BMDN Chapter 12

Magsimula sa umpisa
                                    

Gusto kong malaman kung bakit namatay si Raquel at alam kong dito sa bahay na ito ko makukuha ang sagot. Pero hindi ko na kayang manatili dito lalo na kung ganito kasama ang makakasalamuha ko.




Tumalikod ako at naglakad papunta sa pinto. Narinig ko ang malutong nyang mura.



"Kung ganon bahala na ang lawyer ko na kuma-usap sayo"


Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Lawyer?



"Nakalimutan mo naba na may utang ka sakin? At kung hindi mo mababayaran iyon pwede kitang ipakulong. Pero alam kong  mababaw na dahilan ang pag kakautang mo para ipakulong ka. Pwede kong dagdagan ng konting kasinungalingan para makita lang kita sa kulungan. Kaya kong palabasin na nagnakaw ka sa bahay ko." Nakangising sabi nya saka namulsa.




Bigla para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. Kaya nyang palabasin na nag nakaw ako sa bahay nya para lang makulong ako sa oras na tanggihan ko ang gusto nya? Kaya nyang manira ng tahimik na buhay masunod lang ang gusto nya.





"Ang sama mo!" Galit na sabi ko. Kaya nyang manira ng buhay ng tao pag hindi ito naging pabor sa gusto nya. Tao ba tong kausap ko? Bakit ito pinakasalan ni Raquel kung ganito ito kasama. O baka sya ang dahilan kung bakit namatay si Raquel?






"Alam ko" proud pa na sabi nya saka muling ngumisi.

"Ano ang gusto mo? Ang makulong ka o maging Nanny ng anak ko? You decide"



Alam kong kaya nyang gawin ang banta nyang ipakulong ako at ipalabas na nag nakaw ako, at ayokong mangyari iyon pero ayoko rin makasama ang demonyong lalaking ito. Alam ko lahat ng lumalabas na banta sa bibig nya ay ginagawa nya. Nagawa na nga nya akong saktan ng pisikal.






***







"Ako ng bahala dito Ate Nina" sabi ni Cc ng nagpaalam ako. Tumingin ako sa dalawa kong kapatid, alam kong tutol sila sa pag balik ko sa bahay nila Spencer. Alam nila na hindi maganda ang trato ni Spencer sakin, pero alam ko na maiintindihan din nila na para ito kay Kisza.



Pagkatapos mag paalam ay pumasok na ako sa kotseng nakaparada sa harapan ng bahay.


"Good choice" sabi ni Spencer na nasa tabi ko. Hindi ko sya pinansin at tumingin sa mga kapatid ko na nasa labas ng bahay at nakatingin sa sasakyan kung saan ako naka sakay. Tinted ang sasakyan kaya hindi nila ako nakikita, pero sila kita ko ang malungkot na mga mukha nila.

Napabuntong hininga ako ng nag simulang umandar ang sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa sasakyan hanggang narating namin ang malaki nilang bahay. Nauna syang bumaba ng nasa front door na kami, tinanggal ko ang seat belt ko at lumabas narin.







"Kunin mo ang gamit mo, may maliit na kwarto sa tabi ng kwarto ni Kisza doon ka dumiretsyo" sabi ni Spencer saka ako iniwan.


Sinunod ko ang gusto nya. Pumasok ako sa dati kong tinutulugan dahil hindi ko naman nadala ang mga gamit ko ng pinalayas ako dito at wala rin naman akong balak kuhanin ang mga ito. naabutan ko si Venus na bagong paligo pa.



"Nina!" Tili nya saka ako niyakap. Naging close kami kahit dalawang araw at dalawang gabi lang kami nagkasama. Ma daldal sya kaya madaling makagaanan ng loob.




"Kamusta Venus?" Tanong ko saka inayos ang mga gamit na naiwan ko.



"Ayos lang, babalik kanaba dito?" Tanong nya saka umupo sa tabi ko. Tumango ako bilang sagot.




"Alam mo? Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa kang saktan ni Sir. Mabait naman si Sir kahit na laging masama ang mood, ewan ko ba simula ng mamatay si mam Raquel naging ganyan na si Sir. Laging galit sa mundo, siguro hindi pa rin sya nakaka move on sa pagkamatay ng asawa nya siguro sinisisi pa rin nya ang sarili nya. Kasi dahil sakanya namatay si Mam Raquel"



Nakalimutan ko ang dapat kong gawin at pinakinggan nalang ang sinasabi ni Venus. Dahil sakanya namatay si Raquel? Hindi ko alam ang buong kwento pero alam kong may dahilan kung bakit ganito si Spencer.




"Venus ano ba ang nang-"




Natigil ako sa pag tatanong ng bumukas ang pinto at pumasok ang pupungas pungas na si Kisza. Mukhang kagigising lang nya at dito agad pumunta. Lumapit sya sakin saka yumakap sa leeg ko.




"Akala ko po pinaalis nanaman ikaw ni Dad" sabi nya gamit ang paos na boses.





"Hindi, kinuha ko lang ang mga damit ko kasi lilipat na ako sa tabi ng room mo" sabi ko saka sinapo ang mukha nya at hinaplos ito.






"Talaga po?" Masayang sabi nya " teka lang po mag te-thank you ako kay Daddy" sabi nya na parang nagising ng tuluyan at mabilis ng lumabas





"Alam mo Nina, kung hindi ko lang kilala si Mam Raquel iisipin kong may relasyon kayo ni Sir Spencer at anak nyo si Kisza" sabi ni Venus na nag pakabog ng dibdib ko.




"B-bakit mo naman nasabi yan" kinakabahang tanong ko saka nag iwas ng tingin.


"May mga ibang features si Kisza na kamukha mo at meron namang iba na kamukha ni Sir. Ahh ewan Kalimutan mo na ang sinabi ko imposible iyon dahil anak ni Mam Raquel si Kisza" sabi nya



"Imposible nga iyon" sabi ko kay Venus pero parang sa sarili ko ko sinasabi iyon.









"Ate Nina, tara po papakita ko yung room mo" biglang pasok ni Kisza sa kwarto namin at hinatak ako. Napatingin naman ako kay Venus tinanguan naman nya ako kaya nag pahatak na ako kay Kisza.




Dinala nya ako sa isang kwarto na katabi ng kwarto nya. Maliit lang iyon kumpara sa mga ibang kwarto sa second floor, pero malaki na ito para sakin.
Pinanuod ko ang pag lalakad ni Kisza papunta sa kama, umupo sya doon.



"Sinabi ko kay Daddy na dito ka mag room pag bumalik ka. Kasi nag promise sya sakin na papabalikin ka nya ayaw ko kasi na may ibang mag aalaga sakin gusto ko ikaw lang." Sabi nya.

Napangiti ako at ramdam kong nanginginig ang labi ko at nag iinit ang mata ko dahil sa narinig ko. Gusto ng anak ko na ako lang ang mag aalaga sakanya napakalaking bagay na sakin iyon. Nag lakad ako papuntang kama at tumabi sakanya, nanginginig ang kamay ng tinaas ko ito upang haplusin ang buhok nya.


"Promise Kisza, hindi na ako aalis sa tabi mo. Kahit lumaki kana, kahit na magka asawa't anak kana. Hanggang sa tumanda ka hindi kita iiwan. Pangako yan" hindi ko na napigilan ang pag iyak ko ng yakapin ako ng mahigpit ni Kisza. Hindi nya man ako kilala alam ko alam ng puso nya kung sino o ano ako sa buhay nya.




Sorry Raquel pero hindi ko na ata kayang lumayo sa anak ko.







***

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon