Chapter 37

196K 3.1K 29
                                    

Her POV


Nagising ako ng hindi ako makahinga. Pagmulat ng mga mata ko ay sumalubong sa akin ang mukha ni Dmitri. Ayan na naman siya sa waking technique niya.



"Good Morning, sweetie. Hurry up and we need to go." Excited na sabi nito. Doon ko lang nakita na nakabihis na siya. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong 5 AM palang naman. Ano kaya binabalak nito?



"Pwede 5 minutes pa? Inaantok pa ako eh!" reklamo ko. Eh sa ayaw kong bumangon. Nakakatamad eh.



"5 minutes? or 5 hours?" tanong nito. I just rolled my eyes. Gusto ko pang matulog eh!



"Sweetie, come on!" pamimilit niya pero di ko siya pinapansin. Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako ng bridal style at tinungo ang banyo.



"Are you really tired sweetie?" tanong niya at nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya. Tumango ako habang kinukusot ang mga mata ko.



Ang kanina'y pag-alala sa kanyang mga mata ay napalitan iyon ng isang mapaglarong tingin.



"Since you're REALLY TIRED, It's a pleasure to clean you up sweetie." sabi niya at akmang lalapit sa akin ng tinulak ko siya palabas ng banyo.



"Sino nagsabing pagod ako? Ang dami ko ngang energy oh! Sige labas! Shoo Shoo!" pagpapalabas ko sa kanya. Tumawa lang ang loko at nagnakaw pa ng halik bago isinara ang pinto.



Naligo na ako pero may isang bagay akong napansin. Wala dito ang towel ko! Naku!!!!



"DMITRI! ANG TOWEL KO!" sigaw ko baka nasa labas siya't marinig ako.



Pero ilang tawag na ang ginawa ko pero walang sumasagot. Baka bumaba na iyon. Kaya naglakas loob akong lumakad palabas ng banyo.



Pero bumungad sa akin ang isang lalaking may mapaglarong ngiti sa kanyang labi habang hawak ang tuwalya. Agad ko namang tinakpan ang katawan ko.



"Hiding will not change the fact that I already saw and touch that." sabi niya at itinaas baba ang kilay nito. Agad ko namang inagaw sa kanya ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko't dumiretso sa walk-in closet at naghanap ng maisusuot..



"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero di naman siya sumasagot. Kumuha lang ako ng isang simpleng shirt at shorts.



"You're wearing that?" di makapaniwalang tanong nito habang tinitingnan ako.



"Oo bakit masama ba?" tanong ko pabalik. Umiling-iling lang siya't tumayo. Naglakad ito sa lugar kung saan may dalawang nagsilakihang maleta na ngayon ko lang napansin.



"Let's go." sabi nito at sumunod lang ako.



"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero sabi niya lang ay 'secret' daw.



Bumiyahe na kami ng hindi manlang kumain kaya kinulit ko siya na pummunta muna sa isang drive-thru fast food chain.



"What do you like sweetie?" tanong nito. Napaisip naman ako ng ilang sandali.



"Gusto ko ng dalawang large fries, 2 pc chicken, spaghetti, Large coke float, at dalawang pancakes." saad ko na dahilan para ngumanga si Dmitri.



"Are you sure you can eat all of those stuff?" tanong nito sa akin.



"Tinanong-tanong mo pa ako kung ano ang gusto ko tapos rerekla-reklamo ka? Edi wag na lang!" nagtatampong sabi ko. Pero sa huli ay binili niya naman ang lahat.



Kumakain ako habang nagda-drive si Dmitri sa lugar na di ko alam. Sinusubuan ko lang siya habang nagda-drive siya.



"Nga-nga!" sabi ko sa kanya habang ipinapasubo sa kanya ang kutsarang may lamang kanin at chicken. Ngumanga naman siya't sinubo iyon.



Iisang kutsara't tinidor ang ginagamit namin. Share-share na lang kami tutal marami-rami din yung inorder ko.



Ngumunguya na ako ng pagkaing kakasubo ko lang ng biglang may sinabi si Dmitri.



"If you want to kiss me, directly kiss me. Don't need to use a spoon for indirect kissing. " sabi nito na dahilan para muntikan ko nang mabuga ang kinakain ko.



Kung ano ano ang pinagsasabi nito!



Nang makatapos kaming kumain ay kinulit ko siya kung saan ba talaga kami pupunta... Somewhere over the rainbow daw. Nababaliw na yata ito! Sayang at gwapo pa naman.



Di ko namalayan ay nakatulog na ako.




—————————————————————————————————————-

Short UD lang po ito... Sorry kung di na ako palagi nakakapag-update. Marami kasi akong ginagawa..


So sa lahat ng gustong magpa-dedicate, message me!




The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon