Chapter 36: Until The End

3.8K 120 8
                                    

Lei

"Hariette, come here. We're not done yet. We need to hurry, baby!" Pag tawag ko sa anak ko na tinakbuhan nanaman ako pagkatapos ko syang mapaliguan.

Sabado ngayon at kasalukuyan kong inaasikaso si Hariette dahil mamaya maya lamang ay baka dumating na sina Kristen. Birthday ngayon si Gray at napag desisyunan nilang sa isang private island nalang nila chu kami mag cecelebrate. Wala naman kaming ibang kasama kundi kami kami lang din.

Si Jennie ay nasa kwarto pa at kasalukuyang nagaayos narin. Magina nga itong si Hariette at Jennie, napaka hirap nilang pakilusin kapag ganitong maaga at weekend.

"Mommy, I don't want to wear that. I want to wear my favorite sweatpants and sweatshirt. It's cold outside." isang baby blue dress kasi sana ang ipapasuot ko sakanya ngayon. Halos hindi nya kasi nagagamit ang mga dresses nya dahil nangangati daw sya sa mga ito.

Wala na nga akong nagawa kundi sundin ang gusto ng mahal na prinsesa. Pagkatapos ng mahaba habang habulan ay natapos ko na din syang asikasuhin at lahat ng mga gamit na dadalhin nya.

Hinabilin ko muna sya kay Yaya Nimfa at nagpunta naman ako sa kwarto namin. Naabutan ko si Jennie na kalalabas lang cr. "Ngayon ka palang natapos?" takang tanong ko sakanya. Dahil mahigit isang oras akong nasa kwarto ni Hariette.

"Sorry, Hon. I'm so sleepy pa kasi kanina." parang batang sabi nito bago lumapit sakin at hinapit ako sa bewang ko.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ilang taon narin kaming nagsasama ni Jennie ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang kiligin sa mga maliliit na gestures nya.

"I love you, hon!" apat na salita ngunit punong puno ng kahulugan.

Hinawakan ko ng marahan ang kanyang mukha bago ito pinisil pisil. Ang chubby cheeks ng asawa ko. "Mahal na mahal din po kita pero kailangan na nating bilisan kasi baka mamaya andyan na yung mga kaibigan mo."

Bumuntong hininga muna ito bago kumawala sakin at dumiretso sa walkin closet. "Kung hindi lang birthday ni Gray, hindi nalang sana tayo sasama. I want to be with you alone than to be with those monkeys."

Napatawa nalang ako sa asawa ko bago ko inayos ang mga gamit na dadalhin namin.

After 15 minutes ay bumaba na din kami dahil nandyan na yung van na gagamitin namin. Tinulungan ako nila yaya nimfa na ilagay yung mga gamit namin sa van habang hawak ko sa kanang kamay si Hariette.

"Magiingat kayo dun mga hija, lalo na kayo Lisa. Si Hariette, bantayan mong maige. Huwag kang malilingat sa batang iyan. Jennie, anak, magiingat kayo huh! At kayong tatlo din dyan, huwag puro babae ang aatupagin nyo!" mahabang bilin ni Yaya Nimfa para sa lahat. Tatawa tawang tumango nalang yung tatlo.

"Kayo din po, Ya. Magiingat po kayo dito. Kung may problema, tawagan nyo lang po ako" magalang na sagot ni Jennie dito.

Sumakay na kami sa loob ng van pagkatapos magbatian. Sa unahan namin si Kristen, sa likod naman namin si Gray at Chu.

"Ninang chu, do you have chocolates?" tanong ng anak ko kay chu na nasa likod namin. Nasa gitna naman namin ni Jennie si Hariette.

"Hariette, It's too early. Sit properly, baka mahulog ka." malumanay kong saway sa bata.

"ninang chu will give you chocolates later, okay?" bulong ni chu sa bata. Nagsenyasan muna ang dalawa bago dahan dahang umupo ng maayos at tahimik si Hariette sa gitna namin ng mimi nya.

"Where are we? Hindi naman dito yung way papuntang island?" takang tanong ni Gray.

"Wait ka lang dyan nga. May dadaanan lang tayo saglit." sagot naman dito ni Kristen.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Where stories live. Discover now