Chapter 16: Can't find her

2.7K 141 22
                                    

Summer

"I DON'T NEED YOUR FVCKING EXCUSES! I NEED AN UPDATE ON WHERE LISA AND MY BABY IS!"

Ramdam ko yung pag pintig ng mga ugat ko sa leeg dahil sa sobramg pagsigaw dahil sa galit. It's fvcking 3 months since Lisa left me. Until now, wala pa ring update kung nasaan sya. Kung iniwan naba talaga nya ako o nawawala sya. Hindi ko alam.

"Ma'am, ginagawa naman po namin laha~~~"

"Lahat? Huh! Pinapatawa nyo ba ako? Ginagawa nyo ang lahat pero hanggang ngayon wala pa rin kayong balita kung nasaan ang mag-ina ko?"

Pinipilit kong kumalma kahit nanginginig na sa galit ang buong katawan ko. Hanggang ngayon ay walang matinong balita sakin ang P.I na hinired ko para hanapin sya. Walang araw na tumigil ako sa pag hahanap kay Lisa. Gusto kong malaman kung bakit nya nagawang ilayo sakin ang anak ko. Kung dahil ba sa nagawa ko sa nanay nya kaya ginagantihan nya ako? Pero hindi nya dapat dinadamay dito ang anak ko.

"Hey, cous, calm down. Paano natin mahahanap si Lei kung lage ka na lang nag hihisterical?" sabat ni Chu na nakaupo sa couch sa kanang bahagi ng opisina ko katabi si Kristen. Si Destiny naman ay nakatayo habang nakasandal malapit sa floor to ceiling glass wall ng opisina ko.

Silang tatlo din ang tumutulong sakin para mas mapabilis ang paghahanap namin kay Lisa. Lalo na si Kristen dahil anak sya ng isang General. Ginagamit na namin lahat ng koneksyon namin para mas mapadali pero parang walang nangyayari.

"Mahirap talagang hanapin ang ayaw magpahanap" si Kristen naman yan.

"Pwes, kung kinakailangan na baliktarin ko ang Pilipinas, gagawin ko. Hindi nya pwedeng ilayo sakin ang anak ko." madiin kong sagot sakanya.

"O, baka naman may humahadlang sa lahat ng ginagawa natin?" biglang napabaling ang atensyon ko kay Destiny dahil sa sinabi nya. "What do you mean?" kunot noong tanong ko sakanya.

"Gelo" senyas nya kay Gelo na andito din sa opisina ko. Isa din ang team nya sa mga naghahanap kay Lisa.

"Ang totoo nyan, sum, ay madalas kaming may makuhang lead kung nasaan si Lisa~~"

"What!? Tapos hindi nyo manlang sinasabi sakin?" umaahon nanaman ang galit na kanina ko pa kinakalma dahil sa sinabi ni Gelo sakin.

"Pwede ba, kumalka ka muna? Patapusin mo muna si Gelo." nakairap na sagot sakin ni Destiny.

"Fine!" pag suko ko at pabalyang umupo sa swivel chair ko.

Nag fake cough muna si Gelo bago nagpatuloy sa dapat ay sasabihin nya.

"Madalas kaming may makuhang lead kay Lisa. Noong una, kaya hindi ko muna agad pinagbibigay alam sayo ay dahil gusto ko muna makasigurado. Ngunit sa tuwing malapit na kami sa lugar kung nasaan si Lisa ay bigla na lang syang nawawala sa mga address na nakukuha ko. Hanggang sa paulit ulit na syang nangyayari kaya may kutob na kaming may mali sa nangyayari." mahabang paliwanag ni Gelo.

"May mali? What do you mean? May humaharang sa mga lead na nakukuha nyo?"

Tumango muna si Gelo bago nagpatuloy "Yun ang hinala namin."

"At tignan mo itong na'retrieve namin na CCTV" inabot sakin ni Destiny yung tablet na hawak nya at doon nag pe'play ang kuha sa isang CCTV footage kung saan may isang color orange ford ranger ang tumapat kay Lisa at sapilitan syang kinuha. Napahigpit ang hawak ko sa tablet na kulang na lang ay madurog ito mismo sa kamay ko.

Napupuno ng galit ang pakiramdam ko sa kaisipang nasaktan si Lisa sa pagpipilit sakanyang ipasok sa loob ng sasakyan. Helpless. Bullsh*t! She's pregnant for pete sake.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Where stories live. Discover now