C2

20 7 1
                                    

Naglalakad na kaming dalawa ni Angel papasok ng paaralan. Hindi ko maiwasang ang pagkabalisa tuwing maiisip ko ang laman ng puting envelope na yun. Nakakapagduda lang talaga dahil hindi naman ako nag-apply ng trabaho kahit saan para makuha ko yung sulat na yun pero bakit ko natanggap yun?

Marami din kaming nakasalubong sa daan kaya todo ngisi naman ako sa kanila. Napahinga nalang ako ng malalim.Hindi naman ako pala kaibigan pero dahil lunes na lunes kailangan maganda ang simula ng araw ko para mag-patuloy na hanggang linggo!

"ms...ms... psssst! baha kaba?"isang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko.

Sa dinami-dami ng maiihahalintulad sakin baha pa? pero sige...tss

"Bakit?"napahalukipkip ako. Taas kilay naman si Angel sa kanya. Napangisi naman ng bahagya ang lalaki sa harapan ko.

"K-kasi...kasi pati puso ko tinangay mo!" Agad ko namang narinig na napasigaw lahat ng kaibigan ng lalaking sa harapan ko.

"Slay!"saad ni Angel at kinurot pa ako sa tenga ko.

"Gaga ang sakit bakit mo ginawa yun?"sabi ko sa kanya pero natawa lang ito. Ulit kong tiningnan ang lalaki sa harapan ko.

"Ang smooth nun..." sabi ko. Hindi ako magpaptalo sa kanya! tss akala niya siya lang magaling mag-joke? "hoy utot kaba?..."

Marahan naman siyang lumapit sa akin at tsaka tiniklop ang mga bisig. Nakangsi na siya ngayon sa akin malapit sa mukha ko.

"b-bakit?"aniya.

"kasi...kahit malayo ka nahahanap parin kita!"

Boooom!

Agad naman ako humahalakhak dahil sa sinabi ko. Samahan pa ng tawa ni Angel at ng ibang lalaki. Hindi ko mailarawan ang pagkagulat ng kanyang itsura dahil sa sinabi ko. Parang nagmukha siyang tae!
Agad ko namang hinigit papalayo si Angel at dinala siya sa loob ng classroom.

"Cam nakita mo ba yung mukha non? haha parang nagmukhang tae" aniya Angel. Agad naman akong napatango sa kanya.

"Tama ka, ganon din ang iniisp ko kanina—"

"Ang pangit niya pala kapag magulat no?" sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. "no?"

"Talaga!"tawang-tawa ani ko. "Ohh maganda ba yung joke ko?"

"ok naman pero mas gusto ko yung joke niya eh! pero mas nakakatawa yung sayo!" natatawang aniya.

"I know" mayabang kong sabi sa kanya.

Sabay naman kaming napatingin sa bagong dating na grupo ng mga lalaki. Yung mga lalaki din kanina sa labas. Agad naman nagsitili ang iba dahil nandito na yung mga 'pogi'...Wow saan banda? Joke lang.

"Cam papunta sila dito..."aniya Angel.

"kita ko nga..." sinundan ko naman sila ng tingin hanggang makapunta sila sa harapan namin. "Ano na naman? Hindi pa ba sapat yung joke ko?" sabi ko sa kanila.

"Cam huwag kami ang kalabanin mo, siya lang..."natatawang aniya ng mga lalaki at tsaka tinuro ang isa na nasa harapan ko. Yung lalaki din kanina.

Wow ha? Cute ka ba?

Tss

"Ano?" sabi ko. Agad namang lumiit ang kanyang mata at diretsyo itong tumitig sakin.

"C-cam m-mukha ba akong utot?" seryosong aniya kaya marahan naman akong napalunok.

Nakikita ba yung utot?

"A-aahh? si Mam Bandiola nasa harap na?" Sabi ko kaya agad naman silang napatingin sa harapan. Walang animo'y kinuha ko si Angel at umalis kami doon.

Agent 52Where stories live. Discover now