Chapter 4.1

312K 6.5K 212
                                    

Her POV

'Sh*t Sh*t Sh*t Sh*t'

Mahinang mura ko habang tinatakbo ko nna ang iilang metro ng bahay na inuupahan ko sa opisina.

'Kasalanan talaga ni Sir 'to. Kung di dahil sa kanya, di ako mapupuyat kakaisip kung ano ang isasagot ko kung tatanggapin ko ba yung offer niya o hindi.' sabi ko sa sarili ko.

'Kapal talaga ng mukha mo! Ang sabihin mo, di ka makatulog dahil pinagpapantasyahan mo ang ubod ng gwapo mong boss!' sabi naman ng utak ko.

Ahh!! Nababaliw na ako! Ganito na ba ang naidudulot pagnaka-encounter ka na ng isang gwapong, mayaman at yummy na boss?

Agad ko namang binati si Manong Guard at agad-agad na akong nag-time in but sadly,

I'm 2 minutes late!

4 consecutive lates can lead to dismissal...

4 consecutive lates can lead to dismissal...

4 consecutive lates can lead to dismissal...

4 consecutive lates can lead to dismissal...

Shoot! Lagot!

Agad naman akong tumakbo papunta sa area ko ng makita kong nandoon na ang supervisor namin.

Ng maramdaman niya sigurong nandoon na ako, lumingon siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Tila nanalo sa jackpot.

"What did I told you Ms. Lopez? 4 consecutive lates can lead to dismissal. Wait for my signal because I'm going to report this to the HR and please do clean up your area. I'm sure you'll be fired." she said habang ngumisi ng mala-demonyo.

"P-po. P-pero, dalawang minuto lang po akong late!" tinry kong kumbinsihin siya pero wala talaga..

Naluluha na ako sa nangyayari. Ito na nga lang ang trabaho ko. May utang pa sina Nanay.

Ano na ang gagawin ko!!!

"You're the supervisor, right?" narinig kong may nagsalita sa likuran ko.

Nakita ko namang nagsitigilan sa paggalaw ang iba kong ka-department maging ang supervisor namin.

Agad naman itong nag-ayos ng itsura. 

Tss. Kahit anong pag-ayos mo sa itsura mo, di pa rin magbabago ang itsura mong kulubot.

"Ehermm. Yes. Sir. I'm the department's supervisor." sabi ng malanding supervisor na 'to. May pabeautiful eyes pa, di naman bagay. Nakakasuka.

"Well, I heard you talked to Ms. Lopez. And yes, she might have 4 consecutive lates but you don't have the rights to fire her.

Starting from now on, any one, especially you old woman, can't talk like that to her.

To my fiancée.

Understood?" He hotly said that made me drool--- I mean dumbfounded.

Fiancée? 

Ako?

Hindi pa nga ako nakapag-OO, fiancée agad?

Nagpalipat-lipat rin ng tingin ang mga ka-department ko sa akin at kay Sir Dmitri at lalo na si Ma'am supervisor na halos lumuwa na ang mga mata tila di makapaniwala.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


The CEO's Substitute Wife (Wattys 2015 Instant Addiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon