"Alison, gaga ka ba? Kaya mo 'yan. Tapos ka naman na e. Graduate ka na. Hindi mo lang hawak yung katibayan pero kagaya mo, graduate ka na rin. Kulang ka sa self confidence, Alison."

Inirapan ko siya at yumuko nalang. Hindi ko alam na ganito pala kahirap maghanap ng trabaho. Kung tutuusin, I just chose the hardest way when in fact, my fortune is already in my hands. My parents promised me na kapag grumaduate ako, ipamamana na nila sa akin ang mga negosyo nila dahil ako ang unica hija nila. I don't have siblings nor relatives. Only child ako at ganoon din ang parents ko. Kaya naman namuhay ako sa karangyaan.

"Huwag nalang kaya akong tumuloy? Iba talaga yung pakiramdam ko. Hindi maganda," sabi ko nang nakasimangot.

Tumayo siya at mukhang nabadtrip na rin sa akin. Isinukbit niya ang dala niyang shoulder bag sa kaliwang balikat niya at saka siya tumayo sa harapan ko. "Sayang yung pag-aayos ko sayo. Yung effort ko. Hmm... Bahala ka. Una na ako sayo. Late na ako."

I felt bad as Emma walked away. Sinundan ko siya ng tingin nung tumawid siya sa pedestrian lane at saka ito pumasok sa kabilang building. Mas lalo tuloy akong naguilty.

I took a deep breath as I stood up and faced the building infront of me. Kahit na pinagpapawisan ako ng malamig sa nerbyos, pinili ko pa ring tumuloy sa loob ng AE Mart Inc.


BAHALA na was all my mind said. Ang hirap tanggalin sa utak ko yung insecurity na bumabalot sa sistema ko lalo na't katabi ko sa upuan ang iba pang applicants. They're not pretty (sorry for being mean), but they look so confident. Taas noo pa talaga sila habang naghihintay ng turn nila, samantalang ako, nagkukunwaring naglalaro ng game app sa phone ko when in fact wala naman naka-install na laro dahil ni-reformat ko ito noong makarating ako rito sa Maynila. For security purpose only though.

Secretary pala yung hinahanap nila dito kaya naman isang tao lang ang dapat na ma-hire. Nakakakaba tuloy lalo.

"Sanchez, Lara?" the staff called out. Tumayo yung babae sa harapan ko at sinundan na yung staff. Napataas pa yung kilay ko nung lumabas na rin yung nainterview. Disappointed is written all over her face.

"Kamusta?" tanong sa kanya nung isang waiting na applicant. They must be friends 'cause they were talking to each other awhile ago.

I dropped my eyes to my phone and pretended to be texting kahit na wala akong load. Poor me.

"I failed."

"What?"

Tinignan ko yung babae ng palihim. Maluha-luha pa ito. Ganun ba ka-terror yung HR dito para maiyak siya ng ganyan? Napalunok tuloy ako. Bumabalik ang kaba sa sistema ko.

"I failed the interview. Ang sungit ng HR. Peste, ang gwapo pa naman," sabi niya pa. And now I am fully aware that everyone's ears are on them. Tahimik kasi masyado. Maririnig namin talaga ang usapan nila whether they speak aloud or not.

"Gaano kasungit?"

"Basta. Daig pa ang terror prof natin sa Calculus noon."

"Ghad. Tara na kaya? Hindi na ako tutuloy," sabi nung babae tapos tumayo na. Pinigilan pa siya nung isa kaso mukhang nasindak na dahil umalis na sila ng tuluyan.

We were only 5 left in the lobby. Base sa mukha nila, they looked so nervous. Nahahawa na tuloy ako.

The staff appeared again followed by the last interviewee, if I remember it right, Sanchez ata yung surname. Nakatulala ito at mukhang wala sa sarili. My ghad, mukha siyang na-trauma.

"Santos?" tawag nung staff.

Tumayo ang babae sa tabi ko. Ngumiti ito ng alanganin tapos kinuha na rin ang bag niya. "Hindi na po ako tutuloy. Pasensya na," she said and left us dumbfounded. Nagback out na rin siya.

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now