C3

32 4 0
                                    

"No sorry ,better to say...Agent 52"

Parehong linya lang ang umuulit at naririnig ko sa isipan ko. Kanina pa ako nakatunganga sa kisame ng bahay. Kanina ko pa din nararamdaman ang pagyugyug ni kuto at ipis sa akin.

"ATE!"

Tss

Marahan akong napatingin sa kanila. Kung hindi ko lang mahal ang dalawang to!

"Ano bakit?"sabi ko.

"Sabi daw ni lola may tao na doon sa labas ng bahay!"

"Sino? Si Angel?"

"Hindi po ate!"

"Ha? edi sino?"

"Ewan po eh, pero sabi ni lola may naghahanap daw sayo ate!"

Agad namang tumaas ang mga kilay ko sa sinabi ng dalawa.

"Camille! Camille! Camille!"

Isang pamilyar na boses ang agad kong narinig at wala sa wisyong napatayo ako!

Puta!

Nandito sila?

Dali dali akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkakamali at nandito siya— nandito silang lahat! Parang hindi parin ako makapaniwala na nabibilang na ako sa isang grupo ng mga sindikato!—I mean mga spy!

"Nakabihis na siya!" aniya ni Jack. Tumango lang ako sa kanila.

"Good Morning Camille!" si Daniela.

"G-goood morning din..."hindi parin makapaniwalang sabi ko.

"Good Morning Cam! Di parin nagsysync in no?"tanong naman ni Renier sakin. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ba't nandito kayong lahat? Hindi naman tayo magkaklase ah?"sabi ko. Naglalakad na kami ngayon papalayo ng bahay.

"Gusto kalang namin sunduin... hindi ba pwede?—"
"Hindi ahh! Ok lang" agad na sabi ko.

"At isa pa...iisa lang naman ang punta natin pagkatapos ng klase diba?"aniya Renier.

"Sabagay—WOOOAAAH!"agad na anas ko.

"Sakay na!"

"Sayo yan?"Hindi makapaniwalang tanong ko kay Daniela patukoy sa isang kotse.

"Oo tara na, late na tayo!"

Hehe

"Ok sige"

Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse ni Daniela at ganon din si Renier at Jack. Agad din naming isa isa sinarado ang bintana ng kotse, at napatingin ako sa ginagawang pag pindot ni Daniela sa maliit na TV sa harapan namin. Touch screen yung maliit na TV. Agad ding lumitaw sa screen ang 'spotify' at narinig kong playing na ang Damn Time by Lizzo.

"First Job natin yung Case nung pinakawanted na criminal sa buong Pilipinas. Tapos first Case din natin to and will be our First experience natin to."sabi ni Daniela habang nagmamaneho. Napatango naman ako sa kanya at mayat-maya pa ay nagsalita naman si Renier.

"Tss Grabe Hindi din ako makapaniwala na tinanggap ko din to sana pala ginaya ko nalang yung isang babae kahapon sa Spring Center! Yung naka dress na pink? Kita niyo ba?"

"Aahh Oo yung triggered?"sabi ko. Sabay naman silang tumango.

"Yun! Hindi niya daw inaccept yung offer kahapon ni ms Xandra and ms Han."

"Hala bakit daw?"

"Ewan ko rin pero sapalagay ko ay maarte talaga ang isang yun eh para maging spy o agent"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Agent 52Where stories live. Discover now