And I don't know why I like Kalix kahit na masungit 'to.

Muli akong napatingin sa Asungot. Shawn pala ang pangalan n'ya hindi ko alam. Napatango-tango na lamang ako para matapos na ang usapang 'to. Hindi na lang ako nagsalita at naglakad na patungong hapagkainan. Nando'n na sina Kuya at si Papa. Agad akong lumapit sa ref namin para kunin ang gatas ko at si Asungot naman ay kumuha ng platito at kutsara.

Uupo na sana ako ng ipanghila ako ni Asungot. Mas lalong kumunot ang aking noo sa ginawa n'ya. Sinenyasan n'ya akong maupo na at nginitian pa ng matamis. Hindi ba s'ya nahihiya na nandito ang pamilya ko at nakikita ang ginagawa n'ya?

"Sige na, boo. Umupo ka na para matikman mo ang ginawa kong ube halaya na paborito mo," nakangiting anas n'ya at ng hindi ako kumilos ay hinila n'ya ako paupo sa upang hinila n'ya.

"May label na ba kayo?" tanong ni Papa matapos akong ipagsandok ni Asungot ng ube halayang ginawa daw n'ya kuno.

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa tanong ni Papa. Label?

"Papa!" gulat kong anas. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanila na hindi makapaniwala. Sina Kuya ay natatawa at napapailing na lamang.

Label? What the f*ck! Ano ba'ng pinagsasabi nila? Kanina si Mama ta's ngayon si Papa. Binubugaw ba nila ako sa Asungot na 'to? Oh my goodness! Ibubugaw na nga lang nila ako do'n pa sa pangit at mahangin.

"Oh, bakit? 'Wag ka ng mahiya, princess. Hindi naman kami against sa inyong dalawa," nakangiting sabi ni Papa sabay pinalipat-lipat pa ang tingin n'ya sa aming dalawa ng Asungot.

"Against? Papa?" Napainom ako ng tubig at sumasakit ang ulo dahil sa mga sinasabi ng pamilya ko.

"Oh, bakit, La mia bambina? 'Wag ka ng mahiya pa. Just admit it. May relasyon kayo ng ka-teammates ko," saad ni Kuya Aus at tumingin pa kay Asungot 'tsaka kumindat.

"Bagay naman kayo, ah?" singit pa ni Kuya Tonton.

"Ako rin, princess. Hindi din ako against sa inyong dalawa. Actually, ship na ship ko kyong dalwa," saad ni Mama na para bang kinikilig pa n'yang sinabi 'yon. "Shawn, hijo. Kailan ba kayo mamanhikan sa anak ko?"

Nang hindi ko na kinaya pa ang sinabi nila ang pinagsasabi nila ay napatayo na ako. Napamewang pa ko sabay huminga ng malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong matawa dahil mukha naman silang nakikipagbiruan. Grabe ang ganda ng mga biro nila. Sa sobrang ganda ng biro nila ay naiinis ako.

Pamilya ko ba talaga sila? Bakit parang binubugaw nila talaga ako? Kulang na lang ay ipagtulakan nila ako o 'di kaya ay ipatira nila ako sa condo unit ni Shawn sa ginagawa nila. Mahal ba nila ako? Bakit gan'to sila?

"Are you guys kidding me?" natatawang saad ko pero naiinis ako deep inside.

Umiling si Mama. "Princess, no. We're serious."

"Mama!"

"Anak, naalala mo ba 'yung pinag-usapan natin?" tanong ni Mama.

Kaya natahimik ako. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko naman alam na seryoso pala si Mama. Akala ko ay hindi. Bakit kasi ako humingi sa kaniya ng favor? Nakalimutan ko nga pala kapag hihingi ng favor sa kanila ay dapat may kapalit at ang kapalit na 'yon ay...magpakasal sa napili nila.

Hindi naman totally kasal agad pero parang gano'n na rin 'yon dahil magkakaroon ako ng fiancé. Sa ayaw at sa gusto ko.

At natigilan ako ng mapagtanto ko kung ano'ng sinasabi ng mga pamilya ko. What the h*ll! Don't tell me...

Napalingon ako kay Asungot na nakatingin s'ya sa'kin at mukhang hinihintay ang magiging reaksyon ko. P*tangina! Kaya ba gan'to lagi ang Asungot na 'to kapag nandito s'ya sa baha namin? Kasi...

My goodness! Pwede ko bang sapakin s'ya? Kahit isa lang? Pangbawi lang sa mga pang-iinis n'ya sa'kin kahit wala naman s'yang ginagawa sa'kin.

"Hoy! Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Ellaine ng ayain ko bigla silang mag-pop star park.

Tumigil ako sa paglalakad habang nagsusuot ng jacket. Inis ko s'yang tinignan at para bang gusto kong sa kanya ko na lang ilabas lahat ng galit na nararamdaman ko. Lahat ng inis! Kaya pala hinahayaan lang nina Kuya si Asungot na dumikit-dikit sa'kin ay s'ya pala ang pinipilit sa'kin na ipakasal ng mga magulang ko.

"Mukha ba akong okay?! May okey bang kanina pang salubong ang kilay?! At yukos na yukos ang mukha?!"

Napaatras s'ya ng bahagya dahil sa pagsigaw ko sa kaniya sabay taas ng dalawa n'yang kamay na para bang sumusuko s'ya at hindi laban. Goodness! Normal pa ba ako? Bakit ba ang init ng ulo ko? Sobrang inis na inis 'yung nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung sa'n nanggagaling ang inis na nararamdaman ko.

"Hey, relax! Chill," mahinahong sambiit ni Ellaine. "Kierra, inhale...exhale. Ulit-ulitin mo. Calm down, okay? Masyado naman yatang mainit ang ulo mo? What is your problem? Ilabas mo 'yan. Sige na, makikinig ako."

I close my eyes tightly. I try to calm myself. Dahil kapag hindi ko maikalma ay baka bigla na lang ako sumabog na parang bomba a baka masigawan ko ang ibang tao at kung anu-ano pa ang masabi ko na masasakit na salita.

Sanay naman na sa'kin ang mga kaibigan ko sa pagiging mainitin ang ulo ko kaya walang kaso sa kanila pero sa mga ibang tao ay baka magkaroon ng yaw kapag masigawan ko sila. Pati na rin ang mga magulang ko ay sanay na sanay na din sila sa'kin.

"My problem?" mahinang tanong ko sa kaniya at tumango s'ya. "I don't wanna talk about it right now. For now, I want na makpag-isip-isip muna. Kaya, please? Pwedeng samahan n'yo akong lima? Magpa-chill lang kahit papa'no sa PSP?"

"PSP?" tanong n'ya.

I took a deep breath. "Yeah, PSP means pop star park."

"Ah."

"Ano? G?" I asked her.

She looked confused by what I said. "What? Ano'ng ibig sabihin ng g?"

"G*go," barumbadong saad ko.

"What?" sigaw n'ya. "G*go ka din!"

I ignore her. I didn't answer her at iniwan s'ya do'n na naguguluhan bago ako naglakad papuntang carpark kung nasaan ang kotse n'ya. Hindi na muna ako sasabay kina Kuya pauwi. Dumadaan si Kuya Tonton sa university namin para sabay-sabay kaming umuwi sa bahay pero this time hindi muna ako sasabay sa kanila.

I felt like I'm going crazy na. Si Asungot? Really? S'ya talaga? I can not believe it.

Don't play with me, Coach || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now