"Sa school ng mga bata po. " Sagot ko. "Pakibilisan po at may emergency ang mga bata."

Automatikong tumawag yung isang kasama ni Kuya Rene sa mga kasamahan niyang nasa labas na ihanda ang sasakyan na gagamitin ko. Pagkatapos tahimik lang silang dalawa nakasunod sa akin. Hindi sila masyadong nakikipag-usap sa akin, sumasagot lang kapag may tinatanong ako dahil yun daw ang bilin ni Kuya sa kanila.

Pagkaupo ko sa sasakyan agad kong tinawagan si Kuya. Hindi ito sumagot sa tawag ko kaya binaba ko na at baka may ginagawa pa. Pero hindi paman nagtagal ito na ang tumawag sa akin. 

"Kuya?" sagot ko pero mukhang hindi ito ang nasa kabilang linya dahil dinig ko ang boses niya mula sa malayo. Tiningnan ko pa ang screen ng phone ko at baka nagkamali lang ako pero si Kuya talaga ang tumatawag.

"Love, phone..."

"Don't be shy, Baby, you can talk to my sister. Hanggang ngayon ba di ka pa rin ba sanay?" dinig kong sabi niya doon sa babae pero hindi ito nagsalita. "Turuan mo ng pick-up lines si Yeyen diba matutuwa yan... Ouch! Baaaaby...ang sakit nun ha. Maya ka sa talaga sa akin." mukhang naghaharutan pa silang dalawa. "Aray, Love, wag mong pisilin yan, ikaw din...

Kuya may emergency maya ka na makipaglandian please.

"Kuya? I have something to tell you."

"Oh, sorry princess? Anything?... Wait, Baby kakausapin ko lang si Yeyen. Kumain ka muna." Bilin niya sa kasama niya bago ito nakipag-usap sa akin. 

"Tell me princess, what is it?" He is back to his old self, masungit at seryosong Falcon Grady na akala mo naman hindi maharot. Akala siguro ni Kuya hindi ko narinig yung lambingan nila ng baby niya. Maypa-pick up lines pang nalalaman. Uso pa ba yun sa edad niya?

"I'm on my way to the kid's school, Kuya. At mukhang kailangan mo ring pumunta. Ang mga bata kasi nasa principal's office." hindi pa man ako tapos magsalita agad niya na akong pinutol. He is like this pagdating sa mga bata. 

" What happened to the kids? Fuck! Wait! May nangyari bang masama sa anak at mga pamangkin ko? Fuck! Where are the fucking bodyguards?"

Saglit itong nawala sa linya at mukhang  may sinsabi sa asawa niya. "It's okay, baby, calm down. Don't stress yourself,Love. Akong bahala sa mga bata."

Maya-maya'y bumalik sa akin. 

"Yen? Still there?  I'm sorry, my wife is worried. Anong nangyari sa mga bata? Bakit daw nasa prinicipal's office?"

"Napaaway daw ang mga bata Kuya. Hindi nakatawag ang yaya ni Hawk dahil pinapakalma ang anak mo. Si Rowena ang tumawag sa akin pero saglit lang din. Di ko na natanong anong dahilan dahil kailangan niyang bumalik sa loob para pakalmahin din si Castor."

" Fuck! Wait, Yeyen, hold the line please..." sunod-sunod na  mura nito ang narinig ko sa kabilang linya. Nilagay pa sa loud speaker ang phone at mukhang nagmamadaling magbihis. 

"Anong nangyari kay Hawk, Love?" dinig kong tanong sa kabilang linya. "Here's your belt. Wait, you have to change our boxers. I'll get new."

"Baby, please get me new shirt may dumi ang damit ko. And please change your dress, that's too revealing Love. I don't want to go to jail yet. Kailangan ko pang puntahan ang mga bata sa school."

"Sasama ako, Love, pwede?... Here's your boxers... Please, Love, sasama ako.""

"No, you stay here, Baby. Bawal kang ma-stress at baka mapaanak ka ng wala sa oras."

"'I'l be careful, Love. Promise. Binalibag mo nga ako kanina..."

"Diba yun naman ang gusto mo? Hard and..."

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon