Hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan ng kaibigan kong 'yon. Yes, let's say...my brother is handsome and charming but I think those two characteristics aren't enough for a woman to like a man, right?

I don't really understand my friend. Hindi naman mabait si Kuya Aus dahil babaero 'yan. Hindi ko alam kung bakit gusto ng mga babae ang mga babaero 'tsaka 'yung hindi nagseseryoso. Ayaw ko sa mga lalaking gano'n. Ayaw na ayaw ko.

Natigilan ako ng makita kong nasa hapagkainan namin ang isang nilalang na kinaiinisan ko buong buhay ko. Gusto kong matawa ng nakakaloko dahil feel at home ang g*go. Wow! Bahay n'ya, 'to? Bakit mas nauuna pa s'yang kumain kaysa sa may-ari ng bahay? Grabe din sa kakapal ng mukha, eh, 'no?

"Hindi naman masyadong makapal ang mukha, 'no?" tanong ko. Naglakad ako papalapit sa may ref namin para kunin ang ube halaya at milk na lagi kong iniinom sa tuwing umaga o kung kailan ko gusto.

Sina Kuya ay nilagay na muna sa kotse ang mga gamit namin kaya nauna akong pumunta sa kanila dito sa hapagkainan namin ta's 'to ang bubungad sa'kin. Pakiramdam ko ay mas lalong nadagdagan ang pagka mainitin ng ulo ko.

"Good morning, boo," nakangiting bati n'ya sa'kin ta's tumayo 'ya para aalalayin akong makaupo sa tabi n'ya.

Sa halip na do'n ako umupo sa tabi n'ya ay hinila ko 'yung upuan na malayo sa kaniya at do'n ako naupo kaya napanguso s'ya sa ginawa ko. Hindi ko na lang s'ya pinansin at kumain na. Wala sina Mama at Papa dahil alam kong maaga lagi silang umaalis ng bahay para sa trabaho kaya madalas kaming tatlo lang ng mga Kuya ko ang nandito sa bahay at laging tumatambay dito ang kinaiinisan ko.

"Bakit hindi ka dito umupo?" tanong n'ya at hindi ko s'ya pinansin.

Hindi ko alam bakit ako naiinis sa kaniya simula pa lang dati. Basta hindi kami magkasundong dalawa. O baka ako lang talaga ang may problema sa aming dalawa? Maybe.

"Bakit nandito ka na naman, ha?" mataray kong tanong habang hindi s'ya tinitignan. Pumasok na sina Kuya sa kusina at hindi man lang sila nagulat na makita nilang nandito ang asungot na 'to sa aming bahay at nakikikain pa.

"Oh, buddy, good morning," masayang bati ng asungot sa dawa kong kapatid.

"Ang aga mo yatang manligaw, champ?" natatawang tanong ni Kuya Tonton dahilan para kumunot ang noo ko.

At sino naman ang nililigawan n'ya dito sa bahay namin? 'Yung mga single na kasambahay namin dito? Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko naman maitatanggi na mga magaganda ang mga kasambahay namin kaya hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ay na titipuhan ng asungot na 'to.

"Hindi naman yata sumusobra ang kakapalan ng mukha natin, 'no, bro?"

Hindi ko alam kung sarkastikong sinabi 'yon ni Kuya Aus kay asungot dahil natawa lang silang tatlo. Ano'ng nakakatawa do'n? I don't understand and I don't understand why this asungot is here in our house. Lagi s'yang nandito at kulang na lang ay dalhin n'ya ang mga damit n'ya o gamit.

"Boo, tabi tayo," masayang sabi ng asungot at hinila pa ako nito papunta sa may backseat ng kotse ni Kuya Tonton. Hindi ako nakapalag ng bigla n'ya akong hilain. Muntik pa akong mapa-subsob sa may semento dahil sa panghihila n'ya sa'kin. Kaya sinamaan ko s'ya ng tingin ngunit nag-piece sign lang s'ya.

"Bakit ka ba nandito? Umalis ka nga," inis na sabi ko dahil bigla na lang s'yang pumulupot sa may braso ko na akala mo ay close kaming dalawa. "'Wag ka ngang kumapit sa'kin na para bang close tayo!"

"Awts naman. 'Wag ka naman masyadong harsh sa'kin, boo," malambing n'yang anas at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa'king katawan. Talagang nangilabot ako sa sinabi n'ya. Sh*t!

Nagda-drugs ba 'to? Wala akong matandaan na close kaming dalawa. Yes, magkaibigan ang family namin at kapitbahay pa namin sila. Yes, close din s'ya sa mga kapatid ko pero ako? I hate boys. Wala akong kaibigang lalaki pero kakilala? Marami.

Hanggang sa maihatid kami ni Kuya Tonton sa university namin ay hindi ako tinigilan ng asungot na 'to! Puro nga tawa sina Kuya imbis na tulungan ako. Masaya sila na nakikita akong naaasar sa lalaking 'to. Hindi ko alam ang name nito kaya puro ako asungot. Naririnig ko naman ang name n'ya pero nakakalimutan ko dahil wala naman kasi akong interes na kilalanin kung sino 'tong asungot na 'to.

"Pwede ba! Bitawan mo na ako?" sigaw ko dahilan para makuha namin ang atensyon ng mga ibang tao.

Kaya naman nahihiya akong napayuko. Kasi naman! Papunta na ako sa practice namin pero hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin s'ya sa'kin. Wala ba s'yang practice? Ang alam ko ay kateammates s'ya ni Kuya Aus.

"Bakit ba naiinis ka sa'kin, boo? Gusto lang naman kitang ihatid sa university gym volleyball court natin," sagot n'ya.

"Bakit mo naman ako ihahatid? Eh, kaya ko namang mag-isa," sabi ko habang inis pa ring nakatingin sa kaniya.

Ngumiti s'ya sa'kin ng matamis at bahagya pang pinisil ang ilong ko. "Ang cute mo, boo. Mas lalo yata akong nahuhulog."

"Oo, talagang ihuhulog kita kung hindi mo ako biibitiwang bw*sit ka!"

Napanguso s'ya. "Bakit ba inis na inis ka sa'kin? Gwapo naman ako, ah?"

Gwapo? Sa'n banda? Bakit hindi ko makita? Mahangin.

Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy-tuloy na sa pagpasok ko sa court ng volleyball. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi na n'y ako sinundan pa. Buti naman dahil naiinis ako sa kakasunod-sunod n'ya sa'kin. Naiinis ako sa panay ang pangkukulit n'ya at isa pa masyado s'yang mahangin.

At masyado din s'yang GGSS...gwapong-gwapo sa sarili.

Don't play with me, Coach || ONGOING (EDITING)Where stories live. Discover now