Chapter 2: "Hn"

64 5 2
                                    

Abby's POV
。。。。。。。。。。。。。。。

"Shido stop, natutulog pa ko" he licked my cheek. "Shido stop, ang kulit mo!" sabi ko habang nakangiti. "Sige na nga ano kailangan mo?"

"Woof! woof!" sabi niya while scratching the CR door.

"Oh," bumangon na ako at binuksan ang pinto ng CR. Mas sosyal ang aso ko. I already potty trained him. Nakarinig ako ng flush at binuksan ko na ang pintuan.

"Ang galing talaga ng aso ko." I said at pinat ko ang ulo niya. Tinignan ko ang wall clock at ang aga pa, 9:30 pa lang. Ako naman ang pumasok sa CR at ginawa ang aking morning rituals. Sumuot lang ako black v-neck shirt ,white pants at navy blue converse. I went downstairs to eat breakfast. Nakita ko si mama sa kusina, nagluluto ng bacon. Hmmmm ang bango.. ╯ω╰. Bacon, my love! You rightfully belong to my stomach.

"Good morning ma. Nasaan po si papa? Hindi ko siya nakita eh." Ang mama ko nga pala si Cassandra Justyne Taylor, best friends sila ni tita Danica since grade 3. Siya ay isang manager ng isang sikat na hotel at ang papa ko naman ay si Andy Louie Taylor, isang Aeronautic Engineer. Nagpapatayo pa lang kami nang aming business maybe next year tapos na iyon. Matagal naman nila sinimulan yon, ang aming Airline Company, Flash Airline.

"Naku anak! Umaga pa umalis yung papa mo, may meeting daw siya." Miss ko na sya eh. Hindi ko siya nakakausap simulang Lunes. Umuuwi na siya late at night at umaalis nang hindi pa ako gising.

"Ganun po ba..." Tinignan ako ni mama with a worried look.

"Wag kang mag-alala, Abby anak. Nagpromise yun sa akin na magdidinner tayo mamaya kasama siya" sabi ni mama while caressing my hair.

"Talaga po?" Nagnod lang si mama at umalis na para kumuha ng kanin.Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay mama at lumabas ng bahay para makipagkita kay Philip at Amanda sa Pentatiu Mall.

"Uy! Abby, kanina pa kami dito naghihintay ni bakla. Bakit ngayon ka lang?"

"He he he. Pagkatapos ng usap natin ay natulog ulit ako"

"Eh, alas siete na yun ah. Bakit ka pa natulog ulit na napagusapan natin na magkikita tayo dito on 8 am?"

"Eh, sa naaantok pa ako!"

"Hay! Sige na nga, alam ko naman na tulog mantika ka. Hoy Philip, tama na yang paglalandi mo sa mga bodyguards ko! Punta na tayo sa National Bookstore." Bibili na kasi kami ng requirements namin para sa dadating na school year.

"Panira ka, kinikilig pa nga sila eh." Sabi ni Philip while pouting. Sa totoo lang yung mga bodyguards nadidiri-an. Sumusuka na nga yung isa, ha ha ha."Sige tumawa lang kayo hindi naman kayo maganda. Mas maganda pa nga ako sa inyo."

"Wow ang conceited mo naman. Hindi ka kaya magan--" hindi niya ako pinatapos when he cut me off.

"Ikaw na girl, ikaw na ang maganda! Ikaw na ikaw na talaga. Kaimbyerna ang mga ito"

"Hindi mo kasi ako pinatapos, sabi ko hindi ka maganda kasi GWAPO ka!"

"Ewan ko sa inyo, mauna na ako sa bookstore at hindi ako sumasama sa mga panget eww!" Si Philip talaga, kung hindi lang ito bakla baka niligawan ko na to. Ang gwapo kaya niya. Joke, hindi ako ganun no! Ang awkward kaya kung ang babae ang manligaw. Kagaya ko, nakakuha din siya ng scholarship sa PAU. Si Amanda, mayaman yan, hindi niya kaylangan ang scholoraship.

。。。。。。。。。。。。。。。。

Amanda's POV

Tinignan ko yung list ng requirments at pumili na ng gusto ko. Nihindi ko pa nga nakuha ang half ng requirements ko ay ang bigat na ng dala ko. Umikot na ko sa buong National Bookstore pero wala talaga ako makitang cart. Hay, nasaan na kaya si Abby. I looked around and I finally found her by the Notebook Section. Binilisan ko ang paglalakad, ng malapit na ako kay Abby ay may bumagga pa sa akin.

"Ay tae! Walang hiya ka! Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo?!" Lumuhod na ako para kunin ang mga gamit ko nanahulog sa sahig.

"Ha ha ha. Nakakatawa yung mukha mo pag galit!" Aba! At pinagtatawanan pa ang ala dyosa kong mukha!

"Hoy mister! Wala man lang SORRY. Ang rude mo naman, tatawanan mo pa ang maganda kong mukha! Hindi mo man lang nga ako tinutulungang pulutin ang mga gamit na nalaglag ko DAHIL SAYO..." at kung ano ano pa ang sinabi ko sa kaniya. Nagger kaya ako, dapat pagtiyagaan niya, siya naman ang nauna mamangga eh! Nang tapos na ako sa pamumulot ng mga gamit ay tumayo ako para masigawan ng face-to-face ang lalaking rude.

"Wala ka paring sasabihin---" wala na siya! Wala ng tao sa harapan ko. Iniwan niya ako, hindi man lang nagsorry! Ang rude talaga, kaGRRR! Pagmakita ko yun ulit, I am gonna eat him alive, wait, baka masama ang lasa nun kasing sama ng ugali niya...papakain ko na lang siya sa mga sharks sa Ocean Park. Bwaha ha ha!

"Earth to Amanda! Are you there? Hello?" Abby was snapping her fingers in front of me. "Amanda Nathalie Tiu, rinig na rinig ko ang sigaw mo doon sa Notebook Section at ng dumating ako dito para makitang nakangiti ka ng mag-isa! Nababaliw ka na ba?"

"Eh, na imagine ko na patay na yung lalaking rude kanina, that's why napangiti ako. Ang ganda kayang tignan na kinakain siya ng sharks."

"Madam Sadista, sa pangiti-ngiti mo ng mag isa ay tinawanan ka ng mga panget na yun!" She pointed 5 ugly witches that were staring at us with glares that showed disgust.

"I swear, when I own this mall, I am gonna ban those kinds of people from here! The advantage of being rich." Mataray kong sabi. Pagkatapos namin ni Abby mamili, tinext ko si Philip kung saan siya. Hindi man lang niya sinabi na tapos na siya mamili.

"O, nasaan daw siya?" Abby asked.

"Nasa Greenwhich, kumakain. Palaging gutom yun eh." ( ¯(∞)¯ ) .Bakit hindi siya magpacheck sa doctor maybe he has worms in his tummy." Ewwwww!

Ng dumating kami sa Greenwhich, I saw Philipp chomping on his chicken. Ang takaw talaga!

"Girls! Late kayo, hindi niyo nakita ang gwapong lalaki na katabi ko kanina." Aba, kahit sa restaurant nakikipaglandian ang baklang to!

"Dude, naiwan ko kanina ang wallet ko dito. Nakita niyo ba?" Familiar ang boses na yun ah!

"Wala po sir, check niyo po sa inupuan niyo kanina, baka nandun pa."

"Girls! Ayun yung gwapo o! Papunta siya dito" I turned to my left para makita ang tinutukoy ni bakla.

"IKAW?!" Sabay naming sinabi. Kailangan ba talaga namin magkita ulit? Kainis.

"Magkakilala kayo ni Fafa?"

"Unfortunately..."

"Anong 'unfortunately'? Ang swerte mo nga eh. Nakabangga ka ng isang gwapong tulad ko. Nagkita pa talaga tayo ulit. I think this is DESTINY!"

"Destiny mo mukha mo! Chaka ka! Masgwapo si Philipp kaysa sayo!" Pikit mata ko sinabi.

"Amanda, wala na siya. Umalis na. Kanina pa."

"Ganon din ang ginawa niya kanina nang binangga niya ako! Kainis siya. Ang sama sama niya" kumuha ako ng isang pizza at kinain yun. Sumestress eating ako!

。。。。。。。。。。。。。。。。。。

Abby's POV

Hay, ang bilis talaga ng oras. Mamaya na ang dating ni Darryl, hindi uuwi sina tita dito. Si Darryl lang, at ako ang susundo sa kanya sa airport.

Tapos na ako sa pagiimpake ng gamit ko. Dadaan lang ulit ako dito para kunin ito, nasa kay Darryl kasi ang susi ng bahay at hindi ko naman alam kung saan ang bahay eh.

Nang dumating na ako sa airport, naghintay lang ako sa arrival area. Ang tagal naman, kailan kaya siya dadating? Hindi ako excited, may trabaho pa kasi ako mamaya sa Cafe. Ang tagal talaga----

...

...

...

Nagkatinginan kami. Ang gwapo parin talaga niya. Teka lang, ang tagal naman ng tinginan namin, staring contest ba to?

"Darryl, welcome back!"

"Hn..." sama parin ng ugali.

。。。。。。。。。。。。。。。

Don't forget to vote and comment. ⊙▽⊙

Living with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon