Kabanata 14 -Who are you?

978 20 0
                                                  

Kabanata 14

Who are you?

Robi's POV

Kagagaling ko lang sa Jewelry shop at papunta na ako sa Restaurant kung saan ko pinag hintay si Lorien. But suddenly, someone caught my attention. Kitang kita ko sa malayong distansya. May lalaking tumabi sa babaeng pupuntahan ko. Si Lorien may kausap na lalake. Who the hell is that?

Aba. Masaya pa silang nagtatawanan ha. Ang mas ikinagulat ko pa ay nung hinawakan ng lalake ang kamay ni Lorien. Tsk. Ang landi naman ng lalake na yun. Kung basagin ko kaya pagmumukha niya? Tahimik akong lumapit sakanila.

"Ehem." Pang agaw ko ng atensyon. Napatingin naman silang dalawa sakin. Ngiting ngiti parin itong mokong nato.

Magagalit na sana ako. Kaso, naalala ko nga pala yung kasunduan namin ni Lorien na hindi ako makikialam sakanya pag walang acting na nagaganap. Well, tama nga naman siya. Pero for God's sake. Sa harap ko pa talaga?!

"Who are you?" Tanong nung hilaw na guy.

"And Who are you too?!" Mataray kong tanong. Feeling ko uusok na ata ung ilong ko sa sobrang inis.

"Ahhhh Sorry? May I help you?" Tanong nung lalake. Fuck. Babangasan ko na talaga to.

"Ay teka. Andyan kana pala. Antagal mo ha. Si Peter nga pala, pinsan ng best friend ko. Peter si Robi." Pagpapakilala sakin ni Lorien sa kasama niyang hilaw na lalake. Iniabot naman nung Peter ang kamay niya sakin para sa shake hands pero hindi ko inabot. Umupo ako padabog sa umupuan malapit ka Lorien.

"Peter nga pala pre." Pagpapakilala niya sa sarili niya sakin. Iniabot niya ulit yung kamay niya sakin, pero gaya ng kanina hindi ko pinsin.

"Whatever." Pag dededma ko sa kamay niya. haha

"Guys oorder na ako ha? Ano sayo Peter?" Nakakawalang gana kumain. Ako kasama nag punta dito tapos siya naman tatanungin. Nakakainis. Ayaw ko na atang kumain.

"Ikaw na bahala hon." Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko? Hon tawag sakanya? Tumahimik lang ako at kunware hindi ko narinig.

"Sayo Robi?" Tumingin naman sakin si Lorien. Na aawkwardan naman ako kaya iniwas ko kaagad ang mata ko sakanya.

"Kahit ano na. Bahala ka." Sabi ko kay Lorien. Bad mood na ako eh.

"Okay. Yun lang ba?" Panimigurado ni Lorien.

"Hon samahan na kita?" Pag aalok naman ng tulong nung hilaw na Peter.

"Kaya na niya yan. Hayaan mo siya." Pangongontra ko. Hinayaan naman na niya at naiwan na kami.

Umalis na si Lorien para umorder. Medyo marami ring tao kaya matatagalan siya konti bago makaorder..

"Matanong ko lang. Ano mo si Lorien?" Daretso kong tanong. Ayaw ko ng paligoy ligoy pa.

"Ah. Ako? Boyfriend niya." Maangas niyang sabi. Takte. Nasesense niya ata ang gusto kong iparating ha. Pinakalma ko nalang ang sarili ko.

"Matagal na kayo?" Tanong ko ulit.

"Hindi naman. Mga 7 months palang kami. Ngayon nga lang ulit kami nakapag kita. Sabi niya hindi raw kase siya pwede kaya ayun, hindi kami nakakapag date." Paliwanag niya. Hindi ko naman hinihingi ang saloobin mo ha?! Tinatanong lang kita. tsk

"Ikaw, ano kanya?" Tanong niya sakin.

Sasabihin ko kayang girlfriend ko siya? Pero baka ilayo siya sakin at mag kandaletse letse pa plano ko. Hmmm. Paano kaya to.

Contract Game (Girl to Girl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon