Chapter 6: Health Condition

3.3K 183 25
                                    

Lei's POV

"Go to your room. Take a bath and change your clothes. We will go after 30 mins." yun lang ang sinabi nya at umalis na sya.

Huh? Tinignan ko yung itsura ko. Katatapos ko lang din naman maligo. Kaso kanina pa yun. Ni hindi manlang sinabi kung saan kami pupunta.

Dumiretso na lang ako sa kwarto na ginagamit ko at naligo. Namili ako ng pwede kong maisuot kaso wala akong mapili. Puro mga pantalon at blouse lang ang meron ako. Knowing Jennie? Malamang hindi sa mga pipitsuging lugar kami pupunta.

Napangiti ako ng makita ko ang simpleng floral dress na binigay sakin ng bestfriend ko nung kaarawan ko last year. Ito ang sinuot ko at isang doll shoes. Tanging powder at lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko. Inayos ko lang ang buhok at bangs ko. Ok na 'to.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko doon si Jennie na parang inip na inip na naghihintay. Nakasuot sya ng isang white v-neck na pinatungan ng black leather jacket, Pants at boots. Tinernuhan pa nya ng dark sunglasses. Grabe! Tao paba sya? Sobrang gwapo nya, I mean ang ganda pala. No wonder, nahuhumaling ang mga lalaki lalong lalo na ang mga babae sakanya.

Nakatitig lang sya sakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakatitig lang sya sakin. Hindi ko makita ang expression nya kasi natatakpan sya ng dark sunglasses nya. Bigla tuloy akong nahiya. Mukha akong katulong kung itatabi ako sakanya.

"C'mon Lisa, let's go." yun lang at lumabas na sya. Dumiretso sya sa kanyang bugatti la voiture noire. Grabe! Sobrang ganda. Parang ayokong sumakay kasi baka magasgasan. Tricycle at Jeep lang naman ang sinasakyan ko eh.

Pagkaupo ko sa backseat ay nakita ko syang nagtanggal ng sunglasses nya. Nakatingin lang sya sakin sa rear mirror. Ang lamig ng mga mata nya. Napalunok ako. Grabe tong babaeng 'to, wala ka manlang makikitang kahit na anong emosyon sakanya.

"What do you think your doing?" cold nyang sabi sakin.

"H-huh? B-bakit?"

"Tsss I'm not your driver, Lisa. Dito ka sa passenger seat."

Sinunod ko na lang yung gusto nya. Dali dali akong lumabas ng backseat at tumabi sakanya sa harapan.

Kanina pa ako nakalipat pero hindi pa kami naalis. Naramdaman ko na lang na unti unti syang nalapit sakin. Bigla namang tumibok na parang tanga tong puso ko. Jusko kumalma kayo. Pero ako mismo ata ang hindi maka'kalma. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Is she g-goin to~~~~~ OMG!!!! Pinikit ko na lang yung mga mata ko at bahala na kung ano ang mangyayari.

Pero ilang saglit pa ng bigla na lang ako nakarinig ng isang "click". unti unti akong nagmulat at doon ko na lang napagtanto na yung seatbelt ko pala yung inayos nya. Jusko naman, Lisa Lei, anong kagagahan yun? Nakakahiya ka. Ano ba akala mo? Hahalikan ka nya?

Tinignan ko sya at nakita kong nakangisi sya habang nag da'drive. Nakakahiya talaga.

Wala ng nagsasalita samin habang nasa byahe at tumingin na lang ako sa labas.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Where stories live. Discover now