I will break these chains that bind me, happiness will find me


Leave the past behind me, today my life begins


A whole new world is waiting its mind for the taking


I know I can make it today my life begins



Nagtuloy tuloy ang pagkanta hanggang sa matapos at kasabay ng last lyrics ay ang paghagis namin ng sari-sarili naming toga at kasabay rin non ay may fireworks na pumutok sa kalangitan.



Nagsihiyawan ang mga tao at nagkanya kanyang video at picture.



Hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo halo ang emosyon ko ngayon na hindi ko na namalayang niyakap na pala ako nila Andrea.



"Congrats, Sammy!"



"Congrats, Sam."



"Happy graduation!"



Andami kong natanggap na congratulatory kaya halos lahat sila ay pinasalamatan ko.



Nag picture picture kami kasama ang mga kasamahan sa club bago nagpaalam sa isat-isa. May mga ka batch mate rin akong nagpapicture saakin for memories daw, andami nila pati mga profs.



Nakikita ko ang mga magulang na yakap ang mga anak at nag iiyakan sila, may narinig pa akong nag so-sorry at nangangakong hindi na raw nila ulit uulitin yung mga nagawa nila.



Napangiti ako dahil sa mga nakikita ko, at least they can be careful next time with their words. Nag excuse ako dahil pupuntahan ko 'yung lugar kung saan nakatayo kanina si Cold.



At dahil ayaw ko ring makita ang bonding ng magpapamilya...naiinggit ako.



Nakatayo na ako sa mismong kinatatayuan ni Cold kanina, hindi ko na siya makita dahil natural nakaalis na yon!



Tumayo ako sa mismong pinagtayuan niya kanina at hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa?!



"Siya talaga 'yung nakita ko kanina hindi ako pwedeng magkamali!" pagkausap ko sa sarili ko. Hindi naman talaga ako pwedeng mag kamali eh.



Alam kong siya 'yon! Pero bakit naman siya pupunta rito? Para saan? Sa sobrang busy ng schedule niya paano siya pupunta dito? Pero alam kong siya yon!

STARS IN THE NIGHT SKY (Model Series #2)Where stories live. Discover now