MYM-12

156 12 2
                                    

Sky
 

 
For the past few months sobrang naging busy ako. Sa tuwing may bakanteng oras o araw ako at may sinasabi si Jeoff na nangangailangan ng model ay pumupunta ako. Nagsimula na rin akong mag-practice ng runway walk. Ang dami ko ng pinanood na mga fashion shows.
 

Last year ko na sa school. Dahil gusto kung mag-enjoy ay sumama ako sa cheering squad. Ilang araw na kaming nagpa-practice. Masakit na ang katawan ko dahil isa ako sa mga flyers. Last na sumali ako ay first year pa ako. And this is the second time. Nag-audition ako para dito. I don’t want them to think that I’m using my position as the daughter’s owner of this school.
 

Sabi ni Mommy ay dalhin ko na yung kotse kapag nagpa-practice kami. Gabi na kasi akong nakakauwi ng condo. Ayaw ko naman na bigyan ako ng driver. Masyadong abala kung ganun. Kaya ko naman.
 

May mga patch na sa legs at braso ko dahil nananakit at nagkapasa na sa tuwing namamali ng salo or kaya’y nauumpog ako sa mga kasama ko.
 

“See you tomorrow, guys!” sabi ng mentor namin. It’s pack up time.
 

“Are you okay?” Bien asked. Isa siya sa mga sumasalo sa akin.
 

“I’m fine. Gutom nga lang. I’ll go ahead. Bukas ulit.” I bid my goodbye and go to the parking lot. Gusto ko ng kumain. Pawis ako kaya sa condo na lang ako kakain.

 
Mabilis lang akong nakarating sa condo. Gusto ko na lang na mag-teleport papunta sa unit ko. Nakayuko akong pumasok ng elevator. Nakatakip sa mata ko ang sombrero. Pumunta ako sa gilid na part. Feeling ko kasi ay maamoy na ng kasabay ko ang pawis ko. Nakashort at t-shirt lang ako. Kita pa ang patches sa legs at binti ko. Gusto ko na talagang kumain.
 

“Langit,” pagtawag sa akin ng katabi ko. Hindi ko na kailangan na lumingon. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng langit.
 

“Bakit?”
 

“Okay ka lang?”
 

“Gutom ako. Kaya wag mo akong aasarin at baka kainin kita dyan.” At ang baliw bigla na lang tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
 

“Bakit may mga patches ka?”
 

“Cheerdance.”
 

“Nice, okay pa mga buto mo?” Hinampas ko nga ng bag.
 

“Mukha bang na-dislocate mga buto ko?” Sa ilang buwan ko dito sa condo ay mas naging close kami ni Dylan. Pero madalas akong mapikon dahil sa pang-aasar niya. Katulad na lang ngayon.
 

“Ito naman, pikon agad.”
 

“Gutom ako. Kaya tigil tigilan mo ako.”
 

Pagbukas ng elevator ay nauna akong lumabas. Pero dahil magkatabi lang ang unit namin ni Dylan at mas lamang na mahaba ang legs niya kaya naabutan niya pa din ako.
 

“Amoy pawis ako. Keep a distance.”
 

“Normal naman ‘yon. Tao ka kaya.” Minsan talaga ang sarap i-stapler ng bibig nitong si Dylan.
 

“Dylan Antonio!”
 

“Present po,” taas kamay niya pang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nakaharang sa mukha ko yung box ng pagkain. Kinuha nito ang kamay ko at pinahawak ang box nung pagkain. “Bayad yan sa pamimikon ko. Eat well, Langit.” Sabi nito at saka pumasok na sa kanyang unit.
 

Pumasok na lang din ako sa loob ng unit ko. Dahil sobrang nagugutom na ako. Binuksan ko yung pagkain na binigay ni Dylan. It’s a Japanese food. Masyadong marami para sa isang tao. Kumuha ako ng food container. Bibigyan ko na lang ang baliw na ‘yon. But after I get the food container, I received a text message from him. Saying that I don’t need to give him food. Kumain na raw kasi siya.
 

Make You MineWhere stories live. Discover now