Nakisingit naman si Josh. "Swimming loop 'yan!"


"Mali din! Sirit na ba, sirit na?" Tanong ni Justin. "May hahabol pa ba?"


"Okay sirit na," para matapos na 'tong kalokohan ni Justin.


Hindi niya pa nasasabi ang sagot ay tumatawa na agad siya, nakahawak pa sa tiyan. Tawang tawa 'yan?


"Edi swimming empty! HAHAHAHA!" Tawang tawa na naman siya sa sarili niyang kabaliwan.


Napailing iling nalang ako at tinapik ng mahina ang balikat niya. "Ayos lang 'yan, Jah. Tandaan mong hindi ka pa baliw."


Halos mag-a alas tres na rin ng hapon nang maisipan naming magbanlaw na. Feeling ko ay nangitim ako, tirik na tirik ba naman ang araw kanina tapos nandoon kami sa pool. Pero ayos lang naman, ang mahalaga ay masaya ang araw na 'to.


Dumiretso na ako sa kwarto, may sarili naman akong banyo sa kwarto kaya doon na ako nagbanlaw at nagpalit na ng suot. 

***

10 pm na pero hindi pa ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa side table at lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong naglakad palabas hanggang makarating sa may pool area. Naisipan kong dito nalang muna tumambay.


"Buti dala ko na ang cellphone ngayon," sambit ko sa sarili at saka kinuhanan ng litrato ang kalangitan.


May narinig akong tunog ng camera sa likod kaya napalingon ako. 


Si Ken. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit siya nandito? At bakit nakaharap sa'kin 'yung camera?


"Kinukuhaan mo ba ako ng picture?" Hindi ako assuming, nakaharap lang talaga sa'kin 'yung camera na gamit niya.


He just shrugged. Lumapit ako sa pwesto niya at pilit na kinukuha 'yung camera pero naglalakad siya paatras para hindi ko 'yon makuha.


"Patingin ako," may diin sa tono ng pananalita ko.


Umiling siya habang patuloy pa rin na naglalakad paatras, naglalakad din ako palapit sa kaniya. Bigla akong nauntog sa dibdib niya, tumigil na pala siya sa paglalakad dahil nasa dulo na siya ng pader.


Tinawanan niya lang ako kaya napatitig ako sa kaniya.


Oh my god. Ano bang nangyayari sa'kin?


Napaiwas nalang ako ng tingin.


"Oh," inabot niya sa'kin 'yung camera.


"Ibibigay din naman pala, e!" Reklamo ko bago kinuha 'yung camera.


Tiningnan ko 'yung mga kuha doon. Picture 'yon ng kalangitan pero hagip ako doon. Kitang kita sa mukha ko doon sa picture ang saya habang kinukuhaan din ng litrato ang kalangitan.


Inabot ko na sa kaniya pabalik 'yung camera. Hindi ko nalang idi-delete, maganda naman ang kuha, e.


"Akala ko ide-delete mo." Sabi niya.


"Hindi na, ang ganda ko diyan, e." Pabiro kong sabi.


"You are always beautiful."


Sa hindi malamang dahilan ay parang bigla akong nagkaroon ng sakit sa puso dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nag init ang pisngi ko.


Katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa habang nakatayo doon malapit sa pool area. Walang may balak magsalita. Nataranta naman ako nang biglang maisip na baka marinig ni Ken ang tibok ng puso ko kaya napasabi ako bigla ng 'thank you'.


Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Ano?"


"Ah ano thank you doon sa kanina, oo 'yung sa ano paglangoy. 'Diba tinuruan mo ako kanina, 'yon."


"Wala 'yun, ikaw pa ba." Sagot niya.


Hooh! Nakahinga ako ng maluwag. Nagpaalam na rin akong babalik na sa kwarto dahil inaantok na ako. Sabi niya lang ay sabay na daw kami.


Pagkarating sa tapat ng kwarto ko, may isang kwarto ang nagbukas ang pinto at lumabas doon si Stell. Nakatingin siya sa'ming dalawa ni Ken, nagtataka.


"Oh, Athina, Ken, gabi na. Saan kayo galing?" Tanong niya.


"Sa pool area."


"Ah diyan lang."


Sabay kaming nagsalita ni Ken kaya napatingin kami sa isa't isa at natawa nalang.


"Sige pasok na ako sa loob, antok na ako, e." Paalam ko sa kanilang dalawa bago pumasok sa kwarto.


Humiga na ako sa kama at nakatitig lang sa ceiling ng kwarto. Napangiti ako nang biglang pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Ken kanina.


"You are always beautiful."


Ramdam ko na naman ang pag-init ng pisngi ko


Don't tell me kinikilig ako???

__________


💙💙💙💙💙

Living With SB19Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang