Kabanata 31 -New year new life

1.5K 25 12
                                                  

Kabanata 31

New year new life

Robi's POV

"Liro, asan na nga pala si Jake? (See chapter 4, Robi's POV) Bakit hindi na nagpapakita satin yun?" Tanong ko kay Liro.

"Busy na siya masyado sa business ng magulang niya eh. Oh...Ano dude? Kamusta? Ano ng nangyayare sa relasyon niyo ni Lorien?" Atat na tanong ni Liro.

"Oo nga. Hindi ka manlang nagtetext samin. Akala namin kung ano ng nangyare sayo." Nakalabing sabi ni Den.

"Guys, chill. Isa isa lang. Mahina ang kalaban okay?" Natatawa kong sabi.

Niyaya ko silang dalawa para samahan akong bumili ng singsing para kay Lorien. Kase, magpropropose ulit ako mismo sa new year. I want to make her mine. Ayaw kong magbago pa ang isip niya.

"So ano na nga?" Tanong ulit ni Den. Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"We're engage. Pero wala pa akong ring na ibinigay sakanya kase biglaan nung nagpropose ako." Liro and Den's jaw drop.

"What?! Baliw kana ba?! Nagpropose ka tapos walang ring! Kakaiba ka rin talaga dude. Kaya pala isinama mo kami dito ng honey ko." Sabi ni Liro at inakbayan si Den. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Wait...what?! Honey mo? Omayghad. Kayo ng best friend ko Liro?!" Napalakas ata ako sa pagkakasabi dahil narin sa gulat. I didn't saw it coming. Tumango naman si Liro.

"Yeah. Mga 2 weeks palang kami. Naging busy ka kase and sumabay pa yung problema mo. Hindi naman namin pwedeng ipagsabayan pa sa problema mo. Kaya we decided na ipaalam sayo pag okay kana. Since, okay kana nga sasabihin na namin to make it formal. Liro and I were together Robi." Masayang sabi ni Den. Medyo na shock parin ako. Akalain mo, si Liro lang pala ang mapupusuhan neto?

"Sorry dude kung inilihim muna namin. Gusto sana namin surprise and tama nga ang timing, nasurprise ka. (Natatawang sabi ni liro. Natawa rin ako kaunti) Balik tayo sa topic, paano mo ibibigay sakanya yang singsing? Magpropropose ka ulit?" Tanong niya sakin. Sakto naman at nakapili na ako.

"Oo dude. Kahit paulit ulit pa. Exactly new year ako magpropropose....Ah miss? Etong ring na to please. Yung silver nalang na may diamond sa gitna." Turo ko sa sales lady.

"Eto po ba ma'am?" Turo naman niya sa silver na ring. Tumango naman ako at yun nga pumunta na siya sa cashier. Sumunod naman ako saka nagbayad.

"Bakit new year pa? Anong meron dun?" Kunot noong tanong ni Den.

"Honey. Trip ni Robi yun. Suportahan nalang natin siya." Pag ayuda sakin ni Liro. Napangiti nalang ako sakanila. Sobrang clingy nila sa isa't isa.

"Den, perfect timing kase pag sa new year. It's a new year to have a new life. A new life to be with Lorien. I know parang mabilis ata kami kase recently lang kami. Mga 8 months palang. Matagal kong pinag isipan to. I see my future beside her at hindi ko makakaya kung makuha pa siya ng iba." Seryosong sabi ko kay Den. Hindi naman na siya nakapagsalita. Na speechless siguro. Haha

Nag ayang kumain sila Liro at Den ng lunch. Sakto lunch time naman na eh. Bukas ang disperas ng new year. So baka hindi ko sila makakasama dahil they will spend their new year with their families. Nasa trabaho naman ngayon si Lorien. Sana lang hindi nakabuntot ung asungot sakanya.

---

Lorien's POV

"Ano yan? Anong ngiti yan?" Asar sakin ni Tin ng makita niya akong pangiti ngiti. Hindi ko kase mailihim ang mga matatamis kong ngiti sa tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan sakin kagabi ni Robi habang magkatabi kami sa kama.

Walang nangyare samin ha. Hindi na naulit pa ung nangyare sa family vacation.

"Wala to. Masaya lang ako. Ikaw talaga lahat nalang pinapansin mo." Natatawa kong sabi. Suddenly nag init ang mga pisngi ko. Iniisip ko lang siya pero nagblablush ako.

"Eh kase halos nakasimangot ka nung nakaraang mga araw. Kahit nga dalawin ka ni Papa Peter di matibag yang nakasimangot mong mukha. Umamin ka nga girl, sino nagpapangiti sayo ng ganyan?" Nakataas ang kilay niyang nagtatanong sakin. Tinatarayan niya ako. Medyo naging ka close ko narin kase si Tin.

"Ano kaba. Kalma lang Tin. Okay sasabihin ko sayo, wag ka magugulat ha?" Nakangiting sabi ko sakanya. Kinikilig ako habang iniisip siya. Tumango naman si Tin, saying okay-hindi-ako-magugulat look.

"I'm engaged Tin!" Masayang sabi ko kay Tin. Agad niya akong niyakap at nagtititili kami habang nagtatatalon sa saya.

"Congrats girl! Sawakas nagprose na sayo si Papa Peter! (Kinikilig na sabi niya pero natahimik ako sa sinabi niya) Okay ka lang! Bakit nasimangot ka?" Nag aalalang tanong niya.

"Hindi si Peter ang nagpropose sakin Tin." Nagulat siya sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata niya.

"What?! Paano yun?! Girl paano nangyare? Tell me! How?! Bakit wala kang suot na ring? And sino yung nagpropose sayo if hindi si Papa Peter?!" Punong puno ng katanungan ang mukha niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Medyo oa siya.

"Oa na Tin. Masakit huh. (Pagpigil ko sa ginagawa niya. Tumigil naman siya kaagad pero may bahid parin ng pagkagulat ang mukha niya) okay, sasabihin ko na. Pero kumalma ka muna. Hindi tayo magkakaintindihan niyan eh." Kalmado kong sabi. Buti nalang at wala masyadong customer kaya okay lang na magkwentohan kami ni Tin.

Buti rin at wala si Peter na laging nakabuntot at nakabantay sakin. Ayokong nag aaway kami ni Robi. At ipinangako ko sa sarili ko na siya lang at wala kong ibang mamahalin.

"Sige. Pakakalmahin ko a ang sarili ko girl. Kwento mo na dali. Sino siya?" Mahinahon na niyang sabi. This time alam kong kalmado na siya.

Ikwenento ko sakanya lahat pero hindi ko binanggit sakanya ang ginawa naming contract ni Robi noon. Masyadong private na yun. Baka mamaya may makarinig pa. Kaya ang ginawa ko ay inedit ko nalang yung ibang part. I just told her about Robi. Kung paano kami nagkakilala at nagkagustohan. Kung paano ako nainlove sa mga titig niya. Sa mga ngiti niya.

Nung una she got shock. Bakit daw babae. Bakit daw sa lahat ng tao sa babae pa. I just answered her.

"I don't know what happened. Basta, nakita ko sakanya ang wala kay Peter. Napuna niya lahat ng mga pagkukulang niya. I loved her more than I am. Minahal ko siya bilang siya. Hindi ko siya ikinakahiya. I'm proud having her as my girlfriend and my fiancé. I love her in her ways. Kahit pa minsan inaaway ko siya. Kahit madalas niya akong asarin, minahal ko parin siya. She's been my ideal man. Sabi ko nga baka soulmate kami kase pinagbangga ang mga kotse namin. Alam mo yun, parang magic lahat."

Walang ibang nasabi si Tin kundi ang paghanga. Humahanga siya sa relasyon namin ni Robi. Naturingan kaming parang aso at puso pero sintamis kami ng yema sa sobrang dikit at sweet. Naisip ko nga, saktong sakto pa talaga si Robi sa new year. Kung last year mag isa lang ako, this coming year makakasama ko si Robi sa bawat pagsubok ko sa buhay. We will have a new year and a new life together.

I can't wait to be with her. To grow old with her. Kahit nga wala akong suot na singsing feeling ko meron parin. Nakakakilig isipin na mahal ka ng mahal mo. Diba? Minsan lang sa buhay ng tao to.

Kakatapos lang ng shift ko sa coffee shop at kasalukuyan na akong nag aayos ng sarili dahil uuwi na ako in any minute. Medyo nagtataka naman ako kase hindi ko nakita si Peter ngayon, ni anino niya wala akong nakita. Si mommy naman wala pang text or calls manlang. Nakakapagtaka talaga.

Itutuloy...
Contract Game (Girl to Girl Story)
Huling update: Jun 02, 2015
Contract Game (Girl to Girl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon