirapan lang siya at nauna nang umalis...

"Asan tayo?" Takang tanong niya, nung nag dadrive kasi siya sabi ko may gusto ko puntahan, so ayun tinuro ko lang yung daan, at napunta kami dun sa hidden cafe na lagi ko pinuntahan nung umiiwas ako kay mark

"Dito ko tumakbo nung mga panahong tinalikuran mo ako" madrama kong sabi, pero wala lang naman sa akin yun kaso sineryoso niya masyado at sobrang seryoso ng tingin niya sa akin, kaya inunahan ko na lang siya at pumunta na sa loob

"Wag kang mag tatanong or mag sasabi ng kung ano ano" sabi ko agad kay kuya joshua at napatingin naman siya sa likod ko at nag thumbs up sa akin at tumango tango, nakita ko naman na napa ngisi siya at pumunta na lang ako sa pinaka dulong pwesto sa labas na part, at nakasunod sa akin si mark

"Okay ask me anything, and I swear to say the truth, and nothing but the truth" sabi niya with matching taas ng kamay while holding 3 fingers up, inirapan ko na lang siya at biglang lumapit sa akin si kuya joshua

"Hi baby, buti naisipan mong bumalik dito, buti di ka na umiiyak" sabi niya sa amin at napa sapo na lang ako sa noo ko, binabalak niya bang i-guilt trip si mark? Kasi base sa mukha ni mark ngayon, parang ready na uli siyang lumuhod sa harap ko. Agad namang sinerve sa akin ni kuya joshua yung usual na order ko with an extra desert, kinuha naman ni kuya josh yung order ni mark at umalis na

"I will explain to you everything without you asking... nahila lang ako nila jun sa pag inom kasama nila, kasi naka salubong ko sila sa daan nung pauwi na ako, of course huminde ako, pero literal na hinila nila ko kasama si ruther, kaya wala na akong naging palag, pero I swear I never said anything about you or what you've been up to, all I said was all about the girl i used to court, and that's all there is to that story, except that part that i heard all the things you've said before leaving me that night... parang nakakahiya man aminin, pero nung umalis ka, umiyak ako, na imagine ko yung buhay ko na wala ka, na hindi na ako yung taong matatakbuhan mo sa lahat ng bagay, mabuti man o masama, malungkot o masaya, naiyak ako nung umalis ka, akala ko yun na yung last time na makikita kita, na mahahawakan kita... at this point, masasabi ko na talaga na hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko, kung iniisip mo na masyado kang nag depend sa akin, mas dependent ako sayo, you're the only person that can and will be able to control me and make me do things for you, and I love doing things for you, i love being with you, and nung narinig ko yung mga sinabi mo sa akin that night, I blamed myself for everything, It was my fault that I'm about to lose you, and for choosing temporary desires rather than what I really want and need. I admit that masyado akong naexcite at na bulag nung mga panahong kinausap ako ng babae na yun, masyado kong nag padala sa mga panandaliang emosyon ko, and then it hit me... I will never, ever leave you again, I will never leave you hanging, I might not be besides you at all time, But I am forever yours to claim, you are my person, and I hope I still am, for you" sabi niya at agad akong umiwas ng tingin habang pinakikinggan ko lahat ng sinabi niya... I never thought that such man would admit and say those phrases to me, I only dreamt of this moment, I never knew I would really find the man of my dreams, the person I needed and have longed for all my life, someone who could stand with me side by side while holding my hands, dati lagi ko lang iniisip yung mga scenario na magkakaruon ako ng someone na pagkakatiwalaan ko ng lubos, na may makakasama ako at susuporta sa akin, akala ko dati lahat ng iyon ay isang panaginip lang, pero ngayon nasa harap ko na siya, ang taong mamahalin ko, at mamahalin ako, hindi man sa parehas na paraan, pero atleast mahal ako.

"Enough with the drama, nagugutom na ako" medyo utal utal na sabi ko dahil tumutulo na ang mga luha ko, ngumiti naman siya sa akin at pinunasan ang mukha ko

"Honey, Please trust me, one last time, and I'll prove myself to you" sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya... habang pinagmamasdan ko siya kumain ay napangiti ako, hindi ko na kasi kayang itanggi pa sa sarili ko yung totoong nararamdaman ko, I'm not the kind of person na laging in denial pag dating sa sariling feelings, pero this one thing, this one feeling, tinago ko siya, itinanggi ko siya sa sarili ko, kasi hindi ko siya kayang matanggap, kasi alam kong walang patutunguhan, pero... Mahal ko na si Mark.

Always Been with YouWhere stories live. Discover now