Chapter 17.2

233K 4.1K 62
                                    

Her POV


Naglalakad kami ngayon habang nag-iisip kung anong ride yung uunahin namin. Napag-isip kong unahin sana yung space shuttle kaso baka mamatay na sa nerbyos itong katabi ko.


"So saan tayo?" tanong ko sa kanya baka may suggestion siya.


Nagpalinga-linga siya at nakikita mo sa mukha niya yung kaba every time makita niya yung mga rides na nagtataasan. Nakita ko rin siyang napalunok ng ilang beses.. Tingnan nalang natin.. Mwehehehe.


"Why don't we try bumper cars?" suhestyon niya. 


"Ha? Bumper Cars? Di ba pwede sa roller coaster na lang tayo mauna?" suhestyon ko sa kanya nakita ko namang napalunok siya at tila namutla.


"We'll just deal with it later. We'll go to bumper cars first." sabi niya at nagpati-una nang lumakad. I don't think alam niya kung nasaan yung area ng bumper cars. Nakita ko siyang tumigil at umikot paharap sa akin at bumalik sa tabi ko.


"Where's the bumper cars?" nahihiyang tanong niya. Napangiti naman ako at hinila ko na siya. Ang lamig ng kamay niya!


Narating namin yung station at saka agad din naman kaming nakasakay dahil medyo kaunti lang naman yung sasakay. Pumili na ako ng sasakyan ko ng sumunod sa akin si Dmitri.


"Anong ginagawa mo?" tanong ko.


"I'm going with you." pa-cool na sabi niya. Inilagay ko yung mga kamay ko sa bewang ko at tiningnan siya.


"Maghanap ka ng sasakyan mo, Mister. Walang fun kung sasabay ka lang sa akin." sabi ko.


"Maghahanap na po, MISIS."  at nakita ko siyang tumalikod na habang kamot-kamot ang batok at naghanap ng masasakyan. Tss. Nakita kong kinausap niya yung mga kabataan na malapit at mga katabi sa sasakyan niya. Ano kaya pinaguusapan nila?


Nag-start na yung ride at ang una ko talagang binangga ay yung kay Dmitri. Nakita ko lang siyang nag-smirk. 


"GO!" sigaw niya  at yung mga cars ng mga katabi niya kanina ay unti-unti nang lumalapit sa akin kaya agad akong nag-reverse at umiwas pero ilang sandali na lang ay nasa dead-end na ako. Napapalibutan na nila ako. Huhuhu. 


"No use, sweetie. You're trapped." sabi ni Dmitri habang tatawa-tawa. At nagsilapitan na sila at i-binumo nila yung mga sasakyan nila sa sasakyan ko. Ang sakit ng leeg ko. Parang nadislocate! Naalag din pati utak ko! Huhu. Nagsitawanan naman yung ibang kabataan.


Agad namang nag-reverse ang iba at binangga ang iba pa nilang kasama. Ang natira na lang ay ako at si Dmitri sa area na ito. Hinawakan ko yung leeg ko at umaktong sobrang nasasaktan. Nang o-overacting lang ako ha! Shh lang kayo.


"A-ouch. A-aray. Ang sakiiitt." daing ko habang hinahawakan ang leeg ko. Nakita kong parang nataranta naman si Dmitri at agad itong tumayo sa car niya.


"Sir, bawal po tumayo sa sasakyan habang di pa po tapos baka mahulog po kayo." sita sa kanya ng nagbabantay. Alam niyo kung ang sinabi niya?


"I don't care! Don't tell me what to do or else you're fired." di naman umangal yung bantay. Sino ba naman ang gustong ma-fire? Agad namang lumapit sa sasakyan ko si Dmitri at sumakay.


"Hey, sweetie. Does it really hurt?" nag-aalalang tanong nito habang chine-check yung part na hinahawakan ko. Agad naman akong tumingin sa kanya and scowled at him. Piningot ang tenga nito.


"A-aaw.. Sweetie. Ouch.. Stop." daing nito at agad kong binitawan ko na yung tenga niya at saka niya hinamas himas ang parteng iyon.


"Ano na naman ang pumasok diyan sa kukote mo na pati yung iba isinabwat mo pa para lang banggain ako ha? Parang naalog yung ulo ko dun ha! Medyo masakit din yung leeg ko dahil dun." sabi ko at saka tumalikod sa kanya. Hmmp. Bahala siya diyan.


"Look, sweetie. I'm sorry okay? I just wanted to take revenge kasi ayaw mo akong sumama sa'yo sumakay sa sasakyan mo. Nagtatampo ako sa'yo." nagtatampong sabi nito. Tiningnan ko naman siya. Nakayuko lang siya habang naka-cross yung kamay niya sa may dibdib niya. Parang bata talaga.


Ngumiti na lang ako.


"Mag-seat belt kana at mamamangga pa tayo ng iba. Bilis." utos ko sa kanya at nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya at nagseatbelt naman ka agad.


Kaya ayun. Namangga kami ng ibang mga sasayan at yung katabi ko ay utos ng utos kung sino ang babanggain. Akala niya di mahirap kontrolin yung sasakyan? Natapos na ang oras at saka bumaba na kami. 


"WHOOO!!! That was fun!" masayang masaya niyang sabi. I could really tell na nag-enjoy talaga siya dun. Hahahaha. Pero utos lang naman ng utos.


"So where are we next?" tanong niya sa akin. It's time.. BWAHAHAHAHA *cough* *cough*.. Epic yung evil laugh ko.. Hehehe


"Roller coaster!" excited kong suhestyon sa kanya. Yung reaksyon niya ay yung parang mamamatay. Sobrang putla niya at parang naging balisa.. Hahaha!! 


"Uhhmm.. Where's the CR here?" tanong niya.. 


--------------------------------------------------------


The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon