Kabanata 13 -It's a Deal?

1K 20 0
                                                  

Kabanata 13

It's a Deal

Lorien's POV

Maaga raw uuwi si Robi, so it means dapat agahan ko rin umuwi mamaya. Naku naman. 5pm na pala. Magpapaalam nalang ako sa manager na uuwi na ako ng maaga. Baka malaman pa ni Robi na nagtatrabaho ako.

Pagkauwi ko sa bahay, wala pa siya. Yes! Makaligo nga muna. Naligo muna ako at pagkatapos ay nagbihis na ng t-shirt at boxers. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagluto na ako at kumain.

Then bumukas na yung pinto. It's Robi. Maaga nga talaga siya.

"Lorien. Let's talk." Seryosong sabi niya. Sumunod naman ako kaagad at naupo na kami sa living room. Nako nakakatense. Ano naman kaya ang pag uusapan namin at hindi ko maipinta ang mukha niya.

"Tungkol san? Ano Pag uusapan natin?" Sabi ko.

"Um. Alam kong madami ka pang atraso sakin. At alam mo naman siguro na ilang buwan nalang matatapos na yung deal natin. So I have a new proposal." Sabi niya at medyo lumapit siya sa tabi ko.

"Ha? Ano naman yun? Anong deal pinagsasabi mo?" Napausod ako dahil lumapit nanaman siya. Nanlaki mga mata ko ng lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan niya ang kamay ko. Nagmamakaawa ba to?

"Please be my girlfriend. Please please?  Magpapanggap lang tayo. Ilang buwan ka lang naman magpapanggap. 6 months is enough. Then we'll separate ways. I just need you right now." Nagsusumamo niyang sabi. Tama ba narinig ko? Gagawin niya raw akong girlfriend?

"Girlfriend?! No way!" Sigaw ko at akmang tatayo pero niyakap niya ako ng mahigpit kaya wala akong kawala.

"Please?  I'll do everything you want. Just say yes." Sabi ni Robi. Masyado na ba siyang desperado at gagawin niya lahat? Teka, lahat daw ba? Gagawin niya lahat?

"Talaga? Gagawin mo Lahat? As in lahat?" Sagot ko with an evil smile. Haha! I have a plan. It's payback time Robi.

"Yeah. Lahat. Just say yes." Seryosong sabi niya at binitawan na niya ako sa pagkakayakap.

"Well,  say promise first. " Sabi ko naman sabay cross arms.

"Okay. I promise. " Nag cross my heart siya. Ang cute niya lang. haha

Huminga muna ako ng malalim at pinag isipan ko mabuti. Pero dahil nagpromise siya, may pinanghahawakan na ako. haha

"Then yes, but in one condition." Bigla niya akong niyakap sa tuwa. Ang lola niyo tuwang tuwa.

"Thank you thank you Lorien. I swear tutuparin ko ang pangako ko sayo. Ano yun? Ako meron rin. May isang condisyon rin ako." Bumitaw na siya sakin at naupo na ulit kami.

"Don't ever, ever fall inlove with me. Plus, dont take advantage sakin dahil sa pumayag ako bilang girlfriend mo. At saka walang pakialaman ng buhay ha? Pag oras ng actingan may pakialaman, pero pag wala wag kang maki-join. Oh ano naman yung sayo?" Pagtataray ko.

"Ang dami naman. Akala ko isang kondisyon lang? Tsk. Pag usapan nalang natin ung akin bukas. Well ngayon magpahinga na tayo. Kumain na nga pala ako. Good night. " Pinandilatan ko siya ng mata kaya naman tinarayan ako ng lola. haha Mataray niyang sabi saka pumunta sa kwarto niya. Ganun nalang yun? Kami na tapos...ay teka, kunware lang pala na kami.

Kinabukasan....

"Lorien! Bangon na." May maingay na boses ng gagaling sa labas ng kwarto ko. Ano yun? Meron bang sunog? Nagulat ako ng biglang nabalibag yung pinto ko at pinagbubuksan yung kortina. Nakakasilaw.

Contract Game (Girl to Girl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon