009 - Booking Cancelation?

Start bij het begin
                                    

Ilang dipa mula sa mga ito ay huminto siya at nagpakawala ng tipid na ngiti.

"Hi."

"Hi," sagot ng lalaking katabi ni Cerlance, na kung sa malapitan ay mukhang Hollywood star. Doon niya napagtantong hindi rin ito purong Pinoy. O baka nga wala pang dugong Pinoy.

Why? Because the guy had a pair of blue eyes!

At katulad ng grey eyes ng driver niya, siguradong hindi rin contact lenses ang mga iyon.

"Welcome to my humble home, Miss...?"

"Her name is Shellany Marco," pakilala ni Cerlance sa kaniya "She is my client. "

Ngumiti ang lalaki at humakbang palapit saka itinaas ang isang palad upang iabot sa kaniya. "Hi, Miss Shellany. My name is Free Phillian; and I am your driver's brother."

Free Phillian's smile caught her off guard; sandali siyang natulala sa kinatatayuan. At hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na tulala lang hanggang sa marinig niya ang pagtikhim ni Cerlance na gumising sa diwa niya.

She blinked and forced a smile. "H-Hi, Free Phillian... Nice to meet you." Sa nanginginig na kamay ay tinanggap niya ang palad ng lalaki.

Free Phillian shook her hand in a friendly manner, at muntik nang umikot ang mundo niya nang maramdaman ang init ng palad nito sa kaniya.

Maryosep, nagde-deliryo na naman siya.

"Please come in; we have prepared dinner." Banayad na pinakawalan ni Free Phillian ang kaniyang kamay saka inilahad ang kamay sa direksyon ng pinto upang paunahin siya sa pagpasok.

Kaagad siyang tumalima. Naramdaman niya ang pagsunod nito at ni Cerlance.

Sa loob ay sinuri niya ng tingin ang paligid. Walang pinagkaiba ang lugar na iyon sa ibang malalaking bahay na napuntahan na niya, but there was something particular in the house that she had never seen before. Ang floor to ceiling na glass wall sa living area, it was overlooking the ocean behind the beach house. At dahil pagabi na sa mga oras na iyon ay malaya niyang nakikita ang paglubog ng haring araw sa likod ng karagatan. It was a beautiful sight that rendered her speechless.

"Beautiful, isn't it?"

Binawi niya ang tingin mula sa glasswall at ibinaling kay Free Phillian na nahinto sa pagpasok sa dining area. Nakatingin din ito sa glasswall.

"I love watching the ocean, most especially during the golden hour. Wala pa ang glasswall na iyan dati, kamakailan ko lang ipinagawa para kahit saang sulok ako ng bahay ko pumunta ay nakikita ko ang dagat. Hindi ba at kay payapa sa pakiramdam kapag nakatingin ka sa payapang paghampas ng mga alon sa dalampasigan?"

Ngumiti siya at sasang-ayunan sana ang sinabi nito nang lumampas ang tingin niya sa likuran ni Free Phillian. Mula sa entrada ng dining area ay may lumabas na babaeng nakasuot ng puting summer dress. She was a pretty woman with a pinky cheeks and a friendly smile. Ang kutis nito'y maihahalintulad niya sa porselana... o labanos ba? Sobrang kinis; sobrang puti.

Lihim siyang napalabi.

Gusto niya ang balat ng babae. Mula pa noong nagdalaga siya ay gusto na niyang pumuti, pero hindi nakikisama ang mga whitening products na binibili niya. Ayaw din naman niyang magpaturok ng gluta...

Gluta ba ang balat ng babaeng ito o natural?

Bumaba ang tingin niya sa makinis na braso ng babae. Pababa pa sa katawan nito... at pababa sa mga binti nito. Ang summer dress ay umabot lang hanggang tuhod. Bumaba pa ang mga mata niya sa talampakan nito at doon ay lalo siyang napasimangot.

DRIVE ME CRAZY (Cerlance Zodiac)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu