Chapter 20: Hope

2.6K 151 34
                                    

Lisa

Parang hangin sa bilis na lumipas ang panahon. Dalawang taon. Dalawang taon na simula ng maging miserable ang buhay ko.

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit nangyayari samin ng anak ko ang ganitong buhay. Kung pinagkatiwalaan ko lang sana noon si Jennie ay hindi ito mangyayari. Kung pinakinggan ko lang sana sya.

Nandito ako sa loob ng kwartong tinutuluyan pa rin namin hanggang ngayon ng anak ko kasama si aling telma. Nagtutupi ako ng mga nilabhan kong damit ni Hariette. Habang sinasalansan ko ang kanyang mga damit ay nakita ko ang picture na halos gabi gabi kong iniiyakan.

Picture ito ni Jennie na nakuha ko sa library ni Lawrence ng minsan akong naglinis doon. Nahulog ito sa isa sa mga folder na nililigpit ko. Kinuha ko ito at ikinatago tago upang hindi makita ng demonyong si Lawrence.

Kinakausap ko tong picture nya na para bang kaharap ko lang sya. Nagsusumbong ako sakanya sa tuwing uuwi si Lawrence dito ng lasing at walang awang pagsasamantalahan ako. Napaka hayop nya. Sobra. Paulit ulit nya akong binababoy dahil sa pamamagitan daw niyon ay mawawasak nya si Jennie.

Lage ko din itong pinapakita kay Hariette. Kahit dito manlang sa picture ng mimi nya ay makita nya ito. Napakarami din nyang tanong sakin minsan tungkol sa mimi nya ngunit hindi ko naman ito masagot. Tulad ng kung bakit daw kami nandito at hindi kasama ang mimi nya.

Masakit din sakin na nakikita ng anak ko minsan kung paano ako pagbuhatan ng kamay ni Lawrence. Minsan pati ang anak ko ay dinadamay nya. Mas gusto kong ako nalang ang masaktan wag lang ang bata.

Si Sandy naman ay madalang na kung bumisita dahil pinagbabantaan daw sya ni Lawrence. Nahuli nya kasi kami ni Sandy dati na nagtatangkang tumakas. Kaya lang nakakapunta ito dito kapag wala ang demonyo.

Itinago ko ng muli ang picture dahil tapos na rin akong magsalansan ng mga damit ni Hariette.

Palabas na sana ako ng may mapansin ako sa ilalim ng unan na ginagamit ni aling telma.

Nilapitan ko ito dahil nakita kong nailaw ito. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang cellphone ito ng matanda. Luma na at de keypad ngunit nagana pa.

Kinakabahan na kinuha ko ito. Sinilip ko muna ang labas kung may bantay ba dito. Nang masigurado na walang tao ay dali dali kong dinial ang number sa mansion ni Jennie. Kabisado ko pa naman ang landline number dito, sana lang ay ito pa rin ang number sa mansion.

Kumakabog na parang drum ang puso ko sa sobrang kaba na baka mahuli ako. Tiyak na masasaktan nanaman ako pag nagkataon.

"Please naman sagutin nyo" kinakabahang usal ko habang kagat kagat ang kuko sa hintuturo ko.

After 5 rings ay may sumagot na din sa kabilang linya.

"Hello? Sino ga ito?"

Sagot ng boses babae sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino 'to dahil mas importante na makausap ko si Jennie

"H-hello? Nandyan ba s-si Jennie? M-maari ko bang makausap?" pautal utal kong tanong sa taong kausap ko sa kabilang linya.

"Sino kaba day? Bakit gustu mu makausap si mam jini?"

"Si Lisa 'to. Please kailangan ko syang makausap. Paki bigay sakanya ang phone" bakit ba ang dami nya pang tanong? Naiiyak na ako dahil kailangan na kailangan kong makausap si Jennie.

"Pasinsya na day, wala ga ditu si mam jini."

"Huh? Nasaan sya? Kailangan kailangan ko syang makausap parang awa mo na."

"Lisa? Parang narinig ku na ang pangalan mu peru pasinsya na talaga huh, Hindi ku alam kung nasaan si mam eh. Pwede mong sabihin nalang sakin kung ano yung sasabihin mu. Pangako ipaparating ku sakanya"

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Where stories live. Discover now