Chapter 15

57 2 0
                                    


Is this guy really out his mind? Why the hell is he hanging out with these bunch? I thought he said that he chose me over them? What happened to that? Well apparently, he's like the others, puro salita lang. Andito kami ngayon ni david sa tapat ng bahay nila maxene, biglang dating lang din kasi namin at agad kong hinila si mark, hindi ko na sila tinignan pa or kinausap, at medyo pahirap naman tong si mark dahil nga lasing.

"Gusto mo bang sikmuraan ko na yan? Para tulog agad at mabuhat ng maayos?" Seryosong sabi ni david at inirapan ko na lang siya, inayos ko naman ang pagkaka akbay sa akin ni mark para makatayo siya ng maayos kahit papano

"Vid una ka na, I can handle naman na itong si mark, kita na lang tayo bukas sa school" sabi ko sa kaniya habang tinatanggal ang kamay ni mark kung saan saan, kasi kung ano ano nang hinahawakan niya, sa akin.

"Are you sure? Wala naman akong curfew eh" sabi niya at tumango tango lang ako sa kaniya, hindi ko na kasi alam kung gano katagal ko pa kayang pigilan yung sarili ko eh, kung ano ano na kasing pumapasok sa isip ko

"Sige tawagan na lang kita later" sabi niya at kinurot niya muna ako sa pisnge bago siya umalis, pagka alis naman niya ay agad ko nang hinilia tong si mark papunta sa bahay niya.
Nang nakarating kami sa bahay niya ay agad ko siyang pinalitan ng damit at agad din inihiga sa kama niya, aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako, napa upo naman ako sa tabi niya dahil sa lakas ng pagkaka hila niya sa akin. Pinag masdan ko na lang siyang matulog ng magulo, ang likot niya kasi eh

"Alam mo, hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita sa lahat ng sasabihin mo, you know me naman, konting maling gawin mo lang sa akin I'll remember that for eternity, and i was trying to forgive you and give you the benefit of the doubt sa pag ignore mo sa akin for a month dahil sa babae, pero ngayon you're still hanging out with those guys, even when you said that you chose me over them... You know me so well, and I have let you in completely, and yet your actions are making me regret letting you in... but then what can I do? Ako din naman may kasalanan, hindi naman maganda ugali ko, hindi rin naman ako maganda, and for sure ang boring kong tao, and I am forever grateful to you for sticking to me, it was fun while it lasted, and I don't think I'll allow myself to trust someone completely like i did to you, you'll be the last person to be called My Person" sabi ko sa kaniya while hinahawi ang buhok niya at inaayos ito, medyo kumalma naman siya at nakatulog na ng mahimbing, agad naman na din akong umalis at umuwi na...

For the whole week hindi ako pumasok ng school, instead gumala na lang ako at tumambay sa isang medyo hidden cafe medyo malayo sa school ko, at tagong tago talaga yung place, like medyo kalagitnaan na siya ng parang forest, hindi ko nga alam kung forest ba tawag dito eh, i mean puro puno kasi siya, pero hindi naman siya ganun ka-lalim or ka-lawak, basta hirap explain, imagine niyo na lang na para hidden tavern in the middle of a forest yung theme nung cafe.

"Ikaw ah, hindi ka napasok sa school mo ah" pang aasar ni kuya joshua, siya yung may ari ng cafe, isang linggo na kasi akong pabalik balik dito, kaya medyo nakakausap ko na siya, kasi inapproach niya ako nung 3rd day ko dito

"Ay nako kuya, sinabi ko na sayo, tinatamad ako pumasok" sabi ko lang sa kaniya at inabot naman niya sa akin ang inorder ko, at ang libro na dito ko lang naumpisahan basahin

"Kunyare ka pa, may iniiwasan ka lang eh" sabi niya at dahil sa nagulat ako sa sinabi niya ay medyo nabilaukan ako sa kape na iniinom ko, napatawa naman siya at agad akong inabutan ng tissue

"Wag ako ang lokohin mo, alam ko na yang mga ganyang bagay" sabi niya sa akin at umupo naman siya sa tabi ko, napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kaniya

"I don't know, its just that... I'm kind of tired, but... I'm lost, i don't know what to do" sabi ko na lang at uminom ng kape

"Bakit ba iniiwasan mo siya? Atsaka kung pagod ka na, bakit di mo na lang i-let go?" Tanong niya sa akin, at umiling iling na lang ako sa kaniya, i know the answer to those questions deep inside me, but i guess I'm not ready for them to came out of me

"Kaya mo lang naman siya iniiwasan kasi gusto mo magpa miss, gusto mo malaman kung may pake ba talaga siya sayo at kung may difference ba kung wala ka sa tabi niya... and ang reason lang naman kung bakit ayaw mo pa sumuko ay dahil sa gusto mo pa siyang bigyan ng chance at hindi mo pa talaga siya kayang pakawalan...ang swerte nga ng taong yan, atleast ngayon ganto ka pa sa kaniya, pinipili mo lang siyang iwasan, pero the moment na sumuko ka na, nothing will no longer matter, kasi pagod ka na, hindi mo na siya need iwasan kasi kahit andyan siya sa harap mo hindi mo na siya mapapansin, i mean makikita mo siya pero wala ka nang pake... I'm not saying na mag stay ka sa stage na ganto, na iniiwasan mo pa siya, pero you know kung wala naman siyang ginagawa to bring back or to even make a move to you, then let it go. It's okay to be tired, it's okay to let go, it's okay to give up, and it's okay to not care anymore." Mahabang sabi niya sa akin, at napangiti naman ako sa kaniya dahil sinasabi niya directly lahat ng iniisip ko, i mean alam ko naman na yang mga bagay na yan, I guess I'm not that ready to accept it all, and i guess i was waiting for someone to say it to me that blatantly

"I mean, alam ko naman na yan eh, but thank you... I guess, I just need to wait and see what time will say" sabi ko sa kaniya at tumayo na, papasok na ako pero sa second subject na lang dahil obviously ako ay late na

"Sige chat mo na lang ako pag pupunta punta ka pa uli dito para magawa ko agad yung order mo, and i-update mo ko ah" sabi niya sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango tango na lang at umalis na ako...

Pag pasok ko ay agad kong napansin na walang naka upo sa likod, which is yung pwesto naming dalawa ni mark, baka hindi siya pumasok. Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin, at nakita ko na si david ito, agad ko naman siyang pinukpok ng cellphone sa ulo.

"Wag kang oa, nakita mo ko kahapon" sabi ko sa kaniya at nag pout lang siya sa akin habang kinakamot ang part na binatukan ko, dumating naman ang teacher namin at agad naman akong umupo sa pwesto ko

"Haven't seen you in quite awhile Mr. Scar, simba's evil uncle" sabi ng teacher at ngumiti na lang ako sa kaniya kahit napaka corny ng sinabi niya, inopen ko na lang ang libro ko at binasa ang susunod na lesson, nagulat na lang ako ng may bigla na lang umupo sa tabi ko, for sure si david lang toh

"Mag usap tayo after class" rinig kong sabi ni mark at agad akong napa straight ng upo at dahan dahan na lumingon sa kaniya, i mean what am I expecting? Nasa iisang school, at ang dami naming subject na magka klase kami... pero nung nakita ko siya, parang nawala lahat ng gana ko sa katawan, parang bigla na lang ako napagod ng sobra, parang gusto kong maiyak na hindi? Ang weird ng pakiramdam ko ng nakita ko siya...

"Bakit hindi ka pumapasok? Bakit lagi kang wala sa bahay mo? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag at text ko? Bakit naka block ako sa lahat ng social media account mo?" Sabi niya, at habang nag sasalita siya, ay kung ano anong bagay lang ang pumasok sa isip ko, mostly ay hindi helpful

"You know what? I just realized, you're like everybody else, i mean I am too, but I don't break promises, and you, you're becoming the very person you swore to me that you never will, you're doing things opposite to what you've told me... and i guess i should be okay with it, because i knew it was gonna happen. I told you what was going to happen, and you told me that the opposite of it would happen... and yet here you are, proving me right, when i wanted to be wrong" sabi ko sa kaniya at tumulo na ang luha ko, i hate this, i hate myself, I'm so childish, and I'm so selfish, I mean I shouldn't be like this just because he did the exact thing of what he promised me but I can't help it, I guess I haven't matured enough to accept this kind of things, bigla naman niya akong niyakap... hindi siya nag salita, niyakap niya lang ako

"Please don't cry" mahinahon niyang sabi sa akin at tumingin siya sa akin, mata sa mata, parang pinag mamasdan niya ang mga mata ko habang hawak hawak niya ang mukha ko sa isang kamay niya at nasa balikat ko ang isa, may something sa mata niya, para bang may sinasabi sa akin ito, nagulat na lang ako ng unti unti nang nag lalapit ang mga mukha namin at...

Always Been with YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt