Marahan siyang pumikit at yumuko. Tama ang mga ito. Ang kulungan na nasa harap nla ngayon ay ang kulungan kung saan nila inilagay ang tinutukoy na diyos ng digmaanat siya, mismo ang naglagay sa itinuturing na diyos noon. Subalit mas ipinagtataka niya kung papaano nakawala ito sa gayon ay matinding mahika ang kaniyang pinakawalan. Sinisiguro niya na hinding-hindi ito makakatakas.

"Panginoong Miriel?" mahinang tawag sa kaniya ni Ezuna, mas bakas doon na pagkabahala.

"Sa kabila ng malaking kaguluhan sa Thilawiel, na paniguradong madadamay din ang iilang karating bansa at Imperyo, kukunin ko ito bilang aking personal na misyon." bigla niyang saad.

Nanlaki ang mga mata ng mga ito. "Panginoon, huwag mong sabihing..." mas nag-alalang wika ng mga lupon.

Doon na siya nagkaroon ng pagkakataonna harapin ang mga kasamahan. "Ako mismo ang hahanap sa diyos n digmaan. Ako mismo ang huhuli sa kaniya." mas matigas niyang turan.

"Kung iyan ang inyong magiging pasya, hayaan ninyo po akong sumama sa inyong paglalakbay." si Ezuna na hawak ang dibdib nito.

Agad siyang umiling. "Patawad, Ezuna ngunit, habang wala ako dito ay kailangan pa ring may maiiwan dito..." huminto siya sa pagsasalita nang lumihis ang kaniyang tingi sa likuran ni Ezuna. Ang lalaking diyos na nakapagsabi tungkol sa pagkawala ng diyos ng digmaan. "...At nakapagpasya na ako kung sino ang maari kong isama sa aking paglalakbay."

"Sino ang tinutukoy ninyo, Panginoong Miriel?"

"Ang lalaking iyon." kusang naningkit ang kaniyang mga mata. "Ang diyos ng Kalayaan, si Amus."

Kita niya kung papaano natigilan ang pangalan ng diyos na kaniyang binabanggit. Para bang hindi ito makapaniwal na bigyan ito ng malaking karangalan na isama sa kaniyang paglalakbay.

"Ngunit, Panginoong Miriel. Hindi po ba't inaasahan ninyo din ang pagbabalik ng itatanghal na emperador at emperatris ng Thilawiel mula sa kanilang misyon?" dagdag pa ni Ezuna. "Kung tutuusin ay maaari kayong magbigay ng utos sa iba pang diyos at diyosa bilang misyon na hanapin ang diyos ng digmaan."

Sa totoo lang ay hindi rin maalis sa isipan niya ang bagay na 'yon. Kailangan din niyang salubungin ang pagbabalik nin Rini at Otis, maski ang mga kasamahan ng mga ito, kabilang na din ng kanilang guro na si Hyrus May punto din naman si Ezuna. Maaari niyang utusan ang iba pang diyos at diyosa subalit, mas nanaig sa kaniya ang pangamba na madadamay din ang iba pang bansa at Imperyo sa paglusob ng mga demonyo at mga halimaw pero na wala na siyang pagpipilian pa. 'Kung nabubuhay pa si Lorah ay malaki din ang maitutulong niya sa sliranin na ito.' sa isipan niya. Marahan siyang pumikit. May sumagi sa kaniyang isipan ang isa pang dan upang matulungan ang mundong-ibabaw at 'yon ang una niyang bibisitahin bago niya tahakin ang matindingp paglalakbay at pahahanap. Dumilat siya't binalingan ang kanang-kamay. "Nakapagpasya na ako, Ezuna. Noon pa man ay isa ako sa mga nagpigil sa pagwawala ng diyos ng digmaan. Inaasahan ko na magagawa ko muli ang bagay na 'yon sa paglipas ng ilan daag taon."

"Aking Panginoon..."

"Ikalat ninyo ang balita na ibinigay ninyo sa akin sa iba pang diyos at diyosa sa iba't ibang panig ng mundo. Nais kong mapaghandaan nila ng maayos ang mga unos na dadating pa. Hindi lang ang mga demonyo ang bigyan nila ng pansin." seryoso niyang utos sa mga kasama.

Sabay na lumuhod ang mga ito sa harap niya. "Masusunod po, aming Panginoon."

**

"Elio Mancini for you. And you give me sleepless nights. You can't get out off my head and it's driving me crazy, lady."

Unti-unti ko kinukuyom ang aking mga kamao. Nanatili pa ring nanlalaki ang aking mga mata. Hindi matanggal ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon, ang lalaking nangangalang Elio Mancini. Ang lalaking dumukot at dahilan kung bakit ako naririto. Ayos lang sana na dukutin niya ako dahil makakagawa ako ng paraan upang matakas. Pero ang bigla niyang pagnakaw ng halik sa aking mga labi, ibang usapan na 'yon! Gustuhin ko man saktan na ang walanghiyang ito ay pinipigilan ako ng mahigpit na bilin sa akin ni Ramael Black, na huwag na huwag kong ilalabas ang kakaibang kakayahan na mayroon ako kung ayaw kong magkaroon ng malaking kaguluhan sa mundong ito. Ngunit, anong magagawa ko? Dahil sa pagiging tampalasan ng isang 'to, na tila masisira ko na nga ang kasunduan na 'yon. Dahil sa kawalanghiyaan nito ay aahon ang malaking apoy sa aking sistema!

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt