"Huh? Anong hindi tumatayo?" Kunot noo ko namang tanong.

"Yung ano niya hindi tumatayo. Kahit na daw anong gawin ng babae ay hindi daw tumatayo. Hindi sumasaludo. Kaya ayon, iniiwan siya ng mga nagiging girlfriend niya "

"Hindi kita maintindihan Niona. Pwede bang pakilinaw mo" Sabi ko ng naguguluhan. Hindi ko Kasi talaga siya ma-gets

Bumuntong hininga naman siya "Naku naman Sloane! 25 years old ka na slow at inosente ka pa rin"

"Eh kasi naman eh!" Nagkamot ako ng kilay. Kasalanan ko bang ang hirap intindihin ng pinagsasabi niya na yung 'ano'. Ano ba kasi yung 'ano' na sinasabi niyang hindi tumatayo

"Hay naku! Okay, ganito kasi 'yon. Sa tuwing inaaya daw siya ng mga nagiging girlfriend niya na makipag- s-ex sa kaniya tumatanggi daw siya kasi nga ganon nga. May problema yung ano niya. Hindi niya nga daw maintindihan kung bakit gano'n yung junjun niya. At sa tuwing sinasabi iya iyon sa mga naging girlfriend niya, awtomatiko daw na nakikipaghiwalay sila sa kaniya, kaya wala siyang karelasyon na tumatagal" mahabang paliwanag nito na medyo naintindihan ko na

"Tapos kagabi, aksidente kong natabig yung iniinom niyang wine tapos bumuhos 'yon doon malapit sa junjun niya. Then sa pagkataranta ko 'di ko namalayan na pinupunasan ko na pala iyon gamit ang kamay ko, hindi ko akalain na madadampian ng palad ko yung junjun niya. Tapos..." Bigla siyang tumigil at napalunok. Napansin ko ring namula bigla ang mga pisngi niya

"Tapos?" Tanong ko. Kinagat nito ang pang-ibaba niyang labi saka nagpatuloy sa pagsasalita

"Ng madampian yun ng palad ko. Bigla na lang nag-react yung junjun niya. Tapos napatitig ako doon sa pantalon niya ng unti-unting nagkakaroon ng umbok yung gitnang part, bigla along nakaramdam ng kaba kay kumaripas ako ng takbo palabas ng bar" saad nito saka muling humigop ng kape na tuloy tuloy

Mahina naman akong napatawa "Bakit ka naman kumaripas ng takbo" tanong ko pa

Tinignan ako nito gamit ang 'seryoso ka ba sa tanong mo' look. Tumango tango naman ako sa kaniya. Nagpakawala soya ng isang malalim na buntong-hininga saka sumagot

"Like hello! Sabi niya hindi tumatayo junjun niya, tapos nong madampian lang ng palad ko biglang tumayo. Ibig sabihin sinungaling ang lalaking 'yon. Kung hindi ako tumakbo palabas ng bar baka kung ano pang gawin niya sa akin. Mawala pa pagka-birhen ko ng wala sa oras" hysterical nitong sagot

"Gwapo ba yung lalaki?" Bigla naman siyang napaisip sa itinanong ko

"Honestly, makalaglag panty yung kakisigan niya. Maputi siya tapos singkit ang mga mata. Naka-pilot uniform din siya kaya for sure na piloto ang lalaking 'yon" sagot nito na bahagya pang ngumiti habang dini-describe ang itsura ng lalaki. Napailing na lang ako

"Pero kahit na makalaglag panty ang itsura niya. Hindi ko tipo ang ganoong klaseng lalaki. Apaka sinungaling ahmf" alburuto nito

Hindi na lang ulit ako nagsalita at itinuloy na lang ang paghigop sa kape ko. Saglit akong natigilan ng bumalik sa ala-ala ko ang pagyakap ni Sabrina kay Don kanina

Ewan ko ba, pero kakaiba na kaagad ang pakiramdam ko dahil lamang doon

Marami pa kaming napag-kwentuhan na mga bagay bagay ni Niona bago ito nagpaalam na aalis na dahil meron pa daw itong ka-blind date

"Tell Xuxu I will visit him next time" sabi nito na tinanguan ko na lang
Naikwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pagtira ni Xuxu sa Mansion

Sumakay na siya sa kaniyang bigbike saka pinaharurot paalis. Gusto niya nga akong ihatid pabalik sa hospital kaya lang tumanggi ako. Sabi ko na maglalakad na lang ako dahil malapit lang din naman. Ayoko kasing umangkas dahil natatakot ako

Obsessive  Men Series 1: GOVERNOR ACACIO( COMPLETED )Where stories live. Discover now