Chapter 19: Hopeless

2.3K 114 14
                                    

⚠Warning: Sensitive content⚠

Lisa

Matulin na lumipas ang mga araw dahil anim na buwan na simula nung maipanganak ko si Hariette.

Mahirap magpalaki ng bata lalo na't wala akong katuwang. Tanging si aling telma lamang ang kasama ko at gumagabay sakin, minsan naman ay si Sandy kapag dinadalaw nya ako rito.

Kasalukuyan akong naglilinis ng mga baby bottle ni Hariette dito sa kusina habang tulog pa ito. Mas madalas kasing gising ito sa gabi o madaling araw. Kulang ako lage sa tulog pero ayos na ayos lang, dahil sobrang sarap naman sa pakiramdam pag nakikita ko ang anak ko. Si Sandy naman ay nakaupo lamang sa counter top.

"Lisa, do you have any plan about Hariette's christening?" biglang tanong ni Sandy sakin habang may kagat kagat na mansanas.

Naisip ko na rin iyon matagal na. Lumalaki na si Hariette ngunit hindi ko pa sya napapa binyagan.

"Meron naman. Kaso paano? Hindi naman kami maaaring lumabas." malungkot kong sagot sa kaibigan ko. Actually, matagal ko na talagang balak mapabinyagan ang anak ko. Kaso hindi ko alam kung paano ko iyon magagawa.

"I have a plan" nakangiting sabi nito sakin.

"Huh? Ano naman iyon? At paano? Alam mo namang daig pa namin ang preso dito. Tsaka ayoko naman na pati ikaw ay mapahamak. Kahit na kaibigan mo ang lalaking yon, kayang kaya ka parin nyang saktan" mahaba kong sagot kay Sandy.

"Basta. Trust me on this ok?" tumango na lamang ako dito at pinagpatuloy na ang aking ginagawa.

"So totoo nga. Naka panganak kana." bigla akong napapitlag pagka rinig ko sa boses na iyon. Hindi ko alam pero kinakabahan nanaman ako.

"Lawrence, hey bro, how are you?" agaw pansin dito ni Sandy dahil ramdam nito yung takot ko sa lalaking kaharap ko.

"I'm good sands. I'm good. Lalo na ngayon na may isa nanaman akong alas laban sa wala kong kwentang kapatid." sagot nito kay Sandy na may ngisi sakanyang mukha na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Asan ang bata?" diretsong tanong nito sakin na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

"P-parang awa mo na, Lawrence. Huwag ang anak ko. P-please k-kung sasaktan mo sya, a-ako nalang. H-huwag mo syang idamay." pautal utal kong pag mamakaawa dito.

Biglan naman itong tumawa na parang may nakakatawa sa sinabi ko. "Don't worry, wala PA akong gagawin sakanya. Gusto ko lang syang makita. Afterall, that bastard is my niece."

Bigla itong tumalikod at nakita kong papunta ito sa direksyon ng kwartong ginagamit namin ni aling telma. Sa sobrang taranta ay nabitawan ko na ang mga hawak kong baby bottle at tumakbo papunta sa anak ko.

Nakita kong gising na si Hariette at pumalahaw ito ng iyak pagkakita kay Lawrence. Marahil ay natakot din dito ang bata.

Dali dali kong kinuha ang anak ko para patahanin. "Kamukha kamukha nya ang kanyang ina." may galit sakanyang mga mata habang nakatingin sa anak ko.

Niyakap ko naman si Hariette ng buong pag poprotekta "Parang awa mo na, huwag mo sanang idamay ang bata" pakiusap ko sa taong kaharap ko kahit na alam kong hindi nya ako pakikinggan dahil isa syang demonyo.

"Hey, rence, stop that. Tinatakot mo ang bata." buti na lamang ay nandito si Sandy. Pag nandito sya ay para akong bata na nakahanap ng kakampi.

"Don't worry, I will not do anything to that little bastard. Not yet. Darating din ang araw na mapapakinabangan ko ang anak ni Summer laban sakanya"

Pagkatapos nun ay lumabas na ito ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano dahil hindi nya naisipang saktan ang anak ko. Sa ngayon. Ngunit hindi ko hahayaan mangyari ang bagay na iyon. Magkakamatayan na kami pag sinubukan ng hayop na yun na galawin kahit dulo ng daliri ng anak ko.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon