MYM-4

175 18 1
                                    

Sky
 
 

Nakatayo lang ako sa harap ng building nila Dylan. Gusto pa akong samahan ni Daddy pero kailangan niya na din umalis. Kailangan kasi siya sa meeting. What should I do? Should I really need to do this? Wala akong i.d kaya hindi ako papasukin ng guard. The only thing that I need to do now is call him.
 

Nag-aalangan pa akong mag-dial ng number niya. But here I am waiting for him to answer the call. Nang hindi siya sumagot ay nagtipa ako ng mensahe. It’s okay Sky, you can do this. Sasapakin ko talaga si Kuya dahil sa pabor niya na ‘to.

 
Hi, this is Sky. I’m here for my brother’s favor. I can’t get in, can you go down?

 
Pumikit ako at pinindot ang send button. Nag-antay ako ng ilang minuto. When he’s name flash on the screen of my phone. He’s calling.
 

“Where are you?”

 
“At the entrance.”

 
“Okay, I’ll be there in a minute.” Sabi nito at pinatay ang tawag. Kumuha ako ng mask sa condo ni Kuya  kanina. Hindi sa nahihiya ako. Ayaw ko lang na matandaan ng mga tao dito ang mukha ko. Sa tinagal tagal ni Kuya sa showbiz, ngayon lang ako nagpunta sa building nila.
 

Hindi nagtagal ay nakikita ko na siyang papalabas. Pumunta ito sa gawi ko at tinulungan akong buhatin ang mga dala ko.
 

“Bakit ikaw ‘yong pinadala ni Tim?” Dismayado ba siyang ako ang nandito. Dapat pala hindi na ako pumunta.
 

“Hindi ko rin gusto na nandito ako.” Pabalang kong sagot.
 

“No, no, that’s not what I mean. Sorry, if I offended you. I wasn’t expecting this...
 

“We both didn’t expecting this, sa susunod wag mo nang ipahiram ang P.A mo kay Kuya. Hayaan mo siyang maghanap ng sarili niyang P.A.” Alam ‘kong mahirap kumilos mag-isa lalo na kapag kaliwa’t kanan ‘yong events nila. Ang dami naming dala. Hindi ko na nabilang kung ilang pares ba ng damit ‘yong dinala ko. Sinunod ko lang ‘yong utos ni Kuya.
 

Nagmadali kaming pumasok sa dressing room niya. May isa pa siyang kasama. Wala naman akong interes na kumilala sa mga kapwa niya artista. Gusto ko na lang na matapos ang araw na ‘to. Ang dami naming nakasalubong sa hallway kanina. ‘Yong iba medyo familiar sa akin dahil sa nakikita ko ang mga mukha nila sa billboards.
 

May isa pa siyang kasama sa dressing room. They are all busy para mapansin pa ako. Much better for me, as much as possible ayaw ko na makakuha ng atensyon ng mga tao dito. Mabuti na lang at kasya sa kanya ang damit ni Kuya. I opened the two buttons of his polo. Too formal kapag naka-closed button. Ang sabi niya kakanta siya with his loveteam.
 

“I don’t put too much make ups. I hope it’s okay with you.” For me, the simpler, the better. Hindi ko din naman alam kung paano siya ayusan ng glam team niya. Besides, lalaki siya kaya madali lang ayusan.
 

I fixed his brows para maayos tingnan. Given talaga sa mga lalake ‘yong makakapal ang kilay. Then I put some natural tint on his lips. ‘Yong halos kakulay lang ng labi niya. May pumasok na isang staff at sinabing kailangan na nilang mag-ready sa back stage.
 

“You look good man!” Sabi ‘nong Raven. Narinig ko kanina nang tawagin siya ni Dylan.
 

“Yes, I am.” Napairap ako sa kawalan. Tiningan ko siya ng maayos for me to check kung ano pang kulang. He’s wearing a lilac suit with white polo inside that match his looks.

 
Pagdating namin sa backstage ay naroon na ang kanyang ka-love team. Nakatayo lang ako sa gilid inaantay na umakyat siya ng stage. Nabanggit niya kanina na after nito ay may commercial shoot siya. I hope Kuya will be here as soon as possible.
 

Make You MineWhere stories live. Discover now