"Kayang-kaya ko na po ito, Nana. Sanay akong magluto nitong turon, ito ang madalas naming meryenda ni Lolo. Pakidalhan na lang po mamaya si senyora baka po gusto niya."

"Mabuti naisipan mong magluto nito, isa ito sa paboritong meryenda ni Senyora Elizabeth."

Tipd lang akong ngumiti sa kanya dahil ito naman palagi niyang sinasabi sa akin. Pero ang totoo wala naman sa mga niluto ko ang nagustuhan ng senyora. 

Ilang beses akong naghanda ng meryenda at binigay sa kanya pero ni minsan hindi niya ito kinain. Kapag nagluluto naman ako ng ulam, hindi ko siya nakitang tumikim kahit respeto man lang. Para bang lahat ng mga niluluto ko ay may lason na ayaw niyang tikman.

Nasasaktan ako pero wala naman akong magawa. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili kong magustuhan niya. Lalo't narararamdaman kong ayaw niya talaga sa akin para kay Gaston. Hanggang ngayon senyora Elizabeth pa rin ang tawag ko sa kanya dahil si Papá Gideon lang naman ang nagsabi sa aking tawagin ko siyang Papá.

"Oh turon, my favorite. Mabuti naman at naisipan mong magluto nito ngayon, Mariana. I've been craving for this. I miss eating turon, the last time I ate it, was when we went to Amanpulo."

For the first time mukhang kakain si senyora sa niluto ko. Nagtago ako sa likod ng pintuan sa kusina para tingnan kong tatanggapin niya ang turon na ginawa ko para sa kanya. 

"How did you learn this style, Mariana. Mukhang iba ang pagkakaluto mo ng turon ngayon ah." tanong ni senyora. Mat nakatusok ng turon sa tinidor niya at isusubo niya na sana ito kung hiindi lang naging honest si Nana.

"Ay senyora hindi po ako ang nagluto niyan, si Camilla. Ang galing na bata, madaming alam lutuin." doon palang alam ko na.

Parang nabasag ang puso ko ng makita kong bigla niyang binaba ang tinidor na hawak niya. Nakangiti pa rin itong nakatingin kay Nana pero marahn niyang tinulak ang platito palayo sa kanya. 

"Please take it, Mariana."

"Ayaw niyo po, Senyora? Diba paborito mo to?" naguguluhang tanong ni Nana.

"Just now I remember, Mariana, I'm allergic to banana. The last time I ate it, I ended in the hospital. Buti nalang naalala ko. I'm sorry."

Hilaw akong ngumiti at umalis sa kinukublian ko. I know she's just making reasons kasi alam niyang ako ang nagluto. Nakita ko kung gaano siya ka-excited kumain kanina pero nung nalaman niya biglang nagka-allergic siya. Pero sige lang,ayos lang. Hindi ko naman sya mapipilit na magustuhan ang mga niluluto ko. Kaya ko 'to...para kay Gaston kakayanin ko. 

Nagpatuloy ang ganung senaryo namin sa bahay nila pero ni minsan hindi ako nagsumbong sa asawa ko. Hindi lang sa pagkain pati sa mga gawaing bahay. Kahit asawa na ako ni Gaston tumutulong ako dito sa mansion, lalo na kapag wala na siya at nasa planta na.

"Manang tell...the maid to change all the beddings."

I stopped reading my books when I heard what senyora said. I'm not looking at her but I can feel her stares as she emphasized the word maid. "I don't like the color and quality of cloth that you used. So cheap, nagmumukhang basura itong bahay ko." she added. 

Parang  binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni senyora. Ako kasi ang naglagay nung mga bedsheet na sinasabi niyang cheap. Si Nana ang nagsabi sa akin na doon ako kumuha sa mga lagayan ng beddings nila. Pero ang mga bedsheets na ginagamit ko ay parehas lang naman sa mga ginagamit nila at wala din itong ibang kulay kundi puti lang naman. 

"Opo senyora. Ako na pong bahala magsabi sa mga kasama ko." magalang na sagot ni Manang sa kanya. Tumingin ako sa kanila at nahihiyang tumayo. Nagpang-abot ang tingin namin ni Nana at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong nasasaktan si Manang para sa akin. Hindi niya man sabihin dama ko yun. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now