MYM-13

117 16 1
                                    

Sky
 
 

Ilang oras na kaming nagba-biyahe at hinayaan lamang ako ni Dylan na umiyak. Pinasuot niya rin sa akin ang sumbrero niya. Pwede ko raw itakip sa mukha ko kung sakaling nahihiya akong makita niyang umiiyak. He didn’t asked why I am crying. And I am thankful for that. Hindi ko kayang ipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. At mas lalong hindi ko kayang sabihin kay Dylan. Sobrang hapdi na ng mga mata ko. Paulit ulit sa isipan ko ang mga nangyari.

 
Hindi ko alam kung saan ang tungo namin. I don’t have an energy to ask. Kasi pakiramdam ko sobrang pagod na pagod na ako. Na kahit magsalita ay hindi ko na kayang gawin. I’m just looking outside the window.
 

Sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising akong nasa biyahe pa rin kami. And when I looked outside, the sun is already risen. Umaga na. Tumingin ako kay Dylan at seryoso lang itong nakatingin sa kalsada.
 

“Saan tayo pupunta?” Gabi ng umalis kami ng Manila at umaga na ngayon. Gaano kalayo yung pupuntahan namin at hanggang ngayon ay nasa biyahe pa rin kaming dalawa.
 

“Isabela,” did I hear him right? Ang layo nun.
 

“That far?”
 

“Sabi mo gusto mong pansamantalang lumayo. Gutom kana ba? May pagkain sa likod.” I looked at him for a few seconds. Hindi ko naman alam na ganun kalayo ang pupuntahan namin.
 

“Kaya mo pa bang mag-drive? S-orry.” I think I disturb Dylan. Alam ko na busy rin siya sa trabaho niya. I know that showbiz industry is not that easy. Nakita ko yun kay Kuya.
 

“Why are you apologizing?” He looked at me with his confused eyes.
 

“For dragging you here. Wala ka bang shoot?” Namamaga na yung mata ko sa sobrang pag-iyak kagabi.
 

“You don’t have to apologize. Wala ka naman kasalanan. If I didn’t help you, alam kung uusigin ako ng konsensya ko.”
 

Nagpasalamat ako sa kanya at muling tumingin sa bintana. Kinuha ko rin yung pagkain sa likod dahil nakaramdam na ako ng gutom. Sobrang lalim nga ata ng tulog ko, hindi ko namalayan na huminto si Dylan para bumili ng pagkain.
 

“Langit,” Dylan called me.
 

“Bakit?”
 

“Pwede paabot ng tubig?”
 

“Okay.” Nagbukas ako ng bottled water at ibinigay sa kanya. “Anything else?” I asked.
 

“Wala na, kumain kana ulit.” Nakangiting sabi niya.
 

“May bahay ka ba sa Isabela?” Kung sa mga resort lang kami pupunta. Marami na kaming nadaanan.
 

“Wala, pero nandun ang magulang ni Papa.”
 

“Palagi ka bang nagpupunta doon?”
 

“Hindi, pang-apat na beses pa lang ‘to. Since Papa died, I didn’t have a chance to go back there. Ngayon ulit.” Tumango na lang ako. Naikwento na ni Dylan dati na matagal ng patay ang Papa niya. Akala ko talaga dati si Raven ang madaldal pero simula ng maging kaibigan ko si Dylan, siya talaga yung sobrang daldal.
 

“Okay lang ba na doon tayo pumunta?” Wala naman siyang nabanggit tungkol sa Lolo at Lola niya. But I just want to know.
 

“Of course. How are you feeling?”
 

“Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.” Yung akala ko gagaan yung pakiramdam ko dahil sa pag-iyak. Hindi pala. Lalo na ng mapansin ko ang pamamaga ng pisngi ko. It’s a proof that I’m not dreaming. That what happened last night was true.
 

Make You MineWhere stories live. Discover now