MYM-3

184 13 1
                                    

Sky
 

 
Gabi na nang makarating kami ng Batangas. Kasalukuyan kaming nasa theater room nila Mamu ngayon. Katatapos lang naming mag-dinner. Isa ito sa nagiging libangan ng pamilya ang magsama samang manood sa theater room. Ngunit sa ngayon ay kaming magpipinsan lang ang nandito. Ang mga magulang namin nasa baba, may sarili din silang bonding.
 

Hindi pa kami kompleto dahil ang karamihan sa mga apo ni Mamu ay busy sa kani-kanilang trabaho. ‘Yong mga pinsan naming mga Doctor at Lawyer. Sobrang busy ng mundo nila. Minsan lang sa isang buwan namin sila nakakasama.
 

“Parang tumaba ka Sky.” Puna ni Harley
 

“Talaga ba? Hindi ko kasi pansin.” Ganun ata talaga, mas unang napapansin ng iba ‘yong pagbabago sa’yo.
 

“Pinansin niyo naman. Papayat na naman yan.” Sagot ni Kuya. Hindi naman talaga ako mataba. Kapag nagkakalaman laman ako hindi ‘yon pinupuna nila Mommy. Nagkakasakit daw kasi ako. Nabubuyag daw, hindi ko alam kung gaano katotoo ‘yon.
 

“Don’t stress yourself too much, Sky. Mas bagay sa’yo kapag ganyan na malaman laman ka.” Sabi ni Harley
 

“Oo na, wag niyo na lang punain sa sunod. Alam niyo naman sila Mommy, baka mabuyag na naman ‘yong pagtaba ko.” Halos maitapon ni Hera ang popcorn ng sumigaw si Shayne. Sobrang tutok niya kasi sa screen.
 

“My goodness Shay! Mababasag eardrums namin sa’yo.” Pagrereklamo ni Hera. Mas malakas pa kasi ang sigaw ni Shayne kaysa sa audio ng pinapanood namin.
 

Nag-peace sign lang siya at muling itinuon ang atensyon sa pinapanood.
 

“Hey! Okay ka lang ba? Parang ang tamlay mo.” Tanong ng pinsan ‘kong si Hera.
 

“Pagod lang siguro sa biyahe.” Sagot ko, sumabay pa ang monthly period ko. Kaya siguro ganito.
 

“You can sleep naman. Gisingin na lang kita kapag tapos na ‘yong movie.”
 

“Okay lang, kaya pa naman ng mata ko.” Hindi naman kami madalas na magkakasama. Ano man lang na magtiis ako ng ilang oras para maka-bonding sila.

 
“Ang ganda ng flower na binigay mo kay Lola. Sa Dangwa mo ba binili ‘yon?”
 

“Hera naman!” Maktol ko, naalala ko naman ‘yong pangyayari kanina.
 

“Why? I’m just asking, Sky. Napaka-grumpy mo.” Bumuntong hininga ako, ayaw ko na kasing maalala ‘yon. Nakakahiya, nag-assume ako agad na sinusundan niya ako. Dahil pala ‘yon sa may tagos ako. Alam ko ang oa ng reaksyon ko. Pero kasi…. Argh! Basta nakakahiya!

 
“Sorry,” hinging paumanhin ko. “Masakit lang puson ko.” Well, I’m not lying. Pero hindi ko na iku-kwento ‘yon. Nakakahiya kaya. Alam kong hindi nila ako titigilan biruin. I know that they know him. Sila kaya ang mahilig na makihalobilo sa mga showbiz friend ni Kuya. Parang sila ‘yong kapatid. Ako lang naman itong out of the world ang mga gusto sa buhay.
 

“Monthly period?” Ito namang si Hera parang hindi babae. Kailangan pa bang itanong ‘yon. Argh! Dylan! Kasalanan mo talaga ‘to.
 

“Um, oo, punta muna akong kitchen. Kukuha ako ng mainit na tubig. Masyadong malamig dito sa theater room.” Hindi naman sobrang sakit ng puson ko. Kaya ko naman pero sobrang lamig ng aircon dito sa loob. Pakiramdam ko kinakabag na ako na hindi ko maintindihan. Dala marahil ng monthly period ko.
 

Bumaba ako sa ika-unang palapag. Nasa third floor kasi ang theater room. May elevator din ang bahay nila Mamu. Ginawa ‘yon para sa kanila ni Papay. Natatakot din kasi sila Mommy na baka mapano sila sa hagdan. Malakas pa naman silang mag-asawa pero kailangan pa din nilang mag-ingat.
 

Make You MineWhere stories live. Discover now