“Hindi sila bagay, mas bagay sila ng ka-lt niya. Isa pa, mukha namang yaman lang ang mayroon ang babaeng yun.” This is what I hate sometimes. That people think I’m just rich and I have nothing to give.
 

“Rumored lang naman. Hangga’t walang nilalabas na statement ang Manager niya or siya ay wag tayong maniniwala.”
 

“Ah, basta. Hindi sila bagay. Kapag nakita ko talaga yung babaeng yun, baka mabato ko siya ng itlog!”
 

“Grabe ka naman, tara na nga!”
 

Hearing those words pained me. Wala akong ginagawang masama sa kanila. It’s just a photo but they already hated me. I sighed before I open the door of the cubicle Ilang beses ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. “You came here to work, Sky. So, focus, okay?” Pangaral ko sa sarili ko sa harap ng salamin. I breathed, over and over again before I decided to go out.
 

Pumunta ako dito para magtrabaho. Magpapanggap na lang ako na walang narinig. Ngumiti ako sa taong nasa loob ng dressing room. May sariling glam team si Ms. Alexsha kaya hindi ko kailangan na mag-aalala sa magiging itsura ko sa photoshoot. Marunong na akong mag-ayos sa sarili ko. Isa ‘yon sa mga inaral ko ng husto nong mga linggo na nagtatago ako kay Dylan.
 

Sabi ng make up artist ay nasa kabilang room ang makakasama ko. May dala raw itong sariling glam team. May pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari. But I ignored that feeling. Hindi ako makakapag-focus kung may iba akong iniisip.
 

 Nang makita ko ang taong sinasabi ng glam team ay hindi na ako nagtaka. She’s one of the bratty person I’ve ever meet. Krizzel Bustamante, ang nag-iisang Ate ni Kaiffer. I can see how her eyes change when she saw me. Well, the feeling is mutual. Hindi ko lang gagawin ang magmaldita dahil nasa trabaho ako. When will she get mature?
 

Pinaliwanag ni Gab ang concept at kung ano ang gusto niyang gawin namin ni Krizzel. Kaming dalawa muna ang mauuna bago ang group photoshoot. Ngiting aso lang ang ibinigay niya sa akin ng magtabi kami.
 

Pinagkatiwalaan ako ni Ms. Alexsha na tanggapin sa company niya kaya takot akong gumawa ng hindi maganda. As much as I want to slap the woman beside me, I need to calm down my nerves.
 

“Stay away from Dylan,” mahinang bulong niya ngunit ramdam mo ang inis. Kung saan man nanggagaling ang inis na yun ay hindi ko alam.  Is he Dylan’s girlfriend? Kahit hindi niya sabihin ay ilang linggo ko ng ginagawa ang paglayo kay Dylan. And I won’t tell her that. Alam ko naman na ikakatuwa niya ang bagay na yun.
 

“Be professional, please.” Ganti ko naman then I ignore her.  Ayaw kung mapansin ni Gab na may tension sa aming dalawa. Contractual model lang ako dito, ayaw kung masira ang tiwala na binigay nila sa akin. I won’t let Krizzel ruin that trust.
 

Napadaing ako ng matapakan ako ni Krizzel. We’re wearing a high inches heels. Hindi mapapansin ni Gab ang pagtapak na ginawa ni Krizzel dahil sa haba ng mga gown na suot namin.

 
“Ayos ka lang ba, Sky?” nag-aalalang tanong ni Gab sa akin.
 

“Opo, sorry,” pilit ngiti kung sabi kahit na ramdam ko pa ang sakit.
 

Alam ko na sinadya ni Krizzel na gawin yun. Kahit dati pa ay madalas kaming magkaalitan ng babaeng ‘to. She’s so immature. Akala ko sa paglipas ng taon ay magbabago na siya, ngunit ganun pa rin. Mas lumala lang.
 

Tahimik lang ako nakikinig sa mga sinasabi ni Gab. Kailangan ko lang magtiis ng ilang oras. Ilang beses na rin ako napabuga ng hangin. I need to prolong my patience.
 

Kapag ginantihan ko ang babaeng ‘to, makakakuha lang kami ng atensyon. Palalabasin niya pang ako ang may kasalanan. She always play dirty. Kahit gustong-gusto ko na siyang gantihan ay hindi ko pwedeng gawin.
 

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Sep 02, 2022 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Make You Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें