Chapter 17.3

223K 4.3K 95
                                    

Her POV


Nakalabas na siya sa CR pero halata mo pa rin na kinakabahan ang isang 'to kasi maputla pa rin siya. Tinanong ko ulit kung saan kami pupunta pero alam niyo ba kung ano sagot niya?


"Wait, I saw some stalls there for shooting games, Want to try?" tapos hinila na lang niya ako doon sa sinabi niya at sinabihan niya yung nagbabantay na mag-iisang game siya.


Yung game na yun ay papuputukin mo yung mga balloons gamit ang dart. Bibigyan ka ng 10 darts. Kapag maliliit yung titirahin ng dart, stuff toys yung prize. Pag malalaki chichirya. Inilibot ko yung paningin sa prizes nila at may nakita ako..


Yung life-size teddy bear na color pink!!!!! Nilapitan ko si Dmitri at binulungan.


"Dmitri, pwede yun yung kunin mong prize?" sabay turo sa teddy bear. Kaso baka mahirap makuha noon. Kailangan mo kasi ng 10 maliliit na balloon ang paputukin.


"No worries, sweetie. Pero dapat kiss muna." sabi niya at saka ngumuso. Nagtilian naman yung ibang manonood at pati na rin yung nagbabantay.


"Para saan naman yun. Ang daming nanonood oh!" nahihiyang sabi ko. Pero ngumuso pa rin naman siya.


"Di ko gagalingan para di ko makuha yung teddy bear." nagtatampong sabi nito. Hinampas ko nga. Ang arte eh! Tumingin lang siya sa akin at lumapit.


*tsup*


"Nakalimutan mo yata yung 'isang hampas, isang kiss sa lips' rule. Mmmhh.. Tastes sweet." sabi niya habang nananamnam yung lips niya. Namula naman ako't yumuko. Eh sino ba naman yung mamumula sa ginawa niya. Kiss stealer talaga.. 


Pumusisyon na siya at focus na focus talaga. Pero bago pa siya tumira ay tumingin muna siya sa akin at nag-wink.. 


'Iiiihhh! Ang gwapo talaga!'


'Ang sweet naman nilang dalawa!'


'Sana ganun din tayo honey!'


Komento ng ibang nanonood. Di ko mapigilang mapangiti dahil doon. Tiningnan ko si Dmitri nang tumira na ito.


Siguro lahat kami na nanonood ay napanga-nga. Sunod-sunod itong tumira. Grabe! Sharp shooter! Biruin mo yung sunod-sunod na tira niya, puro maliliit na balloon ang naputok!


Pati yung nagbabantay ay di makapaniwala't natulala ito kaya nilapitan ito ni Dmitri.


"Hey, miss. I want that prize." sabi niya at tinuro yung teddy bear na gusto ko. Tila natauhan naman yung bantay at saka kinuha yung prize.

The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon