"I am not saying that you won't defend yourself if you needed to. But if pwede pang umiwas, umiwas nalang kayo. Fight only when needed. You have to choose your battle. Hindi pwedeng basta nalang makikipag-away. Nanay will be sad if I see my babies hurt. Good boy naman ang mga babies na yan diba?"

"Opo Nanay. Good boy po kami ni Pollux." he said in a small voice. I looked at Pollux he didn't say anything. "Diba Pollux? Good boy tayo. Hindi na tayo makikipag-away?" tanong niya sa kakambal. It took a while before I heard him sighed and nodded his head. Pero hanggang doon lang hindi na ito nagsalita. 

Hindi ko na siya pinilit. Pollux is like that. There are times that he really don't want to talk and I don't want to force him. 

"I love you, Stars. Always remember that Nanay loves you so much. You know can always tell me what's in your heart, right? Nanay is always willing to listen."

These two adorable kids are my strength. They are my strength that helps me keep going. Because of them I was able to continue and move forward with my life. I can't afford to see them hurting. Handa akong gawin anuman ang hilingin nila. Kahit pa...kahit pa sakali mang hilingin nilang makilala ang tatay nila. 

That night nakatanggap ako ng tawag mula kay Cleo. Nasa hacienda na sila kasama ang mga kambal niya. She's crying telling me how sick her father. I feel sad but  I don't know how to comfort her. Madami daw hiling ang Papá nila parang naghahabili na. Hindi man ako nagtatanong pero kulang na lang hilingin sa akin ni Cleo na ipakita ang kambal sa Papá nila.

Hindi ko alam kung alam ng pamilya nila ang tungkol sa kambal. Never ko namang tinago ang mga bata, pero siguro bilang respeto nalang din sa akin at sa tiwalang binigay ko sa kanila. Pero nitong huli palagi kong naririnig kay Cleo ang kagustuhan ni Senyor Gideon na makita ang apo niya. Hindi ko lang alam kung ang mga anak ko ba ang tinutukoy niya.

I could still remember how he always asked me before. Halos araw-araw kaming kinukulit ni Senyor Gideon na bigyan siya ng apo. Nagkatotoo nga ang hiling  niya pero sa di inaasahang pagkakataon na.

Nakausap ko rin si Cairo Ford, nabanggit niya rin sa akin na doon muna sila ni Caleb para tulungan ang kuya Gustavo nila. Si Cairo daw muna ng mamahala si planta at si Caleb naman daw sa farmSi Thunder ang siyang mamahala sa construction business nila. At si Hunter ang tutulong kay Kuya Gustavo na mamahala sa bakahan. Ang isang kapatid lang nila ang hindi nila kailanman nababanggit sa akin. 

Kinabukasan kailangan kong pumasok ng maaga sa ospital. Madaming pasyenteng naka-schedule ngayong araw. Busy ako mula umaga hanggang hapon. Alas kwatro ng ng makapagpahinga ako. 

Hinihintay ko na lang na tumawag ang yaya ng mga bata dahil usapan naming tatawagan nila ako kapag papunta na silang mall. Inaasahan ko ang tawag nila kanina pa pero hindi ito tumawag kaya ako na ang gumawa. 

Kinuha ko ang telepono pero bago pa ako makadial ay biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang kabadong mukha ng sekretary ko. 

"What is it Rebecca?" 

"Doc, may ginang po sa labas. Gustong pumasok pero ayaw papasukin ng mga tauhan niyo. Kahapon pa po pala yan pumunta dito, sinabihan kong bumalik nalang kasi nakauwi na kayo. Pero hindi ko alam bakit ayaw siyang papasukin ni Manong Rene."

"Isn't my working time over, Becca? What time is it now? Didn't  I tell you that I will leave early today?"

"Doc, kanina pa po siya andito kaso pinaalis ni Manong Rene. Hindi ko nga alam kung bakit. Akala ko lumipat ng ibang doctor pero bumalik ngayong hapon. Kasama niya si Sir Caleb, nanay niya ata, nasa labas sila ayaw papasukin ng mga bantay ninyo."

Kumunot ang noo ko. Si Caleb? Anong ginagawa ni Caleb dito? Sa pagkakaalam ko nasa Davao ito ngayon. Hindi rin naman ito tumawag sa akin para sabihing pupunta sila ng nanay? Wait, wala na ang nanay ng triplets. Namatay ito nung pinanganak sila.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon