Napatingin ulit ako sa kotse ni Dave at nawala bigla yung matalim na bagay sa kotse niya pero mayamaya lang ay lumabas ulit yun.

"Be careful Miggy" sabi ni papa mula sa earpiece na suot ko.

We use little molded plastic earpiece not just to communicate to our team but also to protect our eardrums from screaming race engines. 

Nasa kalagitnaan na kami ng field ng bigla na lang lumiko ang gulong ng kotse ni Dave pakanan kaya dahil medyo nangunguna ako sakanya iniliko ko pakaliwa ang kotse ko at nag-iwan pa ng bakas ang gulong sa kalsada dahil sa biglaang pag-ikot ko at pagkalabit ko sa emergency break.

"Whooww! What happened!?" Gulat na sabi ng ankouncer.

Galit ko namang tinignan ang kotse ni Dave kaya mabilis ko namang ginalaw ang shift knob netong sasakyan at mabilis na inikutan ang sasakyan ni Dave na ngayo'y umuusok na ang unahan ng kotse niya. Mabilis naman ulit akong humarurot para tapusin ang race na to pero kita kong sumunod pa rin siya kahit ganon na ang kundisyon ng kotse niya.

"This fvcking idiot, muntik na ako doon." pabulong kong sabi.

"Huwag mo ng patulan ang isang yan Miguel, just finish this race boy!" sabi ni papa mula sa earpiece ko.

"Walang napapala ang pagiging madaya" sabi ko at nakangising tinawid ang finish line.

"And we have a winner!" Sabay na sabi ng dalawang announcer.

Hininto ko naman ang sasakyan ko ilang metro ang layo sa finish line bago ko tinanggal ang helmet ko at seatbelt bago lumabas ng sasakyan. Tinanaw ko naman si Dave na bumigay na ang sasakyan ng makalagpas sa finish line at inis na lumabas sa sasakyan niya.

"Miguel! Miguel! Miguel!"

"How are you feeling right now?"

"Muntik na kayong maaksidente kanina, ano ang naramdaman mo doon?"

"Sino ang naging inspirasyon mo ngayon?"

"Ano naman sa pakiramdam na nanalo ka ulit sa karera?"

"At ano ang masasabi mo sa mga kapwa mong racers na nandito ngayon?"

Sabay-sabay na tanong nga mga reporter. Buti na lang talaga at naiintindihan ko sila at kaya kong sagutin yan lahat.

"I'm happy of course. And thanks to my supporters and my team, they are my inspiration in this race. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ako kinabahan kanina dahil, race meant to be dangerous and I'm always ready for that." Nakangiti kong sagot.

"Sa tingin mo ba ay sinadya ni Mr. Fajardo ang nangyare kanina?" Tanong ng isang reporter.

"Uhh I can't answer that but I'm not saying na sinadya niya yun and I really don't think so" pagsisinungaling ko.

"Any message for your supporters and co-racers that here with us today?" Tanong ulit ng isa pang reporter.

"Uhmm. Thank you very much for supporting me, until now mahal ko pa rin kayong lahat and thank you dahil nandito kayo ngayon para sumuporta saaken. And to my co-racers, keep racing and I know you'll achieve your finish line" nakangiti kong sabi.

"Idol namen yan!"

"Congratulations Miguel!"

"Thank you din!"

Sigaw ng ilang racers kaya kinawan ko sila at nakipagapiran bago ako tumaas doon sa stage para tanggapin ang trophy ko.

"Congratulations Miguel" bati saaken ng matandang racer na siyang may ari netong racing field at nagsimula netong race.

"Thank you" sagot ko at nakipagkamay sakanya bago ako bumaba ng stage matapos ang ilang picture taking.

"Yeah! That's my boy!" Tuwang-tuwa na sabi ni papa at niyakap ako at tinapik-tapik ang likod.

"Thank you. Thank you sainyo" sabi ko sa team ko at tinaguan at nginitian naman nila ako.

"Mukhang makakaharap na nung isang yun ang karma niya" pabulong na sabi ni papa kaya lumingon ako sa likod at nakita kong kausap na ni Dave yung mga head netong racing.

"Hayaan na naten siya" sabi ko at bigla kong hinanap si twenty nine at napangiti ako bigla ng makitang pababa siya dito kaya binigay ko kay papa ang trophy ko at tinapik sila isa-isa sa balikat.

"Susunod ako" nakangiti kong sabi sakanila bago tumakbo at sinalubong si twenty nine.

Inabit ko naman ang kamay ko sakanya para pigtas siyang makababa at agad niya naman yun tinanggap. At magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita mula sa likod ko.

"Honey you here!" Masayang sabi ni Dave kaya kahit naguluhan ako sa sinabi niya hindi ko pinahalata.

Bigla naman akong hinila ni twenty niya sa tabi niya kaya tinignan ko siya.

"I'm not here for you" sagot niya kay Dave.

"What? Nag-usap na tayo neto noon pa. What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong at matalim akong tinignan at akmang aagawin na ang kamay ni twenty nine na nasa braso ko pero umatras si twenty nine kaya nahila niya ulit ako.

"Have you forgotten? Really Dave? We're over and I'm here for Miguel." nakangising sabi ni twenty nine pero naguguluhan pa rin ako.

"No! Is this about our fight again? Honey no–"

"A deal is a deal, Dave. There's no reason to marry you, my ex fiancée" may pagkamaldita niyang sabi at diniinan pa ang pagkakasabi nung ex fianée. "Let's go, Miggy?" Baling niya saaken.

"Ha?"

"Let's go, let's celebrate!" Nakangiti niyang sabi at sinenyasan akong sumakay na lang kaya ngumiti din ako sakanya bago tinignan ulit si Dave.

"Congratulations sayo, Dave. Mauna na kami ng kaibigan ko, salamat sa pag-aalaga sakanya kukunin ko na siya sayo ahh" sabi ko sabay ayos nung kamay ni twenty nine na nasa braso ko bago kami sabay na naglakad palabas ng field na yun.

So siya pala ang fiancée ni twenty nine at hindi ang lalakeng sumundo sakanya kagabi?

Paglabas na paglabas namen muntik namang matumba si twenty nine at buti na lang ay nakahawak siya sa braso at naalalayan ko kaagad siya.

"Are you ok?" Nag-aalala kong tanong at kitang ko na sobrang putla ng mga labi niya.

Pinilit niyang tumayo ulit at sobrang higpit na ng kapit niya sa braso ko pero muntik na naman ulit siyang matumba kaya ipinolupot ko na ang braso ko sa bewang niya at iniharang ko naman ang kamay ko sa mukha niya.

Baka bagong iskandalo na naman eto kung sakali.

Bigla din naman na may kotseng huminto sa harapan namen at pagbukas ng pintuan saktong si papa yun kaya tinulungan niya akong isakay si twenty nine na tuluyan na ngang nawalan ng malay.

The heck!? Ano ba ang ginawa nung lalakeng yun kay Brielle at ganito na lang siya mag-reack!?

Race Of LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ